Sonata
Hindi parin malinaw sa akin kung bakit ako napunta kay Papa. Buong buhay ko ay sya ang kinilala kong ama. Kung gano'n ay pati ba si Mama ay hindi ko tunay na ina?
Gusto kong malungkot sa naisip ko. Naging mabuti sa akin si Mama kahit na maaga nya akong iniwan. At pakiramdam ko talaga ay sya ang tunay kong ina.
"Are you nervous?"
Tumingin ako kay Hammer na nagmamaneho ng kotse. Patungo kami ngayon para ma-meet ko ang tunay ko raw na magulang. Medyo kinakabahan nga ako dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko sila. Kung mabuti kaya silang magulang.
"Medyo lang." tugon ko at napahinga ako ng malalim.
"Don't be nervous. He's kind and very loyal to my family."
Napakuno't noo ako, "Ibig sabihin ay tauhan nyo ang tunay kong ama?"
Tumango sya, "Yeah."
Hindi ako makapaniwala na hinarap sya. Bakit ngayon nya lang sinabi?
"Bakit hindi mo agad sinabi? Sino sa mga tauhan nyo ang ama ko?"
"I don't want to tell you now. Just wait until you see them."
Napabuntong-hininga muli ako at tumango. Umayos ako ng upo at humalukipkip. Mas lalo akong kinakabahan dahil baka minsan ko nang nakasagupa noon ang ama ko. Ngayon ko lang napagtanto na gusto talaga ng peke kong ama na mapatay ako ng mga Esteban o 'di kaya ng tunay kong ama. Napakasama nya. Napakuyom ako ng kamay dahil hinayaan ko sya na saktan ako dahil mahal ko sya kaya naisip ko noon na tama lang ang ginagawa nyang pananakit at hindi ako pwedeng pumalag.
"Babe.."
Tumingin ako kay Hammer ng bigla nya akong hawakan sa hita.
"Spacing out?"
"Naisip ko lang ang mga dinanas ko noon sa peke kong ama."
Pinisil nya ang expose kong hita kaya humawak ako sa braso nya at sumandal sa kanya.
"Don't think of him. Wala na sya kaya hindi ka na muli nyang masasaktan."
"Yeah. At wala na rin naman akong balak na magpauto sa kanya kahit pa nabubuhay man sya ngayon o hindi. Gusto ko man na ako ang pumatay sana sa kanya pero may nauna na at tsaka baka mapahamak pa ang pinagbubuntis ko kung gagawin ko iyon."
Natuwa si Hammer sa sinabi ko.
"Hindi mo man sya nagantihan meron namang naghiganti para sa'yo. Kaya wag mo nang isipin iyon, okay?"
Tumango ako at hinawakan ko ang kamay nya. Tumingin ako sa kanya ng pagsiklupin nya ang kamay namin.
"Thank you so much, Hammer."
"Anything for you, babe."
Napangiti ako at umayos ng pagkakasandal sa kanya. Hindi ko alam ang pakiramdam na ito pero kaya ko nang ipakita kay Hammer ang nararamdaman ko. Hindi ako kailanman naging sweet pero nakakaya ko ngayon dahil mayroon akong feelings kay Hammer. At ngayon ay pakiramdam ko nakalaya na ako. Ang sarap sa pakiramdam dahil wala nang balakid pa.
Hininto na ni Hammer ang kotse ng makarating na rin kami agad sa isang malaking bahay. Napaayos ako ng upo dahil iba ang pakiramdam ko sa bahay na ito. Para bang pamilyar.
Bigla akong kinabahan na makaharap ang taong sasagot sa lahat ng katanungan ko. Pero napatigil ako sa pagtitig sa bahay ng hawakan ni Hammer ang kamay ko na nasa kandungan ko. Tumingin ako sa kanya.
"Let's go?"
Napahinga ako ng malalim at tumango. Tumingin muli ako sa bahay ng makababa kami ng kotse. Hinawakan ako sa bewang at kamay ni Hammer para humakbang na kami. May agad na sumalubong sa amin na tila kasambahay tila inaabangan talaga kami.
"Pasok po kayo, hinihintay na kayo ni Master Gie." sabi nito.
Gie? Gie ba ang pangalan ng tunay kong ama?
Humakbang na kami papasok at pansin ko agad na marangyang pamumuhay base sa ganda at laki ng bahay. Napahawak ako sa ulo ko ng may biglang sumasagi sa isip ko.
"Are you okay, babe?" agad na hinawakan ako ni Hammer ng mapahinto kami dahil sa paghinto ko.
Tumango ako at saglit na pumikit. Hindi ko alam kung ano ang biglang pumapasok sa isip ko, dahil hindi malinaw kung ano yun.
Hindi ko alam pero kapag tinitignan ko ang bahay ay para bang nakapunta na ako rito dati. Parang nakikita ko na may batang lalake at babae na nagtatakbuhan rito. Pero hindi malinaw sa akin ang mukha nila.
Pinapasok kami sa loob ng kasambahay at habang papasok kami ng papasok ay unti-unti ko nang nakikita ang bulto ng dalawang tao. Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Hammer na batid nya kaya napatingin sya sa akin.
Para akong unti-unting nahihirapang huminga na hindi ko maintindihan ang nararamdaman kong ito.
"Relax." ani ni Hammer.
Nang tuluyan kaming makalapit sa dalawang tao ay nagtaka ako ng makita si Leon na kaibigan ni Hammer at si Mr. Martin na alam kong tauhan ng mga Esteban. Napatingin ako kay Hammer na naguguluhan.
"Bakit sila ang narito?" tanong ko sa kanya.
"Because this is our house." si Leon ang nagsalita para sagutin ang katanungan ko. Tumingin ako sa kanya na napakuno't noo pa ako.
"Kung gano'n ay kasama nyo ang tunay kong magulang?"
Tumikhim si Mr. Martin kaya napatingin ako rito. Napamaang ako sa pangungulila ng kanyang tingin at tila ba pinapahiwatig nya ang isang bagay na makakasagot sa katanungan ko.
"I'm your father." sabi nito at para bang nag-echo sa pandinig ko ang kanyang sinabi.
"It's this true?" bulalas ko dahil hindi ako makapaniwala.
"He's right, Babe. Martin is your true father." tugon ni Hammer.
Hindi ko alam ang irereact ko dahil hindi parin ako makapaniwala. Ang tauhan ng mga Esteban ang tunay kong ama? Paanong nangyari iyon.
"Alam namin na hindi ka lubos na maniniwala kung walang ebidensya.." napatingin ako kay Leon, "Here.. " may nilahad sya na isang envelope na yellow kaya kinuha ko iyon. Kinuha ko doon ang laman at nalaman ko na isang dna test result ito.
"Paumanhin kung palihim kitang kinuhanan ng buhok para magamit bilang dna sample mo. At hindi ako nagsisisi na kinuhanan kita ng buhok dahil successful ang result." dagdag pa ni Leon.
Napatingin ako kay Leon at naalala ko ang huling pagkikita namin sa banyo ng isang restaurant. Kaya pala nya hinawakan ang ulo ko dahil pasimple syang bumunot ng buhok ko na hindi ko man lang naramdaman.
"Pero sino ka?" nahihirapan kong tanong dahil unti-unting luminaw sa akin ang eksena ng mga batang naglalaro.
"I'm your brother, Lala.."
Napapikit ako at napahawak ako sa ulo ko dahil para bang narinig ko na ang tawag na iyon.
"Babe.."
Napadilat ako at napatingin kay Hammer pero biglang umikot ang paningin ko at unti-unti akong napapikit muli hanggang sa hindi ko na alam ang nangyari.
