CHAPTER 11

2664 Words
SA ikalawang pagkakataon ay ipinakita sa akin ni Arkin na tini-treasure niya ang memories namin noon. Hindi ko in-expect na naaalala pa niya iyong niyayakap niya ako palagi noong high school kami. Hindi ko na tuloy napigilan ang aking emosyon at napaluha na lang ako nang `di ko namamalayan. Kailangan ko nang bumalik sa pagiging “Ella”. Baka makahalata na si Arkin kapag matagal na nawala si Ella. Malalaki ang mga hakbang na naglakad ako papunta sa tent kahit umuulan pa rin. Paglingon ko ay nakita kong nakasunod sa akin si Arkin. Huminto ako sa tapat ng tent ko pero hindi muna ako pumasok. Bukod sa basa ako ay magtataka panigurado si Arkin kapag alam ko agad kung saan ang tent ni Ella, `di ba? “Saan ang tent ni Ella, ser?” tanong ko nang nasa kalapit ko na siya. “Diyan,” sabay turo niya sa tent sa tapat ko. “Bakit?” “May kukunin lang ako sa bag niya, ser. May pinapakuha man siya.” May pagdududa na tinignan niya ako. “Akala ko ba hindi pa kayo nagkikita?” Paktay! Oo nga! Mali! Mali! Mali! Bigla akong namutla. “Ah, eh… Nagtext po kasi ako sa kanya, ser, na nandito na ba ako kanina tapos nagtext siya na may kunin daw ako sa bag niya. Pero hindi pa kami nagkita talaga dito sa isla.” Palusot ko. Gumagana ang pagiging writer ko sa paggawa ng kwento, a. Tumango-tango si Arkin. “Sige.” Pagkasabi niya no’n ay pumasok na ako sa tent. Wala na akong pakialam kung basa man ako. Ang nasa utak ko lang ay makuha ang magic red lipstick para maging si Ella na ulit ako. Hinalughog ko ang bag ko at nakita ko naman agad ang magic red lipstick. Hinalikan ko pa iyon sa sobrang saya ko. Pero hindi ako pwedeng magtransform dito. Sa malayo siguro. Sa kabilang side siguro ng isla. Tapos kapag si Ella na ulit ako, sasabihin ko kay Arkin na pinabalik ko na sa bahay si Jelay. Tama, ganoon nga ang dapat kong gawin. Lumabas na ako ng tent na hawak ang magic red lipstick. “Iyan lang pala ang pinapakuha sa’yo ni Ella?” Nagulat ako nang biglang agawin ni Arkin sa akin ang magic red lipstick. “Ako na lang ang magbibigay sa kanya. Magpahinga ka na lang muna diyan sa tent. Magpatuyo ka or magpalit ng damit at baka magkasakit ka.” “Pero--” “Malakas pa ang ulan. May payong ako, ikaw wala. Sige na, Jelay. Hahanapin ko na lang muna si Ella para ibigay `to. Talagang importante sa kanya `tong red lipstick niya, ha.” “Arkin este ser--” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil inilagay niya ang kanyang hintuturo sa aking labi. “Hep! `Wag nang umapela. Sundin mo na lang ang sinabi ko. Okay?” aniya sabay pisil sa matambok kong pisngi. Wala na akong nagawa nang tumalikod na siya at naglakad palayo na dala ang magic red lipstick. Leche naman, o! Ano nang gagawin ko ngayon? Nanghihina na napaupo ako sa buhangin at naglupasay. TUTAL wala na naman akong magagawa dahil hawak na ni Arkin ang magic red lipstick, naligo na lang ako sa banyo at nagpalit ng bagong damit. Mabuti na lang at may isa pa akong dalang oversized na shirt. Sa tent na lang ako namalagi habang hinihintay si Arkin. Kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano makukuha sa kanya ang magic red lipstick! Ilang sandali lang ay napansin kong humihina na ang ulan hanggang sa tuluyan na iyong tumigil. Pagsilip ko ay nakita kong sumisilip na naman ang araw mula sa mga ulap. Nang makita kong parating na si Arkin ay lumabas na ako ng tent. “Nakita mo ba, ser, si Ella?” tanong ko kahit alam kong hindi naman niya ito nakita. Itiniklop ni Arkin ang dalang payong at tumango. “Oo, nandoon siya sa kabilang side ng isla. Doon daw muna siya. Nasa kanya na rin `yong red lipstick niya.” “Si Ella? Nakita mo, ser?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Ano bang sinasabi nito ni Arkin? Nakita daw niya si Ella? Pano mangyayari `yon, e, nandito ako? Hindi kaya niloloko niya ako? Pero wala naman sa hitsura niya na nagjo-joke siya. At kung nakita niya si Ella hindi kaya may kakambal ako dito sa isla? Tapos nagkahiwalay pala kami noong mga bata pa kami? Teka, teka! Iyon naman yata ang imposible talaga. Gumagana na naman ang pagiging writer ko. “Oo nga. Teka, nagugutom ka na ba, Jelay? Gusto mo bang kumain na tayo? Early lunch.” “L-lunch? P-pero si Ella, ser? Wir man siya dito sa isla?” “Gusto daw niyang mapag-isa, e…” Nakalabing sagot nito at tinalikuran na naman ako. Nakangangang sinundan ko ng tingin si Arkin. Imposible talaga! Hindi kaya niloloko lang niya ako na nakita niya si Ella at nasa kanya pa rin ang magic red lipstick? Hindi kaya alam na niya ang sikreto ko? Pero wala akong matandaan na nakita niya ako o nahuli. Napa-paranoid na talaga ako! Saglit lang… Kung totoo man na may pinagbigyan siya ng magic red lipstick, ibig sabihin ay kailangan kong kunin iyon sa kung sino mang sinasabi niyang Ella na pinagbigyan niya! Haaay!!! Ano ba naman itong nangyayari?! Mababaliw na ako kakaisip, e! Bakit kasi hindi pa ako tulungan ni Matandang Hukluban?! PRITONG galunggong na may sawsawan na toyo at kamatis tapos chopseuy ang niluto ni Arkin. Nagsaing din siya ng puno doon sa isang kaldero. Mukhang alam niya na malakas ako kumain. Well, obvious naman sa katawan ko. Malungkot lang akong nakatingin sa mga pagkain habang nakaupo sa isang putol na katawan ng puno. Gutom na gutom na ako pero wala talaga akong gana na kumain dahil iniisip ko ang magic red lipstick. Paano ko ba kasi itatanong kay Arkin kung saan niya talaga iyon dinala o kung kanino niya talaga ibinigay? Kay Ella daw. E, ako nga si Ella! Kaya sinong Ella ang pinagbigyan niya? Dapat kasi hindi ako pumayag na makuha ni Arking iyong magic red lipstick, e. Kasalanan ko rin talaga `to, e! Medyo nagulat ako nang umupo sa tabi ko si Arkin na may dalang dalawang pinggan. “Bakit parang ang lungkot mo, Jelay?” tanong niya. “O, para sa’yo.” Kinuha ko ang ibinigay niyang pinggan. Hindi pa rin ako nagsasalita. Paano naman kasi ako magsasalita kung gutom na ako at may iniisip pa? Kinuha ni Arkin ang pinggan ko at nilagyan niya iyon ng pagkain. Sunod na nilagyan niya ang kanya. Nang iabot niya sa akin ang pinggan ay tinignan ko lang iyon. “Malutong ang pagkaka-prito ko sa galunggong para masarap. Alam mo bang paborito ni Ella ang malutong na pritong galunggong? Lalo na `yong buntot at ulo!” Napatingin ako sa sinabi niya. Nang magsalubong ang mga mata namin ay ngumiti siya. “Magkamay na lang tayo, ha? Walang lamesa, e.” Nauna nang kumain si Arkin habang pinapanood ko lang siya. Ano ba talaga itong palabas ng lalaking ito? Bakit bigl-bigla niyang binabanggit ang mga memories naming dalawa? Totoo ba siya sa mga ito o may modus lang siya? “O, kumain ka na!” Bigla niya akong sinubuan gamit ang kamay niya. Sa pagkabigla ay napanganga na lang ako at tinanggap ang pagkain na nasa kamay niya. In all fairness, masarap nga. Na-miss ko ang ganitong pagkain. Nang malasahan ko ang niluto ni Arkin ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na kumain. Kailangan kong kumain para may energy ako sa pag-iisip. Kain lang ako nang kain. Hindi ko na nga alam kung nakailang sandok ako ng kanin. Wala akong itinira sa galunggong kundi ang tinik. Ang sarap kasi ng malutong na ulo at buntot ng galunggong! Natigilan ako sa pagkain nang mapansin kong tila kanina pa ako pinapanood ni Arkin ang pagkain ko. Mabilis kong nilunok ang laman ng bibig ko. “B-bakit? May problema ba, ser?” tanong ko sa kanya. “Kumakain ka rin pala ng ulo at buntot ng galunggong, `no? You reminds me of Ella… Ganiyan din siya.” At ganoon na lang ang pamumutla ko sa sinabi niya. Agad kong niluwa ang ulo at buntot ng galunggong na kasalukuyan kong nginunguya. “A-ayaw ko pala nito, ser! Hindi ako kumakain no’n, `no! Ayaw ko man talaga ng bontot at olo, ser…” sabi ko kahit deep inside my heart ay nanghinayang ako sa pagluwa ng ulo at buntot ng galunggong. Ang sarap no’n, e! Bakit kasi napansin pa ni Arkin? Kainis! Inilagay niya sa pinggan ko ang kanina pa pala niya iniipon na ulo at buntot na galunggong. “`Wag mo nga akong lokohin, Jelay! Kanina ka pa kaya kumkain no’n tapos ngayon mo lang sasabihin na hindi ka kumakain?” Natatawang turan niya. Nag-init ang mukha ko sa pagkapahiya. Nang tignan ko ang ulo at buntot ng galunggong ay napalunok ako. Gusto ko silang kainan. Napatingin ako kay Arkin at nakaka-encourage ang smile niya. Nakaka-encourage na kainin ko ang ulo at buntot. Hay! Bahala na nga! Hindi naman siguro niya iisipin na ako si Ella dahil lang sa parehas kami ng paboritong pagkain. Walang hiya na kinain ko ang ulo at buntot ng galunggong. Grabe! Heaven! “Kanin pa nga!” utos ko sa kanya. Nawawala talaga ako sa sarili kapag may pagkain. “Here you go!” Masiglang nilagyan ni Arkin ng kanin ang pinggan ko. MATAPOS ang early lunch ay nagkayayaan kami na mag-swimming. Kahit hindi naman ganoon kainit ay nag-apply pa rin kami ng sunblock. Nagpalagay si Arkin ng sunblock sa likod niya. Talagang nanginginig ang kamay ko nang mahawakan ko ang likod niya. Wish ko lang ay hindi niya napansin iyon. Ako naman ay sa braso, binti at mukha lang naglagay since naka-shirt at shorts ako. Wala naman akong baon na swimsuit na kasya sa akin bilang Jelay. “Ubos siguro ang isang bote ng sunblock sa’yo, `no?” untag ni Arkin habang tinatapos ko ang pag-a-apply ng sunblock. Tinignan ko siya nang masama pero kunwari lang. “Ang saket mo man magsalita, ser, ha! Nisaktan mo man ako!” Actually, ay natatawa ako sa joke niya. “Oo na. Knows ko naman na mataba ako, ser. No nid to minsyon.” “Joke lang naman. Mataba ka pero you’re still beautiful, Jelay. Isa pa, masaya kang kasama. Walang arte, ang sarap mong kasama sa food trip. Mas gusto ko ang tulad mo kasi I love eating.” `Sus! Gusto lang niya kasi malakas akong kumain. Iyon lang iyon. At saka ano ba `tong naiisip ko? Hindi dapat ako matuwa o umasa dahil sinabihan niya ako niyon. “Ewan ko man sa’yo, ser. Binubula mo man ako!” pakli ko. Tumayo na ako at nauna na sa pagpunta sa tubig. Talagang noong pagdating namin sa isla, gusto ko na talaga mag-swimming. Hindi ko lang talaga magawa dahil mabubura ang magic red lipstick. Pero ngayong wala na akong aalalahaning mabubura, magpapakawalwal na ako sa paglalangoy sa dagat! Excited na sumisid ako at nag-floating. Maya maya ay sumunod na sa akin si Arkin at sinabuyan niya ako ng tubig sa mukha habang nagfo-floating ako. “Grabe ka, ha! Ikaw…” sinabuyan ko rin siya ng tubig. At nagsabuyan kaming dalawa na para bang mga bata kami. Nang parehas kaming mapagod ay humihingal na napaupo kami sa buhangin habang humahalik ang mahinang alon sa aming mga paa. Nakatingala kami at kapwa nakangiti. “Ang saya!” pakli ni Arkin. “Pero nakakapagod!” Siyempre, dahil mataba ako ay mas grabe ang hingal ko kesa sa kanya. Sabay kaming tumingin sa isa’t isa at ako ang unang umiwas dahil nailang talaga ako. “Kahapon ko pa sanang gustong ayain na mag-swimming si Ella kaya lang parang ayaw naman niya. Ayaw niya yatang mabura `yong make up niya,” ani Arkin. “Ganoon ba? Gano’n man talaga iyon, ser. Masanay ka na sa kanya.” “Mabuti na lang talaga nandito ka, Jelay. Atleast, may kasama ako. Ang pangit naman kung mag-isa akong magsu-swimming, `di ba?” Nag-aalangan na ngumiti ako sabay tayo. Bumalik ako sa paglangoy sa tubig. Gusto ko munang lumayo kay Arkin. Ewan ko ba, nagtataka lang ako sa nararamdaman ko ngayon. Parang wala na iyong galit. Bagkus, kapag katabi ko siya ay naiilang ako at nakakalimutan ko lahat ng nagawa niya sa akin. Naiisip ko lang ulit kapag wala na siya. Para akong nagpaplano pero hindi ko naman ginagawa o hindi ko kayang gawin. Gaga ka talaga, Ella! Siguro ay inlove ka pa rin sa mokong na `yon! Pinagalitan ko ang sarili ko. Pero habang nakakasama ko kasi si Arkin ay nakikita ko na nagbago na siya. Hindi na siya iyong dating Arkin na kilala ko. Isa pa, parang hindi naman niya talaga ako intensyon na saktan noon. Nagsabi lang siya ng totoo at masyado ko iyong dinamdam. Hindi ko tinanggap ang katotohanan. Masyado akong nag-assume. Haaay… Hindi ko na talaga alam ang gagawin at dapat kong maramdaman. Ang hirap na nitong sitwasyon ko. Promise! Nang magsawa na ako sa paglangoy ay umahon na ako. Naglakad ako papunta sa tent upang kumuha ng tuwalya. “Ayaw mo nang mag-swimming?” tanong ni Arkin na nasa likod ko na pala. Hindi ko namalayan na sumunod pala siya sa akin. “Hende na, ser. Napagod na ako. Saka medyo mainet na.” “Ako nga din. Mauna ka nang magbanlaw.” “Oki, ser. Salamat po…” Akmang tatalikod na sana ako nang bigla niya akong tawagin. “Ah, Jelay…” “Ano po `yon, ser?” “`Wag mo na akong tawagin na ser. Arkin na lang.” Nag-smile ako. “Oki, A-arkin…” sabi ko sabay talikod na. Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang may maramdaman akong mga braso na pumulupot sa beywang ko mula sa aking likuran. Automatic na napahawak ako sa mga brasong iyon at para akong nakuryente nang may maramdaman akong mainit na hininga sa aking batok. “A-arkin?” Sino pa ba ang yayakap sa akin dito, e, kaming dalawa lang naman ang narito sa isla. Maliban siyempre doon sa matanda sa tindahan. “Just let me… Na-miss ko lang gawin ito kay Ella. Hindi ko na kasi siya pwedeng mayakap ng ganito kasi bukod sa lagi niya akong tinatarayan ay hindi na siya mataba.” Sa ginawang iyon ni Arkin ay hindi ko napigilan ang aking sarili na balikan lahat ng masasayang alaala naming dalawa. Ang daming magagandang alaala kesa sa hindi maganda. At nakita ko na lang ang sarili ko na nakangiti habang hinahayaan kong yakapin ako ni Arkin gaya ng dati. Maya maya ay lumuwag na ang yakap niya. Nang lingunin ko siya ay nahuli ko siyang pinupunasan niya ng kamay niya ang kanyang mata. Umiiyak ba siya? Huminga nang malalim si Arkin sabay ngiti. “Sige na, magbanlaw ka na. Mamaya ay tatawagin ko na si Ella para makapag-shoot na ulit tapos uuwi na.” Tumango na lang ako at dumiretso na sa banyo. Hindi muna ako naligo. Kinapa ko muna ang puso ko. Ano ba itong nararamdaman ko? Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko na alam… PAGKATAPOS kong maligo ay si Arkin naman ang pumasok sa banyo. Habang nakatanaw ako sa dagat ay may narinig akong sumitsit sa likuran ko kaya naman lumingon agad ako. Isang babaeng nakatalikod ang nakita ko sa hindi kalayuan. Habang tinitignan ko siya ay parang pamilyar sa akin ang babaeng iyon. Ang buhok nito, ang katawan at ang tindig. Hindi ako pwedeng magkamali… Si Ella ba iyon? Ako ba iyon kapag payat? Hindi kaya siya iyong pinagbigyan ni Arkin ng magic red lipstick dahil napagkamalan niyang ako iyon? Kung ganoon, kailangan kong makuha sa babaeng iyon ang aking magic red lipstick!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD