CHAPTER 05

2457 Words
“WHAT?! Are you serious about this, Ella?!” Sumeryoso ako at diretso siyang tiningnan. “Yes po. Maraming taon na akong nagtago sa likod ni Jenna Rolling, it’s my time naman po para ipakita ko sa mga readers ko kung sino ba ako, ano ba ako. Ayoko nang maging anino. Nagsusulat ka rin po, Miss Beverly. Alam ko naiintindihan mo ako,” sabi ko. Matiim niya akong tinitigan. Hindi ako nagpatinag. Tila nai-stress na napahawak si Miss Beverly sa kanyang noo at marahan iyong minasahe. Inalis ang suot na eyeglasses at muli akong tiningnan. “Naiintindihan kita, Ella. Writer din ako at alam kong masakit sa part mo na iba ang binibigyan ng papuri sa mga works na ikaw ang tunay na gumawa. Jenna Rolling got a lots of awards habang ikaw… wala. Sige, kakausapin ko si Jenna regarding your resignation.” “Salamat po, Miss Beverly!” Masaya ako na hindi niya ako pinahirapan sa desisyon kong ito. “Ikaw, what’s your next plan?” “Actually, wala pa po. Pero baka maging indie writer na lang po muna ako.” “Ikaw bahala. Just in case, you need help… `Andito lang ako.” Nakangiti akong tumayo upang yakapin si Miss Beverly. She’s been a good boss to me. Mami-miss ko siya. NAKAKALOKA! Muntik na akong hindi papasukin ng landlady namin dito sa apartment. Hindi niya kasi ako nakilala. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na ako si Ella dahil lalo siyang hindi maniniwala. Nagpanggap na lang ako na kaibigan ni Pepita para makapasok ako. “Bakla!!! Look!!!” Winawagayway ko ang mga paper bags na dala ko habang papalapit kay Pepita na nakaupo sa sofa at hawak ang cellphone. “Ano naman ang mga iyan?” Nakanguso niyang tanong. “Mga sexy dress! For my sexy body. Saka bumili na rin ako ng susuotin ko sa reunion namin. Ang ganda! Bagay sa akin!” Tumigil ako sa pagsasalita nang mapansin ko na parang hindi masaya si Pepita. Parang hindi siya interesado sa mga sinasabi ko. “Bes, bakit naman parang hindi ka happy for me?” “Ano ka ba?! Masaya ako para sa’yo, bes. Iyon nga lang…” Binitin niya ang sasabihin niya. “Iyon nga lang?” “Baka ngayong nagiging maganda at sexy ka na, makalimutan mo na ako. Humanap ka na ng magandang bes diyan!” “Alam mo, bes, hindi bagay sa’yo ang magtampo!” ani ko. “Pero don’t worry, nagbabago man ang anyo ko, never magbabago ang friendship natin kahit ang OA mong bakla ka!” Natawa si Pepita. “Talaga ba?” “Talaga! Tama na nga ang kadramahan mo. Oo nga pala, nag-resign na ako as ghost writer ni Jenna. Magpapaka-indie muna ako as of now. Tapos kapag na-established ko na ang name ko as Ella Panti, saka ako magpapasa sa mga publishing company.” “Wow! Career move. Good luck, bes!” GRABE! Ang init! Gabi na pero ang alinsangan pa rin ng pakiramdam ko. Makaligo nga muna. Pumunta na ako sa banyo at hinubad ang lahat ng damit ko. Nakita ko ang sarili ko sa salaming nakasabit sa banyo ko. Ang taba talaga ng mukha ko. Hindi lang mukha kundi buong katawan. Pero ang swerte ko pa rin dahil nakilala ko si Matandang Hukluban at binigyan niya ako ng magic red lipstick! Bongga! Kung dati ay ayoko nang dumating ang high school reunion namin ngayon kating-kati na akong dumating ang araw na iyon. Gusto ko nang makita ako ni Arkin para maisampal ko sa kanya ang pananakit niya sa akin noon. Nang makita pa nga lang niya ako sa mall, feeling ko ay laway na laway sa akin ang hinayupak. Hindi naman niya ako tutulungan kung hindi siya nagandahan sa akin, `di ba? “Ang ganda ko kaya!” Nakataas ang kilay na sabi ko habang nakaharap sa salamin. “`Yong totoo?!” “Ay tae mo!” Kulang na lang ay mapatalon ako sa gulat nang biglang lumitaw si Matandang Hukluban sa likuran ko. Nagmamadali na kinuha ko ang tuwalya at itinapis iyon sa aking katawan. “Talaga? Maganda ka?” At talagang naka-all pink ang attire niya ngayon, ha. Pink ang buhok, pink ang dress pati shoes niya. Akala niya siguro ay ikinaganda niya ang pagpi-pink. Para siyang bulok na strawberry! “Oo! Maganda ako…” sagot ko. “K-kapag may magic red lipstick!” dugtong ko. Tumawa siya. “Iyon naman pala!” aniya sabay palakpak. “Teka nga, baka tayo magkalimutan. Bakit ka ba nandito? At talagang sumusulpot ka na lang basta-basta. Dito pa talaga sa banyo kung kailan hubo’t hubad ako. Tomboy ka ba?!” “Excuse me, Ella! Angel ako, remember? May kapangyarihan ako. At dahil ikaw ang pinagbigyan ko ng magic red lipstick, tungkulin ko na bantayan ka at alamin kung mapapasaya ka nito. Nakikita ko lahat ng ginagawa mo.” “Kahit na. Dapat nagpapasabi ka naman muna bago ka sumulpot. Kaloka ka! Sa lahat ng angel ikaw na itong pangit na mambobos pa.” “Ay, hindi mo alam kapag bumalik na ako sa tunay kong anyo.” Naglakad-lakad siya at nang makita ang inodoro ay umupo siya doon. “Oo nga pala, kumusta naman ang paggamit mo ng magic red lipstick?” Napangiti ako sa tanong niyang iyon dahil so far ay puro magaganda ang naidulot ng paggamit ko ng magic red lipstick. “Masaya. Sobra! Kanina sa mall, first time kong maramdaman kung paano ang maging maganda. Iyong pinagtitinginan ka ng mga tao. Pinupuri ka nila. Tapos dahil maganda na ako, nagkaroon ako ng lakas ng loob na umalis sa dating trabaho ko. Itinatago nila kasi ako dahil sa mataba ako.” “Very good, Ella!” “Wait! Don’t tell me, babawiin mo na ang magic red lipstick dahil masaya ako?! `Wag muna, please!” Dapat pala sinabi ko na malungkot ako. Pero mukhang useless iyon dahil ang sabi niya nakikita niya lahat ng ginagawa ko. Naku… Paano na lang kung kunin niya iyon? Wala pang reunion, e. Bigla tuloy akong nabahala. Ah! Hindi ako papayag na ibigay iyon ngayon. Saka na pagkatapos ng pagkikita namin ni Arkin. Kasehodang bugbugin at makipaglaban ako dito kay Matandang Hukluban. Mukha naman siyang mahina at malutong na ang mga buto. Sa laki kong ito, daganan ko lang siya, talo na agad. Mariin siyang umiling. “Ano ka ba? Hindi pa. Sa’yo ang magic red lipstick hanggang sa maubos ito,” sagot niya. Nakahinga ako nang maluwag. “Mabuti naman… Pero nauubos din pala iyon? Akala ko ba magic? Bakit nauubos?” “Oo naman. Walang forever. Nauubos din ang magic red lipstick. Kusa siyang mauubos kapag naramdaman niyang masaya ka na at hindi mo na siya kailangan. Iyon na rin ang oras na makukuha ko na ang pakpak at tunay kong anyo at babalik na ako sa taas!” Tumuro pa siya sa itaas. “Ganoon ba? Paano kung hindi ako maging masaya?” “Hindi mangyayari iyan… Tutulungan ka ng magic red lipstick na mahanap ang tunay na kaligayahan. Makikita mo. Napanood ko na ito dati.” “Dati? Ibig sabihin may nauna na sa akin na gumamit ng magic red lipstick?!” “Oo naman. Si Barbara. Pangalawa ka na sa