CHAPTER 06

2636 Words
AFTER ng maikling prayer ay nag-umpisa na ang party. Kainan at may ilang production number na naganap. Ilang classmates ko rin noon ang hindi makapaniwala na ako ang dating mataba at pangit na si Ella Panti. Gandang-ganda sila sa akin! Halos isang oras na rin ako doon pero wala pa rin si Arkin. Hindi ko pa rin nakikita ang hinayupak na lalaking iyon. Baka naman wala naman talaga siyang balak pumunta dahil siguro alam niyang pupunta ako. Nakokonsensiya siya siguro sa ginawa niyo noon sa akin! Napatingin ako sa plato ko na kanina ay puno ng pagkain. Buffet kasi kaya unli kain ako tonight. May magic red lipstick naman ako kaya kahit kumain ako nang kumain ay walang problema. Medyo ingat nga lang ako sa pagkain at pag-inom dahil baka mabura ang magic red lipstick. Mahirap nang bigla na lang akong bumalik sa pagiging mataba, `di ba? Ang mabuti pa siguro ay kumuha na lang ulit ako ng pagkain. Nakakagutom na, e. After nito ay uuwi na ako. Mukhang hindi naman magpapakita sa reunion na ito si Arkin. Kainis! Sayang lang ang pagpapaganda ko. Pero hindi naman ako nagpaganda para magustuhan niya, ha. Nagpaganda ako para magsisi siya sa pag-reject niya sa akin noon. Naglakad na ako papunta sa buffet table. Siyempre, diretso agad ako sa lechon. “Kuya, pakitadtad namana ko ng lechon. Damihan mo ng balat, ha. Thank you…” Request ko sa nagsi-serve. “Okay po, ma’am…” Nakangiting turan ng server. “Hindi po ba kayo tumaba niyan? Nakailang balik na kayo dito, ah.” Isang plastik na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Intregero din! “Binabawi ko naman ng workout. Pakidagdagan pa, please.” Ito na lang ang papapakin ko bago ako umuwi. Naglalakad na ako pabalik sa table ko. Dumadaan na ako sa gitna ng aisle na nagli-lead papunta sa stage nang magsalita ang host. “And finally! Nandito na ang pasimuno ng reunion na ito. Please welcome… Mr. Arkin Andres!” Nanlaki bigla ang mga mata ko sa narinig ko. Napahinto tuloy ako sa paglalakad habang hawak ang isang plato na puno ng lechon. Nang makita kong may itinuro ang host sa may entrance ay awtomatiko akong napalingon doon. Ngunit mali pala na ginawa ko iyon. Dahil paglingon ko ay bumangga ang mukha ko sa katawan ng isang mabangong lalaki. Dumulas sa kamay ko ang plato at gumewang ako dahilan para muntik na akong ma-out of balance. Mabuti na lang ay naging maagap ang lalaking nakabanggaan ko at nahapit niya agad ako sa aking beywang. Napahawak ako sa kanyang balikat at napatitig sa kanyang mga mata. Shit! Si Arkin!!! Halos hindi ko na narinig ang pagkabasag ng plato nang bumagsak ito sa sahig dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Pakiramdam ko ay nilalamon ako ng mga titig niya. Pakiramdam ko ay hinuhubaran niya ako sa pamamagitan ng kanyang mga mata. “You look familiar… Okay ka lang ba?” tanong niya. Doon na ako biglang natauhan. Kumuha ako ng lakas para tumayo nang ayos. Yumukod ako para pulutin ang nabasag na plato pero mabilis siyang kumilos para pigilan ako. Hinawakan niya ang kamay ko. Nagkatitigan na naman kami. Sinenyasan ni Arkin ang isang waiter na linisin nito ang nagkalat na basag na plato at lechon. “Yeah! I remembered now. Ikaw `yong sa mall, right? Nagkita na tayo!” Manghang saad ni Arkin. Pinilit kong tingnan siya nang diretso pero hindi ko magawa. Nasaan na ang tapang ko? Bakit ngayong kaharap ko na siya ay hindi ko magawang magmaganda sa kanya? Gusto ko tuloy sampalin ang sarili ko ng oras na iyon baka sakaling matauhan na ako. “Y-yes. Ako nga iyon!” Walang pasabi na tumalikod na ako at bumalik sa table ko. Para akong nag-work out ng tatlong oras sa