Bigla ay para bang sa nakaraan ay bumalik ako. Nakita ko ang bahay nila Leon. Sa labas ng bahay ay may dalawang bata na natutuwang naghahabulan.
"Kuya, wag mo na kong habulin." Sabi ng bata na tila pagod na sa katatakbo para takasan ang tinatawag nyang kuya.
"Sige, hihinto na ako."
Agad na huminto sa paglalaro ang dalawang bata at naupo sa damuhan. Masaya silang natatawa habang ginugulo ng batang lalake ang buhok ng kapatid nya.
"Mga anak, wag kayong maupo d'yan!"
Gulat na napatingin ako sa pamilyar na boses na nagsalita. Walang iba kundi si Mama.
"Mama!" agad na tumayo ang dalawa at lumapit kay Mama na may dalang meryenda.
"Madudungis na kayo. Leon, wag mo na sabing papagurin ang kapatid mo at alam mong mahina ang puso nya para mapagod."
"Sorry, Mom."
"Ayos lang po, Mama. Masaya po akong kalaro si Kuya." sabi ng batang babae.
"Ikaw talaga, Lala. Kapag sinumpong ka naman, sige ka."
Napahagikgik nalang ang dalawang bata tila natutuwa pa na pinagalitan sila ni Mama.
Natulala ako dahil ibig sabihin ay ako ang batang babae at kapatid ko nga si Leon.
"Mom, hindi pa po ba uuwi si Dad?" tanong ni Leon kaya napatingin muli ako sa kanila.
"Merong importanteng misyon ang Dad nyo kaya baka hindi sya makauwi ngayon." tugon ni Mama.
"Lagi nalang wala si Dad. Mas marami pa syang oras sa trabaho nya kesa sa atin." may sama sa loob na sabi ni Leon.
"Anak, wag mong sabihin iyan, hindi naman tayo pinababayaan ng Dad nyo. At sana ay wag kayong magtatanim ng sama ng loob sa kanya."
Hindi na sumagot si Leon at kinain na nila ang ginawang meryenda ni Mama.
Hindi ko alam kung bakit nakikita ko lahat ng ito, pero naisip ko lang na baka ito ang nakaraan ko at ibig sabihin ay nawalan lamang ako ng memorya.
Napatingin ako sa paligid ng isang iglap ay magbago ang lahat. Gabi sa kasalukuyang mahimbing na natutulog ang lahat. Narito ako ngayon sa isang kwarto kung saan magkakatabi ang tatlo sa pagtulog.
Biglang nagising si Leon at nakita kong tila patungo sya sa banyo. Sa kanyang pagbalik ay nagtungo naman sya sa isang silid.
Bigla akong napatingin sa pinto at nagulat ako ng makita ang mga nakaitim at takip ng mukha na tila mga assassin. Nabahala ako at napatingin kay Mama at sa akin sarili. Agad na napatingin ako sa pintuhan na pinasukan ni Leon at nakita ko ang nais nyang paglabas sa silid na pinasukan nya pero nang makita nya ang mga assassin ay bigla syang napaatras.
Bigla akong napaiyak habang kita ko kung paano kami nadukot.. Si Papa.. Sya ang nasa likod ng pagdukot. Gusto kong may magawa pero para lamang akong napako sa aking kinatatayuan.
Bigla akong napadilat at hingal na hingal akong napatitig sa isang kisame. Panaginip.. Pero lahat ay totoo..
"Mabuti at nagising ka na.."
Napatingin ako kay Leon. Maging sa tunay kong ama. Napaiyak ako dahil hindi ko alam kung bakit ako napunta sa kamay ng malupit na si Larry. Hindi sana ganitong kung kelan konting panahon nalang bago ko makilala ang tunay kong pamilya.
"Dad, Kuya.." Sambit ko.
Nagkatinginan sila at parehong napangiti. Hindi napigilan ni Leon ang pag-iyak rin.
"Lala.." Aniya at niyakap ako. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit. Tumingin ako kay Dad at yumakap rin sya sa amin.
"Patawarin nyo ako kung ngayon ko lamang kayo naalala muli, Dad, Kuya." sabi ko.
"Ayos lang, Anak. Ang importante ay magkakasama na muli tayo." sabi ni Dad.
Nagbitaw kami ng yakap at napapunas ako ng luha. Tumingin ako sa paligid at pansin ko na narito kami sa hospital.
"Nasaan po si Hammer?"
Agad na nasagot ang katanungan ko ng bumukas ang pinto at pumasok si Hammer. Pero may kakaiba expression nya na hindi ko mabasa.
"Hammer.."
"Kumain ka na, binilhan kita ng pagkain." Aniya pero para bang may kakaiba talaga.
Napatingin ako sa likod nito habang hinahanda nya kakainin ko. Tumingin ako kay Leon at Dad. Wala rin silang alam. Meron bang nangyari na hindi ko alam? Bigla tuloy akong kinabahan sa kinikilos ni Hammer.
Sa magdamag na pag stay ko ay hindi ko sya makausap ng matino at lumalabas din sya ng silid ko at matagal bago makabalik. Hanggang sa makauwi na rin kami sa pad ko. Hindi sya pumayag na tumira ako sa bahay nila Dad.
Akala ko ay maayos na sya pero hindi ko maintindihan kung bakit ba parang malalim ang iniisip nya. Kapag tinatanong ko sya kung anong problema ay puro wala ang sinasabi nya. Kapag nakatulog ako at nagising ay naabutan ko syang umiinom ng alak.
Hanggang sa isang araw ay halos lumalabas na sya ng bahay at ginagabi sa pag-uwi. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Alam ko na may mali.
"Saan ka nagpunta?" sinubukan ko na magtanong na kagaya ng dati.
"D'yan lang."
Dederetso sana sya ng lakad at balak akong lagpasan ng pigilan ko sya.
"Hammer, sabihin mo nga, ano bang problema mo, ha?! "
"Nothing! Okay?" nabigla ako sa bigla nyang pagtaas ng boses, natigilan sya pero napahilot sya ng noo, "Stop asking me, I'm tired."
Umalis sya at pumasok ng kwarto. Parang nanikip ang dibdib ko kaya huminga ako ng malalim. Lumapit ako sa sofa at naupo. Hindi ko alam kung bakit para syang sasabog na nafufustrate. Hindi ko alam ang pinagkakaabalahan nya kung bakit palagi syang pagod.
Napalunok at tumingin ako sa taas para pigilan ang luha ko. Mula nang malaman ko ang pagkatao ko ay akala ko sasaya na ako, pero ngayon ay ang kakaibang kinikilos naman ni Hammer ang hindi ko malaman kung ano.
Pakiramdam ko ay para bang hindi na ako importante sa kanya. Hindi nga nya ako pinababayaan sa pagkain at check-up ko pero palagi naman akong naiiwang mag-isa rito. Halos araw-araw na noon ay hindi naman nya ginagawa.
Naglakad ako patungo sa kwarto namin at pumasok ako. Napatingin ako kay Hammer na nagsusuot ng panibago nyang sapatos. Naligo at nagbihis lang sya tapos mukhang aalis na naman.
"Saan ka pupunta? Gabi na."
"May kailangan lang akong gawin, matulog ka na."
Hindi ako makapaniwala na tinignan sya habang pinipigilan kong mainis sa kanya.
"Uuwi at aalis nalang ang palagi mong ginagawa sa pad na 'to. Kung ganun din naman ay doon nalang muna siguro ako kela Dad kesa ma-bored ako sa kahihintay sa'yo."
Tumayo sya at tumingin sa akin ng seryoso.
"You'll stay here. I have to go." yun lang ang sinabi nya at umalis.
Napaupo ako sa kama at tuluyan na akong napaiyak. Napahawak ako sa dibdib ko at hinilot ito dahil para akong hindi makahinga sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
May pakialam sya pero palagi naman syang wala sa tabi ko. Hindi na nga ako malas ngayon sa tunay kong pamilya pero ngayon ay tila mamalasin pa ako sa pag-ibig.
Nakatulugan ko ang pag-iyak at paggising ko ay wala parin si Hammer. Bumangon ako ng kama at lumabas ng kwarto. Agad na napalapit ako sa living room ng makita ko syang natutulog sa sofa.
Napatitig ako sa mukha nya habang natutulog. Tila sya pagod na pagod at walang tulog. Naupo ako at hinawakan ko ang mukha nya. Umuuwi sya rito pero pakiramdam ko ay na-miss ko sya at para syang matagal na lumisan at ngayon lamang nakabalik.
"Hammer, ano bang nangyayari sa ating dalawa? Bakit ang lamig-lamig mo muling makitungo at palaging umaalis?" tanong ko sa kanya kahit tulog.
Titigan ko ang kanyang mukha dahil baka kapag nagising sya ay umalis na naman sya. Sa ganung paraan ay hindi ko namalayan na nakaidlip ako. Naalimpungatan ako dahil para akong nakalutang. Napadilat ako at napatingin kay Hammer na syang buhat pala ako.
Napatingin sya sa akin at hiniga ako sa kama ng makarating kami sa kwarto. Hindi na ako nagtanong dahil baka ganun na naman ang isagot nya. Tumagilid ako ng higa patalikod sa kanya.
"Magluluto ako ng agahan mo. At pupunta rin dito ang doctora mo mamaya para tignan ka."
"Kahit wag na, kaya ko na ang sarili ko. Tsaka balewala na rin naman ako sa'yo kaya gawin mo ang gusto mo at gagawin ko ang gusto ko." sabi ko.
"Fine. Ganyan ka naman talaga. Ginagawa mo ang gusto mo kahit na maglihim ka pa sa akin, 'di ba?"
Natigilan ako sa sinabi nya. Bigla ay kinabahan ako sa sinabi nya. May alam na kaya sya?
Naupo ako at tumingin sa kanya. Nakatingin sya sa akin ng walang emosyon.
"A-Anong ibig mong sabihin?"
Hindi sya agad sumagot at tumalikod na sya.
"Ipagluluto kita at wag na wag kang lalabas ng bahay pag-alis ko."
Tinignan ko sya hanggang sa makalabas sya. Hindi ko alam siguro kung ano ang eksaktong alam nya pero kinakabahan ako na baka alam na nya ang sakit ko.
Umalis ako sa kama at naglakad palabas ng kwarto. Wala sya sa living room kaya sa kusina ko sya tinungo. At doon ay nagluluto na sya ng kakainin ko.
Marahang lumapit ako habang nakatingin sa kanya. Hindi sya lumingon man lang sa akin at seryoso sya sa pagluluto nya.
Kumukuha ako ng tyempo para magsalita dahil baka mali pala ako ng akala at baka masabi ko pa sa kanya ang sakit ko.
"Hammer, anong ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina?"
"Wala." aniya at nilagay sa plato ang bagong lutong itlog.
"Anong wala? Sabihin mo ang nalalaman mo."
Hindi na sya nagsalita kaya napakuyom ako ng kamay. Hindi ko alam kung ano ba ang alam nya pero isa lang naman ang tinatago kong sekreto.
Napayuko habang nakahawak sa tiyan ko. Mas lumalaki na rin ang tiyan ko sa mga araw na lumipas.
"Alam mo na siguro ang kondisyon ko." panimula ko upang sabihin sa kanya ang sakit ko. Hindi sya nagsalita habang hotdog naman ang niluluto nya pagkatapos ng itlog, "Tinago ko lang naman iyon dahil natatakot ako para sa anak natin."
"Kaya nagdedesisyon ka para sa sarili mo lang? Hindi mo man lang sinabi sa akin para may magawa ako.",
Tumingin ako sa kanya, "Kahit sabihin ko ay may magagawa ka ba?"
Malakas na binaba nya ang spatula at hinarap ako habang napapatiim-bagang sya.
"Anong akala mo sa akin? Doctor ako at kung maaga mo sana sinabi baka maagapan pa! Anong akala mo hindi kita kayang gamutin?"
"Tapos ano? Pag sinabi ko ay aalisin mo ang anak natin, ha?"
Hindi sya sumagot kaya natigilan ako habang bumibigat ang hininga ko.
"Wag mong sabihin na ganun nga? Sumagot ka!" binayo ko sya dahil ayaw nyang magsalita.
Pinigil nya ang mga kamay ko at tinignan ako ng mariin.
"I care for you, only you.." aniya at binitawan ang kamay ko bago umalis sa harap ko. Natulala ako at hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko.
Agad na sinundan ko sya at narinig ko na ang pagsara ng pinto ng condo.
"Hammer! Wag na wag mong gagawin iyon!" sigaw ko habang hinahabol sya.
Binuksan ko ang pinto pero bumulaga sa akin ang dalawa na sina Theo at Frank.
"Miss, bawal kayong lumabas."
"Umalis kayo sa harap ng pinto! May sasabihin pa ako kay Hammer!"
Pinilit kong makaraan pero ayaw umalis ng dalawa at pinipigilan ako.
"Ano ba! Umalis kayo d'yan! Hammer! Wag mong gagawin sa anak natin iyon! Parang awa mo na!" sigaw ko kahit na baka imposible na nyang marinig dahil baka nakaalis na sya. Napahagulgol ako at napahawak sa dibdib ko.
-
Hammer
Napakuyom ako ng kamay habang nakasandal sa pader sa labas ng condo ko. Rinig na rinig ko ang pagmamakaawa ni Soul. Pumikit ako ng mariin at agad na dumilat. Umalis ako at tumungo sa hospital.
Mula nang malaman ko ang sakit ni Soul ay hindi ko alam ang gagawin. Para akong sasabog sa galit dahil nilihim nya. Kung hindi ko pa sya dinala sa ibang hospital ay hindi ko pa malalaman.
Agad na pumasok ako sa conference room kung saan ay kausap ko ang mga heart surgeon.
"Director, kahit saan parte tignan ay hindi sya pwedeng operahan kung buntis sya." sabi ni Doctor Ang.
"He's right. Masyado nang malala ang butas ng puso nya, kung hindi natin sya ooperahan agad ay baka mamatay sya."
"Enough! Hindi sya mamamatay!"
Galit na bumagsak ang mga kamay ko sa lamesa at napatayo ako bago ko hawiin ang mga nakapatong sa lamesa sa harap ko. Napahilot ako sa noo ko at iniwan ang mga walang kwentang doctor.
Pumasok ako sa opisina ko at hindi ako mapakali habang nag-iisip ng maaaring solusyon.
Lumapit ako sa table ko at binuksan ang computer. Mula nang malaman ko ang kondisyon ni Soul ay hindi na ako tumigil sa paghahanap ng cure. Wala na halos akong tulog at hindi ko na sya masyadong nasasamahan.
Bumagsak ang kamao ko sa lamesa at napasandal ako sa kinauupuan ko dahil hindi din ako makapag-concentrate. Bilang isang doctor ay pakiramdam ko ay useless ako. Wala akong magawa para makahanap ng solusyon sa mag-ina ko.
Tumayo ako at humarap sa wall glass habang tanaw ko rito ang building ng condominium.
Hindi ako susuko hanggang makahanap ng paraan para mailigtas ko ang mag-ina ko.
Napahawak ako sa glass wall at sa unang pagkakataon ay pumatak ang luha ko.
© MinieMendz