CHAPTER 2

1247 Words
HARIETT'S POINT OF VIEW Tatlong beses sa isang linggo, pumapasok ako sa trabaho bilang isang writer sakop rin ng internship ko. At ang natitirang tatlong araw naman ay sa eskwelahan ko bilang isang Journalism student. Sa tuwing uuwi ako galing sa trabaho o sa eskwelahan, palagi akong dumadaan sa palengke para mamili ng kakainin namin ng aking amain para sa tatlong araw na darating. Pero dahil kilala siya ng nakararami, sa halip na bumili ako ng pagkain gamit ang pera ko, palagi akong sinasalubong ng mga tindero para bigyan ako ng kanilang paninda ng libre. Kaya naman sa tuwing uuwi ako, palagi akong nakasuot ng facemask at sumbrero. "Guys, uuwi na ako. Kailangan ko ng umuwi at baka nag-aalala na ang ama ko." Paalam ko sa mga katrabaho ko. "Uy! Dadaan ka sa palengke hindi ba?" Tanong ng katrabaho ko na si Denise. "Oo, bakit?" "Sasama ako." Lahat kami ay napalingon ng marinig namin ang boses ng bago naming editor na si Sir Crow. "Sir?" "You need to treat me for a coffee because you call me that. Sasama ako. That is my final answer." Seryosong sagot ni Sir Crow. Natampal ko ang noo ko ng maalala ang bilin niya sa akin kanina. 'Ang tanga! Ang mahal pa naman ng kape ngayon!' Kastigo ko sa aking sarili. "S-sasama kayo? May ipapabili? O may bilin kayo?" Tanong ko sa mga kasama ko. Kiming umiling ang lahat lalo na ng makita nila na nakabihis na si Sir Crow ng lumabas ito sa opisina niya. "W-wala. We want to say hi to Master Chrys. That's all." Pilit ang pagngiti na sagot ni Denise. "Mag-aral ka ng mabuti ng maka-graduate ka na para full-time ka na rito." Dagdag ni Steve na isa ring manunulat. "Haha. Sige sige. Salamat. Mag-ingat kayo sa pag-uwi." Nakangiti kong paalam sa kanila. Pinauna ko na si Sir Crow sa pagpasok sa elevator. Ilang sandali pa, ang katahimikan ay sa wakas ay binasag na ni Sir Crow. "Tell me about yourself." "Huh?" "Ang sabi ko, magpakilala ka." Ulit niya. "Bakit naman po? Di ba? Kung may gusto kang malaman sa isang tao na katrabaho niyo po, titingnan niyo na lang po yung resumé nila?" Tanong ko. "Haha. Gusto ko lang naman. Naaalala mo naman siguro ang mga sinabi ko kanina hindi ba? Naiilang ka kasi sa akin kaya naisip kong, dapat magkakilala tayong dalawa." Sagot naman ni Sir Crow. "Ahh. Okay." Matipid kong sagot. Sabay kaming lumabas sa pintuan ng kompanya. Susunod sana ang mga bantay niya ng patigilin silang lahat ni Sir Crow. Tahimik kaming naglakad papunta sa palengke habang nakasunod ang mga bantay niya sa hindi kalayuan. Naiilang man ako, hindi ko naman masabi iyon kaya nanahimik na lamang ako hanggang sa makarating na nga kami sa palengke. "Hariett!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang mga boses ng mga tindero sa palengke. "Eh! Nakilala pa rin nila ako?" Bulong ko sa sarili ko. "Bakit?" Inosenteng tanong ni Sir Crow. Bago pa ako makasagot, sabay-sabay na nagsilapitan ang mga tindero sa akin. "Hariett! Kahit magsuot ka pa ng kung anu-ano, makikilala ka pa rin namin." Natatawang sabi ni Mang Kanor na isa sa mga tindero sa palengke na bumibisita sa Eternity Temple. "Hehe. H-hindi naman sa nagtatago ako, Mang Kanor. A-ano kasi, s-sinisipon ako kaya kailangan kong magsuot ng—" "Naku! Huwag mo kaming lokohing bata ka! Ito oh! Magluto ka ng sinabawan para naman hindi pumutla ang tatay mo. Nag-aalala kasi kami kaya inabangan ka talaga namin." Natahimik ako sa sinabi nila. Kakabit ng pagtuntong ng aking amain sa ika-40 taong gulang ay ang paghina ng katawan niya. Marahil, isa na itong sumpa sa lahat ng pakialaman ni President T ang siklo ng buhay ng mga tao sa Area 666. Dahil sa mga kalokohan niya, mga tao ang nagbabayad at nagdurusa habang siya, nagpapakasarap sa pera na kinikita niya sa paglalaro ng buhay ng milyon-milyong tao. "Ipapaabot ko po ang pagbati at pag-aalala niyo sa kaniya. Hayaan niyo, aalagaan ko po siya. Marami pong salamat." Isa-isa nilang inabot ang mga basket na may laman ng mga tinda nila na prutas, gulay, karne at kung anu-ano pa, at ng pareho na ng kamay ko ang may hawak na mga basket, nagboluntaryo si Sir Crow na buhatin ang mga natitira pa. "Aba! Sino naman itong napakagwapong binata na ito?" Puna ni Mang Jo kay Sir Crow. "Baka naman kasintahan. Aba! Nagdadalaga na ang Henrietta natin!" Tudyo ng mga matatandang tindero. Hindi ko na napigilan ang pag-init ng mukha ko sa mga sinasabi nila. Nakita ko ang pagyugyog ng balikat ni Sir Crow na tinapunan ko naman ng masamang tingin. "Crow naman eh." Pabulong kong saway dito. "Magka-ibigan lang po kami. Este, magkaibigan lang po kami." Natatawang pakikisabay ni Sir Crow sa mga pang-aasar sa akin ng mga tindero. Nagtawanan ang lahat habang ako naman ay naiwang nangangamatis sa pangangantyaw nila sa amin ni Sir Crow. "Sino si Master Chrys na sinasabi nila?" Tanong ni Sir Crow ng makalagpas na kami sa palengke. "Siya ang nagligtas sa akin mula sa walang hanggang kadiliman at kawalan." Matipid kong sagot sa kaniyang katanungan. "Huh? Paanong nagligtas? Ano ba ang nangyari sa iyo?" Kuryosong tanong ni Sir Crow. Nagkibit-balikat na lamang ako at mas binilisan ko na ang paglalakad ko ng makita na ang templo. "Dito ka nakatira?" Pang-uusisa ni Sir Crow. Hinarap ko si Sir Crow at saka nginitian. Nakita ko na nanlaki ang mga mata nito sa hindi ko malamang dahilan. Ang alam ko lang ngayon, mas magaan na ang loob ko kay Sir Crow kumpara sa kung nasa trabaho kami kanina. "Ang sabi niya, I mustn't talk to strangers. Pero dahil kaibigan na kita, I will tell you something about myself." "Talaga? Can you tell me something?" "The man up there that is called the Deity Chrys is not actually my real father. He is my master and my benefactor." I said while pointing at the temple above the hill. "May I know what happened to you?" I can see his honest concern about me, and with the sight of it, it makes my heart flutter. "The village where we lived in was annhiliated. And he saved me. That was when I was five years of age. He took care of me, and now, it is my chance to pay back his benevolence towards me. But I am an unfilial daughter because I want him to be selfless and quit serving the community because he's already in his limit. And no one knows that than me." I can feel pain in my chest while telling him these. I don't know why, but I may not fully trusts Sir Crow, I can feel that my heart will explode if I still kept my mouth shut about my thoughts and feelings. "Am I a bad child?" I asked him. "No. No, you're not." He answered that made me smile bitterly. 'Really? But why am I feeling that it was a lie?' "Hariett! My little girl?" My eyes widen when I heard his voice from the top of the hill. "Do you have a visitor? Let him in!" He added. I looked at Sir Crow, he smiled and helped me once again with my baggages. "I have another secret, I want a husband like my master." I whispered at his ears. Hindi ko na nakita ang reaksyon niya dahil mabilis kong sinalubong ang aking amain na halata ang kasiyahan sa kaniyang mukha ng makita niya akong muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD