bc

VELVET SOCIETY: COLLATERAL VOWS

book_age18+
58
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
dominant
badboy
bxg
kicking
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Namatay sa isang malagim na trahedya ang stepfather ni Pinky. Ang lalaking nagparamdam sa kanya kung paanong mahalin ng isang ama ang sarili nitong anak. Dahil sa insidente ay nawala sa ulirat ang Mommy niya nang nalaman na bilyon pala ang naiwang utang ng dating karelasyon. Walang choice si Pinky kundi ang kumapit sa patalim. Nakatanggap siya ng invitation sa isang website kung saan binibenta ang mga babae sa mayayamang personalidad. Isang gabi lang ay pwede na niyang mabayaran ang malaking utang ng stepfather niya. Pero hindi inaasahan ni Pinky ang magiging kapalit ng pagkapit niya sa patalim.

Sa website na iyon niya nakilala si Logan Lucero, isa ito sa mga eksklusibong member ng Velvet Society. Ito ang lalaking nakabili sa kanya. Ito rin ang nag-iisang legal na anak at tagapagmana ng step father niyang pumanaw.

Dinala siya ni Logan sa mansyon nito at pinakasalan pero hindi para ituring na asawa kundi isang alipin. Pagbabayaran ni Pinky ang ginawang pagtataksil ng ama ni Logan kasama ang kanyang ina. She is going to be the collateral of what his father did.

Paanong haharapin ni Pinky ang bagong buhay niya kasama ang asawang si Logan kung kasama sa pagpapaalipin na kailangan niyang gawin ay maging alipin din siya nito sa kama?

"Tandaan mo na ituturing kitang isang pùta at hindi asawa, Pinky.”

Pero paano kung magbunga ang pagpapaalipin niya kay Logan? Pipiliin ba ni Pinky na madamay ang magiging anak niya sa kasalanan na pinagbabayaran niya sa ama nito?

Their marriage was never about love. He took her as a collateral and kept her like a possession. Will the burden of debt keep Pinky trapped under those vows, which were pledged only as collateral?

chap-preview
Free preview
SIMULA
Nanginginig sa kaba ang mga kamay ni Pinky habang binabasa niya sa malaking screen ng flat screen TV ang balita na kasalukuyang umeere doon. Alam niyang hindi dahil sa lamig ng air conditioner sa unit niya na nasa isang exclusive at luxurious condominium complex ang dahilan kung bakit siya nanginginig sa kaba. Kakagaling niya lang sa siyam na oras at tuloy-tuloy na pagtulog matapos umattend sa bonggang graduation party na regalo sa kanya ng stepfather niyang si Luke Lucero. Kasabay ng graduation niya ay ang pag-alis naman ni Luke pauwi sa Spain kung saan ito nakatira. Mananatili sa Spain si Luke ng halos tatlong buwan dahil may kailangan itong asikasuhin sa mga ari-arian nito doon. Kasalukuyan na ring pinoproseso ni Luke ang pagpapalit ng apelyido niya dahil gusto na nitong maging legal na anak si Pinky. Before her graduation, Luke promised her that they will travel together and go to Spain. Iyon ang huling pangako ng amain sa kanya bago ito umalis. Pero mukhang iyon na rin ang una at huling pangako nito sa kanya na hindi nito matutupad. “D-daddy! Dad–D-daddy!” Utal-utal na bulalas ni Pinky matapos mabasa ang pangalan ni Luke sa listahan ng mga nasawi sa isang plane crash kaninang umaga lang. Hindi siya makapaniwala sa biglaang pangyayaring iyon. Halos matulala siya sa harapan ng TV dahil literal na ayaw gumalaw ng katawan niya. Para bang isang panaginip lang ang lahat na kapag gumising siya ay hindi pala totoo ang mga pangyayaring iyon. “T-this is not real! Daddy Luke is alive! Hindi totoong patay na siya! Hindi siya pwedeng mamatay! He promised me! He… He promised me that we will go together in Spain! Magiging Lucero pa ako! No! This is just a dream! This is just a fūcking dream!” Halos mamaos si Pinky sa kakasigaw. Hindi pa siya nakuntento ay binato niya pa ng remote control ang TV at saka mabilis ang kilos na pumasok sa kwarto at muling natulog. She was glad that she still was able to sleep. Feeling niya tuloy ay panaginip lang talaga lahat kaya nang muling nagising siya ay agad na hinagilap niya ang phone niya para tawagan ang Daddy Luke niya. The subscriber cannot be reached. Paulit-ulit niyang tinawagan ang Daddy Luke niya hanggang sa napagod siya at inulan ng message galing sa mga kaibigan, kaklase at ilang mga nakakakilala sa kanya. Isang salita lang ang halos laman ng message ng mga ito. Condolence. Nabitawan ni Pinky ang cellphone niya kasabay ng sunod-sunod at tuloy-tuloy na pag agos ng luha mula sa mga mata niya. “Daddy… Why?” Parang sasabog sa bigat ang dibdib ni Pinky. Sa dalawampung taon na nabubuhay siya sa mundo ay ang stepfather niya lang ang tanging lalaki na nagbigay ng halaga at respeto sa kanya. Ultimo sarili niyang ama ay muntik na siyang gahasain kaya lumaki si Pinky na malayo ang loob sa mga lalaki. Noong nagpasya na mag-asawang muli ang kanyang ina ay muling napuno ng takot at pangamba ang dibdib niya. Sarili niya ngang ama ay nagawa siyang pagtangkaan na halayin, iyon pa kayang hindi niya kadugo? But her stepfather, Luke Lucero, washed away all her doubts in men. Kung paano nitong itinuring na reyna ang kanyang ina ay itinuring naman siya ni Luke na isang prinsesa at totoong anak. Pinakita ni Pinky ang pinakamasama niyang ugali kay Luke pero hindi siya nito sinukuan, bagkus ay mas lalo lamang nitong ipinakita sa kanya na malinis ang intensyon nito sa Mommy niya at sa kanya. Limang taon ng kasal ang Mommy niya kay Luke at ang limang taon na iyon ay ang itinuturing niyang pinakamagandang alaala sa buhay niya. Hindi niya akalain na mararamdaman niya ang pagmamahal ng isang ama mula sa ibang tao. Kaya ngayon na bigla itong nawala ay parang biglaan din ang pagguho ng mundo ni Pinky. Pero hindi pa pala natatapos doon ang lahat. Simula pa lang pala ng kalbaryo sa buhay niya matapos silang iwanan ni Luke. “Is this Ms. Pinky Dacanay?” Isang boses ng babae ang narinig ni Pinky nang sagutin ang tawag mula sa Mommy niya. Sukang-suka talaga siya sa apelyido niya dahil sa tuwing naririnig niya iyon ay parang pinapamukha sa kanya ng mundo na walang kwentang tao ang ama niya. Kung hindi pa tumawag ang Mommy niya ay baka hanggang ngayon ay nagmumukmok pa rin siya dahil sa nangyari sa stepfather niya. “Yes, speaking…” sagot niya at saka kumunot ang noo. “Why are you using my mom’s phone? Nasaan ba si Mommy?” Hindi na niya napigilang usisa. Na-scan na niya ang inbox niya pero walang kahit isang message doon ang Mommy niya. Kahit missed call mula dito ay wala rin siyang natanggap. “That’s actually the reason why I’m calling you, Ms. Dacanay,” sambit ng babae sa kabilang linya. “Nandito sa hospital si Mrs. Lucero. Ahm… We have decided to tranquillise her after someone from her place took her here. Nagwawala daw kasi siya at nagsisisigaw sa bahay kaya dinala na ng maid ninyo sa hospital.” Mabilis na kumilos si Pinky para puntahan ang Mommy niya sa ospital pero hindi niya ito makausap ng matino. Sa tuwing nawawala ang bisa ng gamot na tinuturok dito para kumalma ay patuloy ito sa pagwawala, pag-iyak at pagsigaw kaya nagpasya na siyang ilipat ito sa isang lugar kung saan mas maaasikaso ito. Ayaw man ni Pinky ay napilitan siyang dalhin sa isang mental institution ang kanyang ina dahil ang sabi ng mga doktor ay hindi stable ang pag-iisip ng Mommy niya. Hindi naman katakataka iyon dahil kahit naman siya ay halos masiraan na ng ulo dahil sa biglaang pagpanaw ng stepfather niya. “Pinky, Pinky! Bangon na dyan, hija. May naghahanap sayo sa labas!” Kahit na mabigat na mabigat pa ang talukap ng mga mata ni Pinky ay kailangan niyang bumangon at harapin ang kung sinong pumunta sa bahay nila. Ilang gabi na siyang hindi nakakatulog ng maayos sa dami ng iniisip niya kaya halos lutang pa siya nang harapin ang isang lalaki. “Good morning, Ms. Dacanay…” pormal na pormal na sambit ng lalaki. “My name is Atty. Reyes and I represent the estate of Mr. Luke Lucero–your mother’s late husband and your stepfather.” Sa pagbanggit nito sa pangalan ni Luke ay parang muling nadurog ang puso ni Pinky. Tuluyang nag sink in sa kanya ang mga nangyari lalo na nang sabihin nito sa kanya ang isang hindi niya inaasahang balita. “I heard that your mother is not in her normal state at the moment. Kaya nandito ako ngayon para ipaalam sayo ang isang importanteng impormasyon tungkol kay Mr. Lucero.” Ang akala ni Pinky ay may kung anong ibabalita lang ang abogado ng Daddy Luke niya pero hindi niya inaasahan ang mga malalaman niya. “Pior to Mr. Lucero’s passing, he had accumulated significant financial obligations totalling several billion pesos in various loans and business liabilities.” “Po?! May… may mga utang na naiwan si Daddy Luke?!” Hindi makapaniwala na bulalas niya. Hindi naman kailangan na magtanong pa ni Pinky kung saan kumuha ng pera ang Daddy Luke niya dahil ito na ang bumuhay sa kanilang mag-ina simula noong pakasalan nito ang Mommy niya. Hindi rin siya kahit kailan naging interesado sa yaman nito ganun din sa nag iisang anak nito sa unang asawa. Tanging pangalan lang ng anak nito ang alam niya kaya hindi talaga inaasahan ni Pinky ang mga balita na narinig niya mula sa abogado. “Ang anak ni Mr. Lucero ang nag-utos na puntahan ko kayo dito. The creditors have asked that the estate settle the outstanding amounts. Initially, Mr. Lucero’s son had put forward a request that your mother, Mrs. Pamela Lucero, take responsibility for settling Mr. Luke Lucero’s obligations in full…” pormal na anunsyo ng abogado. Parang bomba na sumabog ang balitang iyon sa tenga niya lalong lalo na at hindi naman kayang asikasuhin ng Mommy niya iyon dahil kasalukuyan itong wala sa sariling pag-iisip! Paano na? Ano nang gagawin niya? Paano niyang babayaran ang bilyong utang daw na naiwan ng Daddy Luke niya? Isang linggo matapos ibagsak ng isahan ang lahat ng problema kay Pinky ay may hindi inaasahang offer ang dumating. Isang exclusive èmaìl ang natanggap niya mula sa isang hindi kilalang sender. “You are invited to join The VELVET SOCIETY…” kunot noong binasa ni Pinky ang subject sa èmąìĺ na natanggap niya. Nang basahin niya ang laman ng èmąìĺ ay magkahalong gulat at pagkamangha ang naramdaman niya. Sinasabi sa êmąìĺ na kapag nakapag desisyon na siyang tanggapin ang invitation at maging miyembro ng VELVET SOCIETY ay matatapos ang lahat ng problema niya sa pera sa isang kisap mata lamang. Hindi naniniwala si Pinky na isang hindi kilalang website ang posible daw na makatulong sa kanya kaya inignora niya ang êmąìĺ na natanggap. Hanggang sa dumating na siya sa punto na kailangang kailangan na niyang kumapit sa patalim para lang matapos ang problema niya sa pera sa pinakamadaling paraan. “Sobrang ganda ng mukha at katawan mo, Pinky! Bakit kaya hindi mo na lang pagkakitaan yan? Sumali ka na sa VELVET SOCIETY! Siguradong tapos yang problema mo kapag may bumili sayo na isa sa mga patron doon!” Bumili? Ibebenta niya ang dangal niya para lang mabayaran ang mga utang na naiwan ng Daddy Luke niya? “Kesa naman ibigay mo ng libre yang katawan mo sa lalaking hindi ka sigurado kung sasaktan ka lang at iiwanan kapag nakuha na niya ang gusto sayo?!” Naiiling na bulalas ng kasama niyang waiter sa isang restaurant na pinapasukan niya. Kahit college graduate na siya ay hirap na hirap pa rin siyang makahanap ng trabaho kaya nauwi siya sa pagiging waiter dahil wala naman siyang choice kung hindi ang magtrabaho. Sa isang iglap ay nawala ang lahat sa kanya, kasama na doon ang mga luho at masaganang buhay na bigay sa kanya ng Daddy Luke niya. Walang alam sa gawaing bahay si Pinky at aware siya na kahit bente anyos na siya ay hindi siya mulat sa reyalidad. Her stepfather sheltered her and her mother for almost a decade! He made sure that they’ve got everything they need! Nasanay na siya sa marangyang pamumuhay at hindi niya akalain na darating ang panahon na kailangan niyang pagtrabahuan lahat ultimo pambili niya ng napkin! “Kung ganyan lang ako kaganda at kalinis sayo, hindi ako magtitiis na utus-utusan dito sa restaurant na ‘to! Mas gugustuhin ko na lang na bumukaka sa harapan ng isang mayamang patron. Naka-aircon pa at siguradong tiba-tiba sa tip!” Bumuntonghininga si Pinky. Literal na kapit sa patalim ang gagawin niya kung sakaling tanggapin niya ang imbitasyon para maging isa sa mga babaeng binebenta sa VELVET SOCIETY. Pero mukhang wala naman siyang choice. Alam niyang hindi siya magtatagal sa restaurant na pinapasukan niya dahil sa lagkit ng tingin sa kanya ng matandang may-ari. Baka makagawa lang siya ng isang bagay na pagsisisihan niya sa huli kung sakaling pipiliin niyang manatili sa restaurant. “Ano, Pinky? Pag-isipan mong mabuti! Isang gabi lang ay burado lahat ng problema mo sa pera kapag tinanggap mo ang imbitasyon sa website na yon! Isang gabi lang, Pinky! Isang gabi ka lang na bubukaka!” Dahil desperado na si Pinky na matustusan hindi lang ang pagpapagamot sa inang nawala sa sarili matapos mamatay ang stepfather niya at gusto niya ring tumanaw ng utang na loob sa Daddy Luke niya. Wala siyang magagawa para sa pumanaw na amain kundi ang linisin ang pangalan nito sa pamamagitan ng pagbabayad sa mga utang na naiwan nito. Tinanggap ni Pinky ang alok sa kanya na maging isa sa mga babaeng binebenta sa website ng Velvet Society. Mananatiling lihim ang pagkatao niya sa loob ng website kaya naisip niya na maaari pa siyang bumalik sa dati niyang buhay pagkatapos ng magiging serbisyo niya sa patron na nakabili sa kanya. Ngunit ang hindi inaasahan ni Pinky ay ang malaman niya ang pagkatao ng lalaking nakabili sa kanya sa Velvet Society. Si Logan Lucero—ang nag iisang anak ng Daddy Luke niya! At hindi lang isang gabing serbisyo ang gusto ni Logan na maging kabayaran ng pagbabayad nito sa lahat ng kailangan niyang bayaran. “You badly wanted to become a Lucero, right?” sambit ni Logan habang nakatingin ng malamig pero mariin sa kanya. Kitang-kita niya ang disgusto sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang galit na nakikita niya sa mga mata nito sa tuwing magtatama ang paningin nilang dalawa. “Pagbibigyan kita sa matagal mo nang inaasam. You will become a Lucero because from this day on, you will become my wife,” tuloy-tuloy na sambit ni Logan. Napasinghap si Pinky. Hindi niya inaasahan iyon. Ang magkaroon ng asawa ang isa sa mga hindi niya inaasahan kapag pumayag siya na bilhin ng isa sa mga miyembro ng Velvet Society! “Asawa?” Hindi makapaniwala na tanong ni Pinky. “Akala ko ba ay isang gabi lang ang serbisyo ko–” Natigil si Pinky sa pagsasalita dahil tumawa ng nakakaloko si Logan. “I guess you didn’t read the whole terms and conditions written in the contract you signed, huh?” sambit nito. Nagitla si Pinky at napalunok. Aminado siyang hindi niya binasa ang laman ng kontratang pinirmahan niya. Masyado siyang nagpadala sa bugso ng damdamin dahil ang akala niya ay ganun lang kadali ang lahat. Pero nagkamali siya. “Pero tandaan mo na kahit na mag-asawa na tayo ay hindi kita ituturing na asawa,” pagpapatuloy ni Logan at saka lumapit sa kanya. Napaatras si Pinky dahil sa kaba. Halos mamawis ang mga palad niya habang nakikita sa malapitan si Logan Lucero. Sobrang tangkad nito at sobrang laki ng pagkakahawig sa Daddy Luke niya. The foreign blood is very evident in his facial features. Tanging ang hindi maipaliwanag na tattoo sa kaliwang braso nito ang pagkakaiba ni Logan sa ama. Ngayon pa lang ay alam na alam na niya ang magiging itsura nito kapag nagka edad. “Lying on my bed is something you will never do. At kung darating ang panahon na ikakama kita, ituturing lang kita na isang pùta at hindi asawa, Pinky…” Mariin na mariin na sambit ni Logan bago hinagis sa kanya ang isang maliit pero mukhang mamahaling box. Nang buksan niya iyon ay kuminang agad ang malaking diamond sa singsing na nasa loob ng box. “Wear that ring and don’t you ever take that off without my permission,” mariin na mariin na bilin ni Logan bago siya tuluyang tinalikuran nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
749.4K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.8M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
982.4K
bc

A Warrior's Second Chance

read
361.7K
bc

Not just, the Beta

read
349.2K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook