Kinagabihan ay mag-isa akong naghapunan. Pinilit ko nga si Irene na sumabay sa'kin pero matindi ang pagtanggi nito. Sabi ko ay ako na lang ang sasabay sa kanila pero si Manang Maria naman ang tumutol. Napangaralan pa ako na dapat daw ay sumunod na lang ako sa matagal nang nakasanayan sa pamamahay na ito. Nabanggit niya pa nga nito ang tungkol sa pamilya ni Judge Franco. Maintindihan ko raw lahat ng mga naging kalakaran nila rito kapag nakilala ko na ang mga Santuri. Natandaan ko na may nakaharap na akong Santuri, iyong pamangkin ni Judge Franco. Kung tama ang pagkaalala ko ay Harry ang pangalan niyon. Hindi ko na ito nakita ulit no'ng magising ako pagkatapos kong himatayin. Matapos kong kumain ng hapunan ay nagpahangin lang ako saglit sa labas ng bahay bago umakyat sa silid ko upang mat

