PAGKAMULAT ko ng aking mata kinabukasan ng umaga ay agad na akong nakapagdesisyon. Yes, as in oo. Tuloy pa rin ang pagganti ko kay Arkin. Nasimulan ko na rin naman, ituloy-tuloy ko na. Isa pa, ito rin naman siguro ang dahilan kung bakit nasa akin ang magic red lipstick-- para gumanda at makaganti kay Arkin.
Bumangon na ako. Medyo madilim pa sa labas. Aninag ko naman sa loob ng tent, e.
Kinuha ko ang aking phone para malaman ang oras at nahindik ako nang makita kong mataba ang aking mga kamay. Nagmamadali na kinuha ko ang compact mirror upang tignan ang aking mukha at doon ko nalaman na nabura pala ang magic red lipstick! May mga parang puti sa aking pisngi at paligid ng aking bibig. Natuyong laway? Eww!!! Ganoon ba ako kalakas nagpalabas ng laway habang natutulog? Sabagay, ang sarap kasi ng tulog ko last night. Tama lang ang lamig tapos nakakarelax pa `yong sounds ng mahinang alon. Naglalaway talaga ako nang bonggang-bongga kapag masarap ang tulog ko.
Mabuti na lang at over-sized shirt ang suot ko dahil kung fir na naman ay baka napunit na naman iyon sa biglaang pagtaba ko.
Siyempre, baka bigla na lang pumasok si Arkin, ginamit ko na ang magic red lipstick. Halos magiba ang tent dahil sa marahas kong transformation. Doon na rin ako nagpalit ng maayos na damit.
Paglabas ko ay naabutan ko si Arkin na nagkakape habang nakamasid sa dagat. Bahagya nang sumisilip ang araw sa silangan. Kulay red orange iyon na ang ganda dahil nagre-reflect siya sa tubig.
“Good morning!” bati ko kay Arkin.
Lumingon siya sa akin . “Good morning!” Ngumiti siya sa akin.
Pumunta siya sa tindahan na bukas na rin ng oras na iyon. Pagbalik niya ay may dala siyang isang tasa ng mainit na kape. Inabot niya iyon sa akin at sabay kaming uminom habang pinagmamasdan ang kagandahan ng kalikasan na nasa harapan namin.
“After this coffee, magshu-shoot na ba tayo? Sayang ang ganda ng sunrise…” Pagsisimula ko ng conversation namin.
“Yes. Tama ka, ang ganda nga ng sunrise dito.”
Huminga ako nang malalim. “Kung mayaman lang ako, I will surely buy this island. Tapos dito na ako titira hanggang sa tumanda ako. Ang sarap na gigising ka every morning na ganito kaganda ang makikita mo.”
“I agree pero hindi ko na kailangang bumili ng isla para makakita lang ng kagandahan every morning. Makita lang kita every morning is better than this view.”
Muntik na akong masamid sa kapeng iniinom ko sa sinabi ni Arkin.
“Hindi ka pa rin nagbabago. Bolero ka pa rin, Arkin!”
“Ikaw lang naman diyan ang nagbabago, e.”
“What?”
“Wala...” Inubos na niya ang kape niya. “Sumunod ka na lang sa akin. Nakapag-set up na ako sa spot ng shoot natin ngayon.”
“Kanina ka pa gising?”
“Yup! Five in the morning.”
So, kanina pa nga siya gising. Quarter to six na kasi ngayon.
Nang umalis na si Arkin ay inubos ko na rin ang kape ko. Kinuha ko lang sa tent ang mga susuotin ko at nagbihis na. Summer dress na mahaba ang outfit ko. Sumunod na ako kung nasaan si Arkin. Nandoon kami sa gilid ng bato. Low tide kaya hindi malalim ang tubig. Na-check na rin naman namin kung may sea urchin at wala naman. Ayoko nang matusok ulit no’n at iihian na naman ako ni Arkin!
Hay! Naalala ko na naman tuloy.
Eras, erase, erase!
Pinag-pose na ako ni Arkin sa gilid ng bato. Nasa background ko ang magandang sunrise habang hawak ang isang pitsel ng Ice Teh. Nag-smile ako. Akmang kukunan na ako ng picture nang biglang magsalita si Arkin at inalis ang mata sa kanyang camera.
“Oo nga pala, Ella. May sinabi ang company about sa pictures na kukunan natin ngayon.”
“Ano `yon?”
“No red lipstick. Mas gusto nila `yong mas natural look.”
“N-no red lipstick?”
“Yes.”
Para akong binuhusan ng Ice Teh na nagyeyelo sa sinabing iyon ni Arkin. No red lipstick? Hindi pwede `yon! Magkakabukuhan kapag binura ko ang lipstick kong `to!
Tinignan ako ni Arkin na para bang sinasabi niya na ano pang hinihintay ko at bakit `di ko pa inaalis ang red lipstick ko.
“A-arkin… A-ano kasi… Favorite ko ang red lipstick na ito kaya hindi pwedeng burahin ko `to,” palusot ko.
Nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa tense.
“Actually, bagay naman sa’yo ang red lipstick na iyan pero kailangang wala ka niyan sa shoot kasi iyon ang gusto ng company. Gusto mo bang kumuha muna ako ng tissue or wipes--”
“No! I mean… Ayoko na.”
“What?!” Napailing si Arkin sabay lapit sa akin. “Ayaw mo nang ituloy ang shoot?”
Tumango ako at iniiwasan ang mata niya. “K-kung ipapabura mo sa akin ang red lipstick ko, hindi ko na itutuloy ang shoot na ito. I’m sorry, Arkin.”
“Wait. Bakit ba ayaw mong burahin iyan? You’re still beautiful kahit wala ka niya. Ikaw pa rin ang pinaka maganda even without that lipstick.”
“I feel ugly kapag wala ito…”
“Okay, ganito na lang. We’ll shoot kahit hindi mo na burahin. I’ll just Photoshop them na lang.”
“T-talaga?” Para akong nabunutan ng tinik.
Tumango si Arkin.
Nag-smile na rin ako. “Okay!” Hindi maalis ang ngiti sa labi ko dahil sa sugestion na iyon ni Arkin.
“Wait. Hold that smile…” Kinuha ni Arkin ang kanyang camera at kinunan ako habang nakangiti. “There… Ang ganda,” aniya at bumalik na siya sa pwesto niya kanina.
Itinutok na niya sa akin ang camera at inutusan akong mag-pose.
AFTER ng shoot namin na iyon ay nagbreakfast na kami ng matino. Umalis muna saglit si Arkin dahil gusto niyang maligo kaya naman nakigamit siya ng banyo sa may-ari ng tindahan. Nagpalit din muna ako ng damit. Simpleng short at over-sized na shirt. Manipis naman iyong shirt kaya hindi mainit. Gusto kong maglakad-lakad at kumuha ng pictures.
Naaliw ako sa pamumulot ng mga shell sa tabing-dagat. Ang dami nila. Mabuti na lang at malaki ang shirt na suot ko dahil sa laylayan niyon ko inilagay ang mga shell na nakukuha ko.
Naglakad-lakad pa ako. Lumampas na ako sa kweba at medyo malayo na ako sa tent namin. Pero keri lang, hindi naman ako maliligaw dito.
Akmang yuyuko sana ako para kunin iyong nakita kong shell nang may maramdaman akong tila tubig na pumatak sa braso ko. Nagtataka na napatingin ako sa isang patak ng tubig sa aking braso. Ang isang patak ay nasundan ng isa pa at ng isa pa hanggang sa maging sunud-sunod na siya.
Pagtingala ko ay doon ko nalaman na umuulan pala at hindi lang basta ulan kundi ulan na palakas nang palakas!
No! Hindi ako pwedeng mabasa! Mabubura ang magic red lipstick!
Bakit ba naman kasi biglang umulan? Ang init-init naman kanina!
Malas talaga!
Kailangan ko nang bumalik sa tent bago pa matapos maligo si Arkin. Hindi ko pa naman dala ang magic red lipstick.
Tatakbo na sana ako nang makita kong tumaba na naman ang paa ko. Pagtingin ko sa aking kamay ay ganoon na rin iyon. Kailangan ko nang bilisan!
Natatarantang binitawan ko na ang mga shell at nagtatakbo pabalik sa tent.
PALAGPAS pa lang ako ng kweba nang matanaw ko na agad si Arkin na nasa labas ng tent habang nakapayong. Palinga-linga siya na para bang may hinahanap. At obvious naman kung sino ang hinahanap niya. Walang iba kundi ako. Pero paano ako magpapakita sa kanya kung mataba na ulit ako? E, kilala niya ako bilang Jelay kapag ganito ang hitsura ko. Bakit kasi iniwanan ko pa iyong magic red lipstick sa tent? Sa susunod talaga ay hindi ko na iyon ihihiwalay sa katawan ko!
Ang lakas pa rin ng ulan at parang wala iyong balak huminto.
Haaay! Anong gagawin ko? Hindi pa ako pwedeng bumalik sa tent.
Pumasok muna ako sa kweba upang makapagpatuyo kahit papaano. Pumwesto ako doon sa medyo sulok para hindi ako makita ni Arkin. Lagpasan pa naman ang kwebang ito kaya hindi ako pwede sa gitna. Sa laki kong `to, imposibleng hindi niya ako makita kapag napatingin siya dito.
Isiniksik ko ang sarili ko sa mga bato at umupo ng maayos.
“Matandang Hukluban? Nasa’n ka na ba? Help me naman, o!” Nakikiusap na turan ko.
Naisip ko lang kasi na may magic naman si Matandang Hukluban kaya baka pwedeng siya ang kumuha ng magic red lipstick ko sa tent nang hindi nalalaman ni Arkin.
“Hoy… Matandang Huklu-- Ay kabayo ka!” Gulat na sigaw ko nang biglang bumulaga si Matandang Hukluban sa harapan ko.
Iba na naman ang outfit niya ngayon. Raincoat na see-through kaya kita ang suot niyang black na bathing suit. Naka-shades din siya na may pakpak ng angel sa gilid at may payong na maliit na rainbow ang kulay. Hindi ko malaman kung pang-summer or tag-ulan ang outfit niya. Basta magulo. Pero hindi ko dapat intindihin ang outfit niya kundi ang problema ko ngayon.
“Ano at tinatawag mo ako, Ella?” tanong niya na parang ang saya-saya niya.
Aalis sana ako sa siniksikan kong bato pero nahirapan na akong makatayo. Napasiksik yata ako nang husto.
“Help me, Matandang Hukluban! Nabura ang magic red lipstick ko tapos naiwanan ko pa sa tent `yong magic red lipstick. Pwede bang ikaw ang kumuha? Kaya mo naman sigurong mag-invisible, `di ba?” Hopeful na sabi ko.
Umiling siya. “No, no, no! After na maibigay ko sa’yo ang magic red lipstick ay ang pagiging adviser mo na lang ang ganap ko sa buhay mo. Kaya kahit keri ko ang maglaho ay hindi ko pwedeng gawin iyon. Problema mo `yan, gawan mo ng solusyon…”
“E, mabubuking nga ako ni Arkin! Saka, bakit ganoon `yong magic red lipstick mo? Ang daling mabura! Mumurahin ba iyon? Akala ko ba magic?” Naiinis na turan ko.
“Ella, Ella, Ella… Isa ka ngang tunay na tao. Hindi marunong makuntento. Sabi nga, you can’t have it all. Hindi ka matututo kung hindi agad-agad nabubura ang magic red lipstick. Lahat ng biyaya ay may katumbas na responsibilidad. Tandaan mo `yan. Kaya, paalam na!”
“Sandali--” Huli na para pigilan ko siya dahil bigla na naman siyang naglaho. “Bwisit!” ani ko.
“Jelay?”
Para akong binuhusan nang malamig na tubig nang marinig ko ang boses ni Arkin. Nakita ko siya na nakatayo sa b****a ng kweba at may dalang payong. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin siya sa akin. Alam ko nagtataka siya kung paano ako napunta dito. Napakalakas ng kaba ko dahil hindi ko alam kung anong palusot ang sasabihin ko. Kailangan kong mag-isip. `Yong hindi siya makakahalata. Nagpapasalamat na rin ako na hindi niya ako nakita na nagpalit ng damit dahil nagpunta siya ng banyo. For sure mas lalo siyang magtataka dahil makaparehas kami ng damit ni Ella.
“A-arkin! A-anong ginagawa mo dito?” Nanginginig na tanong ko.
“Iba ka na magsalita?” Halos magsalubong na ang kilay niya sa pagtataka.
Mas lalo akong nanlamig nang nilapitan na niya ako.
“Ah, eh… Hende man, ser! Ganito pa rin man ako magsalita!” Hindi ko magawang salubungin ang mga tingin niya. Ang hirap talagang magsinungaling. Balik na naman ako sa kakaibang accent ni Jelay. Pahirapan na naman ito!
Lord! Patawad!
Tumango siya. “Okay. Pero anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapunta dito sa isla?”
“S-sumunod kasi ako, ser, kay Ella. Alam niyo na, sikritari niya man ako. Kanina lang ako domateng.”
“Kanina? Pero hindi ko nakita `yong bangka na naghatid sa’yo.”
“Ah, sa kabela po ako binaba ng bangkero. Litsing bangkero `yon, ser! Naglakad pa toloy ako ng far awi! Naabutan man ako ng rain kaya nabasa na ako, o! Kaya nagsilong muna ako dito sa kiv.”
“Kiv? Anong kiv?”
“Kiv, ser. Kweba ba!”
“Ah…” At natatawang napailing na lang si Arkin.
Kahit ako ay lihim na natatawa sa ginagawa kong pagsasalita. Hindi ko kasi malaman kung saan ko ba nakuha ang accent na ginagamit ko. Basta, ang goal ko lang ay `wag mabuking ni Arkin na si Ella at Jelay ay iisa lang.
“Teka, nakita mo ba si Ella? Kanina ko pa kasi siya hinahanap.”
“Hende, ser. Baka gumala lang `yon dito sa isla. Ah, ser, pwede favor?”
“Ano `yon?”
“Help me naman… Alisin mo ako dito sa pagkakaipit ko sa bato. Nagsiksik kasi ako dito para hindi mabasa ng ulan ba.”
“Actually, kanina ko pa gustong tanungin kung okay ka lang ba kasi mukhang nahihirapan ka diyan sa pwesto mo.”
Mas lumapait pa sa akin si Arkin at hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Medyo napaigtad pa ako dahil sa tila maliliit na boltahe ng kuryente na dumaloy sa kamay ko nang hawakan niya ako doon. Hinila niya ako pero sa first attempt ay hindi niya ako naalis doon. Second attemt, hindi pa rin.
“Iangat mo `yong puwitan mo pagbilang ko ng three. Okay?” aniya.
“Oki, ser!”
Ang hirap talagang maging mataba…
“One, two, three!”
Pagkasabi ni Arkin ng “three” ay iniangat ko nang bahagya ang pwet ko at kasabay niyon ay hinila ako ni Arkin nang malakas. Na-out of balance siya at natumba kaming dalawa habang nakadagan ako sa kanya. Mabuti na lang at sa parteng mabuhangin kami natumba at hindi sa mabato.
Kitang-kita ko ang pagngiwi ni Arkin nang maramdaman niya ang bigat ko.
“Naku, sorry, ser!” Paghingi ko ng paumanhin. Tatayo na sana ako pero bigla niya akong niyakap sabay ngiti ng malaki.
“Okay lang. Ang sarap talagang yumakap ng malusog na katulad mo, Jelay…”
Namula ang mukha ko sa sinabi niya. “Ser…” Iyon lang ang nagawa ko sabihin.
“Alam mo bang mataba din noon si Ella? Tapos gusto ko siyang niyayakap palagi noon? Sorry kung niyayakap kita ngayon. Namiss ko lang yakapin si Ella noong mataba pa siya…”
Tama si Arkin. Noong bata pa lang kami ay madalas niya akong gulatin ng yakap. Lalo na kapag nakatalikod ako, bigla na lang siyang yayakap sa likod ko at panggigigilan ako. “Ako lang ang yayakap sa’yo ng ganito, Ella, ha!” Palagi niya iyong sinasabi nang may panggigigil na kasama.
Hindi ko na namalayan na lumuluha na pala ako dahil sa alaalang iyon. Ang saya-saya naman kasi namin hanggang sa umamin ako sa kanya. Doon na nasira ang lahat. Nalaman ko na ginagamit niya lang ako. At isinumpa ko na gagantihan ko siya sa kahit na anong paraan. Pwera lang sa marahas na paraan, ha! Pero sa mga sinasabi ngayon ni Arkin, bakit parang lumalambot bigla ang puso ko?
“Jelay, umiiyak ka ba?” untag niya.
Doon lang ako tila natauhan. “Ah, h-hindi. Tubig lang ito galing sa ulan,” pagpapalusot ko.
Tumayo na ako at agad na pinahid ang luhang namamalisbis sa aking pisngi.