LAUREN'S P.O.V KINABUKASAN ay inihanda ko ang mga bagong desenyo na nagawa ko kahapon. Nagmadali na akong pumasok dahil nagmessages sa akin ang isang staff ko na may gustong kumausap sa akin. Malamang ay panibagong customer ko naman siguro ito. Nang makarating ako ay agad akong sinalubong ng staff ko. Hindi nila ugaling salubungin ako kapag dumadating. Kaagad naman niya akong binati nang nakangiti. "Ms. Richards, the person who wants to talk to you is already here," aniya. "Okay, thank you for informing me," I replied to her. Pagpasok ay nakita ko ang isang lalaking matangkad, gwapo at desente ang pananamit. First time ko magkaroon ng customer na lalaki kasi kadalasan mga babae dahil gown ang ginagawa ko. "Hello! Good morning Sir," agad kong bati sa kanya. Napatayo siya ng mak

