Nanatiling kalmadong nakaupo ang kapatid ni Judge Franco hanggang sa tuluyan akong nakababa ng hagdan. Si Harry naman ay tumayo na at kasalukuyang nakaharap sa'kin. Hindi ko tinapunan ng sulyap si Manang Maria kahit ramdam kong pilit nitong kinukuha ang atensiyon ko. Tinuon ko lang sa kapatid ni Judge Franco ang tingin ko. Nang tila natapos na ang panunuring ginawa nito sa'kin ay tsaka pa lang ito tumayo. Walang pagmamadali sa kilos nito habang naghihintay naman ako ng sagot sa tanong ko. "So, you're that girl," tumango-tangong saad ng kapatid ni Judge Franco. "And about your question... hindi pa natin masasabi sa ngayon. Minsan kasi it takes time para malaman natin ang hindi magandang epekto ng isang bagay." Lihim kong naikuyom ang sariling kamao. Malumanay naman ang pananalita niya,