bilis ng t***k ng puso ko. Nakakapanghina ang mga titig ni Arkin. Bakit tila ganoon pa rin ang epekto niya sa akin? Bakit?! Tinawag na ng host si Arkin sa stage upang mag-speech. Ito pala ang gumastos ng lahat para sa reunion na ito. So, naging matagumpay pala talaga siya after all these years. Habang nagsasalita si Arkin sa stage ay isang pangyayari sa aking buhay ang bumalik sa aking isipan. Pangyayari na lingid sa kaalaman niya… MALUNGKOT akong umuwi sa bahay mula sa eskwelahan. Kahit naman siguro sino ay hindi matutuwa kung i-reject ka ng taong inaakala mong may gusto sa’yo tapos sa harapan pa ng maraming tao. Pakiramdam ko tuloy ay hindi lang ako mataba kundi isang ubod pa ng pangit na babae. Ang akala ko naman kasi ay may gusto sa akin si Arkin. Iyon naman pala ay nilalapitan lang niya ako dahil nakakakopya siya sa akin kapag may exams. Simula ng araw na iyon ay hindi na ako pumasok sa school. Palagi na lang akong nakakulong sa aking kwarto. Mahina na rin akong kumain. Umiiyak din ako madalas dahil sobrang sakit. First broken heart ko kaya ito kaya ang tindi ng sakit na nararamdaman ko. Minsan ay kinatok ako ng nanay ko at nang hindi ko siya pagbuksan ay pwersahan na siyang pumasok doon. Naabutan niya akong umiiyak habang nakaupo sa gilid ng kama. “Ella! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?!” bulyaw niya sa akin. “Hindi ka na nga kumakain ng ayos, hindi ka pa pumapasok!” “A-ayoko na pong mag-aral…” tugon ko. Nahihiya na rin kasi akong pumasok sa school dahil sa ginawang pagpapahiya ni Arkin sa akin sa harap ng maraming tao. “Anong hindi papasok? Paano na lang ang pangarap namin para sa iyo na maging stewardess ka?! Bukas ay pumasok ka, ha!” Matapos iyon ay lumabas na rin si nanay. Mas lalo akong nakaramdam ng awa sa aking sarili. Hindi na nga ako mahal ni Arkin, hindi ko pa maramdaman na mahal ako ng sarili kong magulang. Wala man lang akong naramdaman na pag-aalala mula sa nanay ko. Ang gusto lang talaga nila ay ang maging stewardess ako. Siguro nga, wala naman talagang nagmamahal sa akin. Kahit ang sarili ko ay hindi ko an rin mahal. Ang mabuti pa siguro ay wakasan ko na ang lahat ng ito para hindi na rin ako nahihirapan pa. Tumingin ako sa kabuuan ng aking kwarto. Nakita ko ang extension cord. Tinanggal ko iyon sa pagkakasaksak sa outlet. Magpapakamatay na lang ako. Magbibigti na lang ako! Kumuha ako ng upuan at tumuntong ako doon. Itinali ko ang extension cord sa may kisame at ang kabilang dulo at pinulupot at itinali ko sa aking leeg. Napaiyak na ako nang husto ng sandaling iyon. Sa pagpikit ko ng aking mga mata ay tila isang mabilis na pelikula na nakita ko ang mga nangyari sa aking buhay. Lahat ng masasakit na pangyayari na nagtulak sa akin para gawin ang bagay na ito. “Patawarin niyo ako, mama at papa… At ikaw, Arkin! Mumultuhin na lang kita! Humanda ka sa akin! Paalam, mundo!” Pagkasabi ko niyon ay tumalon na ako sa upuan. Pero sa bigat ko siguro ay hindi kinaya ng kisame ang bigat ko kaya bumigay iyon at nabagsakan ako ng kisame. Ang nangyari, bumagsak lang ako sa sahig at natabunan ng mga kahot at plywood. Imbes na mamatay ay sa ospital ako napunta. Pumutok kasi ang ulo ko nang mabagsakan ng kahoy. May kaunting galos din ako sa aking katawan. Napagalitan pa ako ng nanay at tatay ko. Pero naisip ko rin na siguro kaya hindi pa ako namatay ng araw na iyon ay dahil may purpose. May dahilan kung bakit buhay pa ako. Kaya naman binalik ko ang sarili ko sa dati at muling bumalik sa school. Masakit man na nakikita ko araw-araw si Arkin ay tiniis ko na lang. Isang taon na lang naman ay graduate na ako. At after no’n ay hindi ko na siya makikita. “ARE you really, Ella? Ella Panti?” Isang buong boses ng lalaki ang nagpalingon sa akin habang nakatayo ako sa labas ng hotel. Kanina pa ako nakatingala sa langit na puno ng stars. Lumabas talaga muna ako habang nag-i-speech si Arkin dahil feeling ko ay nahihirapan akong huminga. I just realized na kahit sexy at maganda ako ay hindi pa pala talaga ako handa sa paghaharap namin. Bumalik lahat ng sakit. Akala ko kasi ay galit na lang at paghihiganti ang nasa puso ko para sa kanya perp mukhang nagkamali ako. May sakit pa rin… Hindi ko inaasahan na si Arkin pala ang lalaking tumawag sa akin. Ang gwapo talaga ng mokong na ito lalo na ngayon. “Anong ginagawa mo dito?” May halong inis na tanong ko sa kanya. Huminto siya isang dipa ang layo sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na may pagka-amaze sa mga mata. Napailing siya sabay palatak. “Kung alam ko lang na ikaw `yong babae sa mall, niligawan na sana kita!” anito sabay tawa. Ang yabang! At feeling naman niya ay sasagutin ko siya? No! Umayos ako ng tayo at tinapangan ang aking sarili pero may calmness. “Kung alam mo bang magiging ganito ang hitsura ko ten years ago ay hindi mo ba ako ire-reject noon?” Okay. Mali yata na tinanong ko sa kanya iyon. Nagmukha tuloy akong bitter at hindi pa rin maka-move on. Well, iyon naman ang totoo. Pero kahit na! Hindi ko dapat ipakita sa kanya na bitter pa rin ako. “Seriously, Ella? You’re asking me that question?” Natawa na naman ito. “Hindi ka pa rin ba nakaka-move on sa pangre-reject ko sa’yo? Mga bata pa tayo noon. Bakit hindi mo ako tanungin ulit, same question nang umamin ka sa akin noong mataba ka pa. Ten years ago…” Brute! Ang hangin! Ang yabang! Gusto ko na siyang sapakin at sipain sa balls ng oras na iyon pero mukhang hindi bagay sa outfit ko. Some other time ay gagawin ko kay Arkin ang bagay na iyon. He deserved to be kick in his balls para maramdaman niya kung paano ang masaktan. Hindi man emotionally, kahit na physically na lang. Kung lalo itong gumwapo ay mas lalo rin naman itong yumabang! “Sorry but I’m not sorry, Arkin, pero kahit katiting ay hindi ko na naiisip na tanungin ka ulit ng gano’n. Well, if you excuse me, babalik na ako sa loob.” Kailangan ko nang um-exit dahil baka hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili at makapagsalita pa ako ng hindi maganda. Kahit papaano ay may satisfaction akong nararamdaman dahil nakita kong gandang-ganda sa akin si Arkin. Nanghihinayang siguro siya sa ginawa niyang pag-reject sa akin noon. Nakakadalawang hakbang pa lang ako nang biglang humarang sa daraanan ko si Arkin. Bumangga ako sa dibdib niya dahilan para tumalsik ako palayo sa kanya. Gumewang ang takong ko at matutumba sana ako kung hindi lang naging maagap si Arkin sa pagsalo sa akin. Hinapit niya ako sa beywang and he pulled me closer to him. Nagkatitigan kami habang may simpatikong ngiti sa kanyang mga labi. “Nasalo kita, Ella…” Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga na tumama sa mukha ko. “Ang laki na ng pinagbago mo. You are beyond beautiful now… It seems bagong tao ka na. The new Ella.” Tila nagrebolusyon ang mga butterfly sa aking tiyan ng sandaling iyon. Kung noon mo sana ako sinalo, Arkin… Noong nahulog ako sa’yo noong mga bata pa lang tayo, edi, sana things will be different now, bulong ko sa aking sarili habang nakatitig sa kanya. “Kanina ka pa nakatitig sa akin. Ang gwapo ko lalo ngayon, right?” Kumurap-kurap ako sabay bawi ng tingin. Itinulak ko siya at inalis ang pagkakahawak niya sa aking beywang. “Bitiwan mo nga ako! Bakit kasi humaharang ka sa daraanan ko?!” Naiinis na turan ko. “I just want to--” “Okay. Bye!” Iwinasiwas ko ang isa kong kamay para malaman niya na huwag na siyang magsalita pa. Malalaki ang mga hakbang na bumalik ako sa loob. Nagpaalam lang ako sa mga classmates ko na kailangan ko nang umuwi. Lahat sila ay pinigilan ako sa hindi ko malaman na dahilan pero hindi na ako nagpapigil sa kanila. Nag-Uber na lang ako pauwi dahil medyo mahirap nang maghintay ng taxi. Bagaman at may satisfaction akong nakuha dahil gandang-ganda si Arkin sa akin, para sa akin ay kulang pa rin ang ginawa ko sa kanya. He deserved more of my wrath! Hindi pa ako tapos kay Arkin. Simula pa lang ito! “GUSTO ko siyang pagsalitaan ng masama! Gusto ko talaga siyang saktan!” Halos madurog na ang pancake na niluto ni Pepita para sa breakfast dahil sa sobrang gigil ko habang nagkukwento. Kinukwento ko kasi kay Pepita iyong nangyari kagabi sa reunion. Iyong hindi ako na-satisfied sa nangyari. Malakas lang na tinawanan ako ni Pepita. “Pero hindi mo siya nagawang pagsalitaan ng masama at saktan? Ang hina mo naman pala, bes! Sayang lang ang powers ng magic red lipstick!” anito. Umuga ang double chin ko nang mabilis akong umiling. “Ewan ko… Ewan ko ba! Kung bakit hindi ko nagawa lahat ng eksenang binuo ko sa utak ko na gagawin ko sa kanya kapag nagkita. Iyong grand entrance ko sana tapos mapapa-wow siya tapos `yong confrontation at sampalan or buhusan ng juice scene! Wala! Wala akong nagawa kahit isa. Ewan ko ba! No’ng makita ko siya parang… parang…” Hindi ko na alam ng sasabihin ko kaya naman kumain na lang ako ng pancake na pinaliguan ko ng napakaraming syrup. “E, baka naman kasi nagpadala ka sa kagwapuhan ni Arkin, bes! Naku, kilala kita. Tumulad ka kasi sa akin, kahit na gaano kagwapo ang isang lalaki na nasa harapan ko never akong nagpaapekto! Sanay na kasi akong makakita ng mga gwapo. Be like Pepita, be like me!” Pagmamalaki pa niya sa akin. Aapela pa sana ako pero biglang may kumatok sa pinto. “Naku, baka iyan na iyong resibo ng Meralco. Pakikuha naman,” utos ko na lang sa kanya. “Ang aga naman. Kumakain pa ako, e!” “Kuhain mo na lang kasi.” Padabog na inilapag ni Pepita ang hawak na tinidor. Pakembot siyang lumabas ng kusina para buksan ang pinto. At talagang naka-pekpek shorts pa siya kahit na medyo maitim ang singit niya. Kaloka talaga itong bes ko. Well, kaya ko rin namang magsuot ng pekpek shorts basta ba payat ako. Huwag ngayon at mataba pa ako. Tama! Magma-mall ako with Pepita later tapos pekpek shorts outfit ko. Ay! Game ako diyan! “Ayyy!!!” Isang malakas na tili ni Pepita ang gumulantang sa akin. After no’n ay nakarinig ako ng parang kumalabog sa sahig. Pepita! Nag-aalalang sigaw ng utak ko. Itinigil ko muna ang pagkain ko at nagtatakbo papunta sa pintuan. Napahinto ako nang makita ko doon si Pepita na nakabulagta sa sahig habang may isang lalaki na tinatapik-tapik siya sa pisngi. OMG! Si Arkin! Anong ginagawa niya dito?! Paano niya nalaman na dito ako nakatira?! Hindi niya ako pwedeng makita! Tili ko sa aking sarili. Natataranta ako na nagpalinga-linga para maghanap ng pwede kong pagtaguan. At sa laki ko ay wala akong makita. Pero huli na ang lahat. Halos sumabog na ang ulo ko nang makita niya ako. Napakunot ang noo niya na para bang inaarok niya kung sino ako. “Hey! You! Help me! Bigla na lang siyang nawalan ng malay nang makita ako!” sigaw sa akin ni Arkin pero hindi ko pa rin magawang ikilos kahit na anong parte ng aking katawan. Nakita na niya ako sa anyo kong mataba! Buking na ako! Tapos na ang pagpapanggap ko! Patay kang mataba ka! Hindi ito maaari!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD