Dahil sa special treatment sa'kin ng mga namamahala sa paaralan ay mabilis na nawala iyong normal na kaba na nararamdaman ng kahit sino unang araw sa bagong paaralan. Magiliw ang pakikitungo sa'kin ng mga staff at head ng bawat department na pinuntahan namin. Sa bandang huli ay pinagkatila ng University President sa head ng department ko ang pag-orient sa'kin tungkol patakaran ng university at ilang mga importanteng detalye tungkol sa mismong course ko. Wala naman gaanong pinagkaiba sa dati kong university ang grading system nila rito. Kapansin-pansin nga lang na mas advance ang teaching at facilities nila. Nabasa ko sa binigay na files sa'kin ni George na international ang standard ng teaching nila rito, at kalimitan ay sa ibang bansa nagt-training ang mga graduating students nila rito