owner niyan.” Bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo. “Sige na. Maligo ka na. Ang baho mo na, e!” Aapela pa sana ako pero bigla na lang siyang naglaho right infront of my eyes. “THIS is it! Ito na ang gabing pinakahihintay ko, Pepita! Ang gabi kung saan maghaharap na kami ng lalaking nag-iwan ng sakit sa aking puso. Ngayong gabi, makikita niya kung ano na ang hitsura ng matabang bata na sinaktan niya ang puso noon! Ngayong gabi, luluhod ang mga tala!” Akala mo ay nasa soap opera na litanya ko habang nakatingin ako sa salamin. Naniningkit ang aking mga mata dahil feel na feel ko talaga ang mga sinabi ko. Nasa likuran ko si Pepita habang nakatingin lang siya sa akin. Sumimangot ang bakla kong kaibigan sabay batok sa akin. “Gaga! Anong sinasabi mong hitsura, e, mataba ka pa rin naman ngayon! Saka ang dami mong kuda! If I know, kinuha mo lang iyan sa mga pelikula.” Naiimbyerna na tiningnan ko siya. “Ano bang pakialam mo? Ang ganda kasing sabihin. And besides, I have my magic red lipstick kaya hindi ako matabang pupunta sa reunion!” ani ko. Inilabas ko na sa aking bulsa ang magic red lipstick at ginamit ko na iyon para mag-transform na ako sa pagiging sexy. Manghang-mangha naman si Pepita sa bonggang pagpapalit ko ng anyo. Nagpose ako nang nagpose para inggitin siya sa kasexyhan ko. “Bes, baka naman pwedeng pagamit ako niyan. Baka maging babae ako bigla!” “Naku, bes! Asa ka pa. This magic red lipstick is just for me. Only me! Baka maging kabayo ka pa kapag ginamit mo ito, so, `wag na lang!” Humila na ako ng upuan sa harap ng salamin at umupo doon. “Ang mabuti pa, ayusan mo na ako para makaalis na ako!” “Hay naku! Oo na! Ang swerte mo talaga sa akin, bes!” “Ano pa’t naging make-up artist ka kung hindi mo naman gagamitin sa akin, Pepita. Go na!” At ilang sandali nga lang ay inumpisahan na ni Pepita ang pagpapaganda sa akin. I mean, mas lalong pagpapaganda sa akin kasi maganda na naman talaga ako. Chos! SABI nga nila, sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa reunion din ang tuloy. Charot lang. Ako talaga ang may sabi no’n. Finally, ito na ang gabing pinakahihintay ko! Kakababa ko lang ng taxi na sinakyan ko papunta sa Acacia Hotel dito sa Alabang. Dito kasi gaganapin ang reunion namin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nang hindi ko alam. Confident naman ako sa hitsura ko. I am so sexy and beautiful sa aking simpleng gown at sa aking simpleng make-up. Thanks to magic red lipstick and Pepita. Alam ko rin na magugulat lahat ng kaklase ko noon dahil sa hitsura ko ngayon. Sino nga bang mag-aakala na ang matabang-mataba noon ay sexy na ngayon? Pero isang tao lang naman ang gusto kong makakita sa akin ngayong gabi… Walang iba kundi si Arkin Andres! Nag-ipon ako ng hangin sa aking dibdib sabay buga. Kaya ko ito. Nag-umpisa na ako sa paglalakad papasok ng hotel. Very poise ang aking bawat hakbang para naman bumagay sa katauhan ko for tonight. Sa entrance ay wi-nelcome ako ng isang babae na pamilyar sa akin ang mukha. Sigurado ako na classmate ko siya noon. Medyo losyang na siya ngayon kaya hindi ko na matandaan kung sino siya. “Name please?” ani ng babae. “Ella Panti…” I answered and smiled. Napanganga ang babae kasabay ng panlalaki ng mata niya. “Hindi nga?! Ikaw na si Ella Panti? Iyong mataba dati?” “Yes. Bakit ba?” Pa-demure na tanong ko. “Ikaw, sino ka nga ulit?” “Ako si Maricorn Bandula!” “Ah, the class muse!” “Yes. Maganda noon, losyang na ngayon…” Malungkot na sagot ni Maricorn sa akin. “Ikaw, ang ganda-ganda mo na ngayon, Ella!” “I know right!” Umikot pa ako sa harap niya sabay pose. “Pasok na ako sa loob. Bye…” Parang isang beauty queen na kumaway pa ako sa kanya. Hindi kami close ni Maricorn pero grabe `yong reaksyon niya nang makita ako, ha. Ano pa kaya kung si Arkin na, `di ba? Excited na akong makita ang damuhong iyon. Very elegant ang pagkakaayos ng venue. Halatang ginastusan ng kung sino mang gumastos dito. Hindi naman kasi humingi ng ambag, kaya hindi na rin ako nagbigay. Naghanap ako ng bakanteng table at habang ginagawa ko iyon ay naririnig ko ang mga bulung-bulungan ng mga nakakakita sa akin. Sino ba daw ako? Hindi daw nila matandaan ang mukha ko. Ang ganda ko raw at sexy. Para daw akong dyosa! Sige lang, purihin niyo lang ako. Lahat kayo magugulat kapag nalaman niyo kung sino ako. Bwahaha! Nakakita na rin ako ng bakanteng table at doon ako pumwesto. Palinga-linga lang ako. Wala naman akong masasabing bestfriend o kahit mga kaibigan noon kaya wala akong kailangang hanaping tao. Si Arkin lang talaga. Maya maya ay may tatlong babae at dalawang lalaki ang lumapit sa akin. Nag-hi sila sa akin at nag-hello naman ako. Matapos iyon ay nagpakilala sila isa-isa sa akin. “Are you sure kaklase ka namin? Sa lahat kasi ng nandito, ikaw lang ang hindi ko ma-recognize kung sino,” tanong ng isang babae na si Jessica. “Oo naman. Ako ito… si Ella.” “Ella who?” “Ella Panti!” “s**t!” Lahat sila ay napamura nang sabihin ko kung sino ako. Nagmamadali namang umupo si Jessica sa tabi ko. Hinawakan niya ang mukha ko, pinisil ang ilong at halos lamutakin na ang braso ko. “Hey! What are you doing?” Binawi ko ang braso ko dahil medyo masakit na. “Saan ka nagpa-retoke? Kay Belo? Calayan? Ah! Hindi siguro! Ang perfect ng pagkakagawa sa iyo kaya siguro sa ibang bansa ka nagpagawa! Teka, totoo pa iyang dede mo?” Akala mo ay isang imbestigador na tanong niya. Akmang hahawakan niya ang boobs ko pero pinalo ko ang kamay niya. “Excuse me! I am all natural. Maybe mataba ko noon pero sa tulong ng diet, exercise and prayers, naging ganito na ako!” Tumayo pa talaga ako sa harapan nila para ipakita nang maayos ang katawan ko. Lahat naman sila ay nakanganga. Nakita ko na naiingiit iyong mga babae habang ang mga lalaki naman ay humahanga. “Kung alam ko lang na gaganda ka ng ganiyan, ikaw na lang sana niligawan ko noon, Ella!” palatak ni Ruven. “Anong sabi mo?!” asik dito ni Gemma na asawa na nito ngayon. “Ah, eh… Joke lang naman--” “Anong joke?!” sinapak ni Gemma si Ruven. “Umuwi na tayo!” “Ano ba, Gemma?! Joke lang sabi--” “Uuwi na tayo!!!” “Oo na! Oo na!” At nag-martsa na paalis ang dalawa. Well, hindi ko naman kasalanan kung mag-away at umalis ang dalawang iyon. Hindi ko naman kasalanan na maging maganda. Ilang sandali pa ay umakyat na ang host sa maliit na stage at sinabi na umupo na kaming lahat dahil mag-uumpisa na ang party. Teka nga, bakit hindi ko pa nakikita si Arkin? Diyos ko! Baka naman hindi siya pupunta? Sayang lang lahat ng effort ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD