"Did I hear that right?" pumapalatak na balik-tanong sa'kin ni Judge Franco. "You’re asking me if I need help?” May kislap nang pagkaaliw akong nakita sa namumungay niyang mga mata. Kahit medyo pa-slur ang pagsasalita niya dahil sa kalasingan ay malinaw ko pa rin itong naintindihan. "It'd be more convincing if you took this chance to make things harder for me," pagpapatuloy niya pa. Hindi ko tuloy mapigilang mapasimangot habang napaisip din sa ginawa ko. May punto rin naman siya, pareho naming alam na galit ako sa kanya at balak kong pahirapan ang buhay niya kaya walang rason upang mag-alala ako kung makarating ba siya sa silid niya o hindi. Dapat nga ay panonoorin ko siyang susuray-suray habang ipagdarasal na sana ay matumba siya at mabagok ang ulo. Pero kahit anong galit ko pala sa i

