ACE'S P.O.V Hindi ko napigilan ang mga luhang pumatak mula sa aking mga mata. Habang ako ay naglalakad papalayo sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ko pala siya nasaktan noong panahon na matuklasan niyang may lihim akong pamilya, na inakala niyang totoo ang lahat. Wala akong imik na nagmamaneho ng sasakyan pabalik ng hotel para ihatid si Allyson. Gusto kong mapag-isa, gusto kong sa kahuli-hulihang pagkakataon ay makapag-isip ako. "Kuya, kanina pa kita napapansin na tahimik, at saka may kakaibang kilos nang makita ang kaibigan ko. May problema ka ba? Kilala mo ba ang pamilya niya?" pag-uusisa ni Allyson. "Ayos lang ako sweetie, may iniisip lang. Tungkol naman sa pamilya ng kaibigan mo ay kilala ko ang ama niya, pero hindi ko naging kalapit ang mga ito," tugon ko naman. "

