"Miss Leah? May problema ba?" bigla ay sansala ni George sa pagtatalong nagaganap sa isipan ko. "Meron!" walang gatol kong sagot sabay baling sa kanya. Nagulat pa yata siya dahil medyo may piyok sa dulo iyong tono ko... muntikan nang naging singer. Kasunod niyon ay hindi nakaligtas sa'kin ang tila pagkatarantang dumaan sa mukha niya bago muli naging seryoso ang kanyang ekspresyon. Mahilig din yata sa kape itong si George, o baka naman sanay lang itong laging natataranta. Hindi ko naman siya masisisi, siya ba naman ang may boss na katulad ni Judge Franco... tiyak 'di na niya kailangan ng kape para nerbyosin. "Ano po iyon at nang magawan ko agad nang paraan?" hindi kumukurap niyang tanong kapagkuwan. Huminga muna ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili at hindi magmumukhang eksahe

