Hanggang makauwi ay pasulpot-sulpot pa rin sa isip ko ang huli naming pinag-usapan nina Claire. Habang mag-isang kumakain sa magarbong dining area ng pamamahay ni Judge Franco ay hindi ko mapigilang isipin ang tungkol sa pamilya nito. Sa ilang linggo kong paninirahan dito, maliban doon sa pamangkin niya ay wala pa akong ibang nakakaharap na kapamilya niya. Ni hindi ko nga alam kung ilan silang magkakapatid. Basta ang alam ko ay panganay si Judge Franco sa kanilang magkakapatid. Kung panganay ito ay tiyak na pamangkin nito iyong Harry mula sa isa sa mga pinsan nito. Tantiya ko kasi ay nasa twenty-five years old iyong Harry at thirty-seven si Judge Franco, so masyadong bata pa ang mga kapatid ng huli upang maging anak ng alinman sa mga ito iyong Harry. Mabilis akong natapos sa paghaha

