Maraming tao sa cafeteria pagkarating namin. Ang alam ko ay dalawa ang cafeteria ng university, tapos itong malapit sa department namin ang pinakamalaki at ang kadalasan dinadayo ng mga estudaynte mula sa iba't ibang department. Iyong isang cafeteria ay kalimitan pinupuntahan kapag gusto mo nang kapayapaan kumbaga. Mas gusto ko nga sana roon kaso masyadong malayo para sa'kin. Wala akong balak tawirin ang buong campus ground para lang makapunta roon. Meron namang mga campus shuttle na pwedeng sakyan papunta roon, pero tiyak na iyong mga entitled na anak ng mga milyonaryo at bilyonaryo ang makakasabayan ko roon. Huwag na at baka ma-pollute pa ng katulad ko ang hanging hinihinga nila. Dito na lang ako, kaya ko namang mambugbog basta may magtatangkang manggulo sa katahimikan kong gusto. Huwa

