Hindi pa man ako tuluyang nakahakbang ay may humarang na sa dadaanan namin ng tatlo kong kasama, isa sa tatlong lalaking kasapi ng grupo ni Akiko. Ito iyong maangas na nagtanong kung bingi ba si Lyka dahil hindi agad nakasagot sa tanong no'ng kasama nitong babae. Masama ang tingin nito sa'kin, halos naglalakihan na nga ang mga butas sa ilong nito habang naglalabasan ang ugat sa sentido. Pulang-pula ang mukha nito sa galit talo pa ang hinog na kamatis na pwede nang huwag isawsaw sa suka. Samantala, iyong dalawang lalaki namang kasama nito ay hindi ko alam kung goons ba o live audience, dahil mukhang naaaliw pang nakamasid. Wala na iyong initial na gulat nila sa ginawa ko at halatang naghihintay na lang ng susunod na episode. Sa sulok ng mga mata ko ay tinulungan na ng dalawang babaeng

