Sonata
Hinaplos ko ang ultrasound na bigay ni Doctora nang muli ako nitong icheck-up. Konti nalang at buong-buo na sya. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil kita ko na ang maaari nyang maging itsura kapag lumabas na sya.
"Why my babe is so happy?"
Napalingon ako kay Hammer na may nilapag sa table na gatas at meryendang pie na gusto ko. Napangiti na humarap ako sa kanya at pinakita ang ultrasound.
"Konti nalang at mabubuo na sya.."
Ngumiti sya at lumapit sa akin, "That's true. Kapag four months ka nang buntis ay doon na mas madedevelop si baby." aniya at hinaplos ang tiyan ko.
"Hammer, sana maging kamukha ko sya."
Medyo natawa sya at napataas ang kilay tila nalilito.
"Bakit ayaw mo sa akin makamukha? May problema ba sa mukha ko, babe?"
Sinipak ko ang tiyan nya at umalis ako sa tabi nya para lapitan ang gatas at pie. Kanina pa ako natatakam rito.
Narinig ko ang tawa ni Hammer habang nakasunod sa akin.
"Syempre hihilingin ko pa ba na maging quadroplets kayo ng triplets nyo. Syempre mas gusto ko na sa akin nalang."
Lalo syang natawa kaya hinampas ko sya ng maupo sya sa tabi ko.
"Tumigil ka nga. Nakakainis." sabi ko.
"You're so cute, babe." aniya at sapilitan na hinawakan ako sa mukha bago halikan ng mariin ang labi ko kaya tinulak ko sya sa dibdib na kinangisi nya.
"Ayan ang kainin mo." sinubuan ko sya ng pie na kinangiti nya. Napailing ako at kumagat ng sa akin.
"Anyway, magpapaalam lang ako sa'yo, babe."
Tinignan ko sya, "Bakit, saan ka pupunta? Maggagabi na, ah."
Nang maubos nya ang pie ay nagpagpag sya ng kamay.
"May kailangan lang akong gawin. Ipapaiwan ko rito sila Theo kaya wag kang lalabas. Matulog ka na rin ng maaga, bawal sa'yo ang magpuyat."
"Importante ba iyan? Bakit ngayon pa kung kelan padilim na?"
Hinawakan nya ang tiyan ko at hinalikan bago sya tumingin sa akin.
"Kailangan ko lang tulungan ang kaibigan ko. Pangako, babalik din agad ako."
Tila importante nga kaya tumango ako. Hinalikan nya muli ako sa labi ng mariin bago nya bitawan ang labi ko at tumayo sya. Umalis sya sa tabi ko para magtungo sa kwarto kaya mag-isa na kinain ko nalang ang pie.
Pinatong ko ang mga paa ko sa table at napahawak ako sa tiyan ko habang nilalantakan ang isang box ng buko pie. Hindi ako mahilig sa ganito pero nang minsang makita ko ito sa isang bakery ay nagpabili ako kay Hammer dahil mukha syang masarap. At masarap nga kaya halos araw-araw ay kinakain ko na ito tuwing hapon.
Maya-maya pa ay lumabas na si Hammer suot ang leather black jacket nya at white t-shirt habang ang pang baba na pantalon ay yung black din.
"Uwian mo nga pala ako ng buko pie. Mauubos na ang binili mo." sabi ko sa kanya.
"Babe, halos araw-araw ka nang kumakain, hindi mabuti--"
Bago pa sya tapos magsalita at sermunan ako nang sinamaan ko sya ng tingin.
"Ikaw ba ang buntis? Iyon ang gusto ni baby, kaya sundin mo."
Napailing sya at napakamot ng ulo, "Okay. Lagi nalang iyan ang pinapanakot mo." aniya kaya lihim na napangiti ako.
"May problema?"
"Wala. Sabi ko I love you. Bye, babe." hinalikan nya pa muli ako sa labi bago sya nagmadaling umalis.
Napahinga ako ng malalim dahil boring na naman. Kapag umaalis si Hammer ay naiiwan ako parati rito. Wala naman akong ginagawa kundi ang kumain, mahiga, maupo, at manood. Minsan ay nagyoyoga din ako pero kapag nasa mood lang.
Nais ko sanang imbitahan si Kei kaso naaalala ko lang ang huling nangyari. Wala na sa akin iyon pero tila si Kei ay galit sa akin. At alam ko na hindi na magiging maganda ang samahan namin lalo't gustong-gusto nya si Hammer.
May nag-doorbell at pagkaraan ay bumukas ang pinto. Maya-maya pa ay lumitaw ang dalawang asungot ni Hammer.
"Miss, kapag may kailangan kayo ay sabihin nyo lang sa amin." sabi ni Frank.
"Saan ba talaga pupunta ang boss nyo?"
Nagkatinginan sila at nakiba't-balikat. Alam ko na alam naman nila pero dahil loyal sila kay Hammer kaya ito ang kakampi nila.
Saan nga kaya pupunta si Hammer? At sinong kaibigan ba ang tinutukoy nya?
-
Leon
Nakatingin ako sa isang building na bahay kung saan tinuro ng hindi nagpakilalang lalake ang bahay ni Larry. Mula rito sa kotse ay kita ko ang ilang tauhan nito.
Kinuha ko ang baril at sinuksok ko sa unahan pantalon ko. Kumuha pa ako ng isa at sinuksok ko naman sa likuran ko. At kumuha pa ako na isa na syang hawak ko.
Hindi ko hahayaan na mabuhay pa ang hay*p na iyon. Ngayong kumpirmado ko na ang katotohanan ay sisiguraduhin kong mawawala na sa mundong ito ang gumawa ng sira sa aming pamilya.
Bumaba ako ng kotse at tumingin ako sa paligid. Nang walang makakapansin sa akin ay agad na tinakbo ko ang likod ng building. Marahan na lumakad ako habang sinusuyod ang paligid. Narito na ako sa maliit na pinto kaya marahang binuksan ko.
Napatingin sa akin ang isang lalake na nadaan sa pinto. Agad na pinaputukan ko ito kaya tinamaan sya sa bandang tiyan. Agad na umiwas ako ng hagisan nya ako ng katana. Binaril ko muli sya at sa pagkakataong iyon ay sa ulo ko sya tinamaan na kinatumba nya.
Mabilis na pumasok ako dahil alam ko na mabulabog ko na ang lahat ng narito. Bigla akong napadaing at napahawak ako sa braso ko ng may tumama sa akin na matalim na bagay.
"Welcome to hell."
Napatingin ako sa babae na nagtatago sa dilim. Sa kanya nanggaling ang katana na tumama sa akin.
"Sino ka?"
"Hindi na importante kung sino ako, mamamatay ka rin naman ngayon."
Matatalim ang kanyang binibitawan na salita. Narinig ko ang yapak nya at unti-unti ko na syang nasilayan at nakita ko ang umaalon nyang brown na buhok habang suot ang isang army pants, black spaghetti strap, at ankle boots na black.
Lumapit sya at ambang sasaksakin ako ng bigla syang mapahinto at mapamaang. Agad na sinalo ko sya at napatingin ako sa likod nya. May dugo. Tumingin ako sa may gawa nito at nakita ko si Hammer.
"Hammer." sambit ko sa pangalan nya. Anong ginagawa nya rito?
"Isipin mo ang pinunta mo rito. Ako na ang bahala sa lahat ng tauhan, puntahan mo na si Larry sa rooftop bago pa sya makatakas."
Tumango ako at tumingin sa babae. Inupo ko sya sa gilid at pinakiramdam ko ang pulso nya.
"Buhay pa sya." ani ni Hammer.
Tumayo na ako at tumingin kay Hammer. Tumango sya kaya agad na tumakbo na ako. May nakakasalubong ako pero agad ko silang binaril. Gigil na gigil ako dahil tiyak na kasama din sila sa nagpahirap kay Lala.
"Opps! Bago ka makarating kay Boss ay ako muna ang harapin mo."
"Nic!"
Napalingon kami sa nagsalita at nakita ko ang isang lalake na hinagisan ng katana ang Nic na tinawag nito dahilan para umubo ito ng dugo.
"Bilisan mo, baka hindi mo na sya maabutan." sabi nito.
"Sino ka?" tanong ko.
"Hindi na importante, ang mahalaga ay may magawa ako para kay Sonata sa bandang huli."
Hindi ko sya kilala pero tila kilala nya ang kapatid ko. Tumango ako rito.
"Salamat."
Tumango ito at agad na naglaho sa dilim. Patay ang ilang ilaw sa building tila inaasahan nila Larry ang pagsugod ko.
Agad na mabilis na humakbang ako sa mga hagdan habang mahigpit ang hawak ko sa baril. Hingal na hingal na nakarating ako sa rooftop. Malakas na hangin ang bumungad sa akin dahil sa chopper na gagamitin ni Larry sa pagtakas.
"Wag kang kikilos!" banta ko dahil paakyat na sya sa hagdang lubid para makaakyat sa chopper.
Lumingon sya at ngumisi, "Hindi ko akalain na matapang ka pala. Dati ay nagtago ka lang sa kabinet at walang nagawa para pigilan ako."
Nanginginig ang kamay ko sa galit habang nakatingin rito na puno ng galit.
"Hindi na mauulit pa iyon dahil sisiguraduhin kong ikaw naman ang magtatago sa apat na sulok ng kabaong mo."
Ngumisi sya, "Kung mapapatay mo ako."
Bigla akong napaatras at napahawak sa balikat ko ng magkaroon ako ng tama sa bandang dibdib. Bigla akong nanghina at napatingin sa taas ng chopper. Merong isang babae na nandoon ngunit hindi ko makita kung sino ito dahil nanlalabo ang mga mata ko.
"Don't waste time, Leon. It's your chance to kill him on your own."
Napatingin ako kay Hammer na nakasandal sa pader habang para bang balewala sa kanya kung patamaan din sya ng kalaban.
Nakalimutan kong wala nga palang kinatatakutan ang mga Esteban. Tumingin muli ako kay Larry na umaakyat na habang unti-unti na lumalayo ang chopper. Kinuha ko ang dalawang baril at sunod-sunod na tumira ako sa dereksyon ni Larry.
Napaluhod ako at napahawak sa dibdib ko ng sumakit ito dahil sa tama ko. Tumingin ako kay Larry na napabitaw sa hagdang lubid dahil napuruhan ko sya.
"Aahhh!!!" sigaw nito ng bumubulusok syang bumagsak.
"Daddy!!!"
Napatingin ako sa sumigaw pero nanlabo na ang paningin ko. Napangiti ako dahil alam kong nagawa ko nang ipaghiganti si Mama at Lala. Sa wakas..
-
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. s**t. Napahawak ako sa balikat ko dahil sumakit ang bandang dibdib ko. Tumingin ako sa paligid at napahinga ako ng malalim dahil nakita ko na narito ako sa hospital.
"Sir, ayos na po kayo?"
Napatingin ako kay Hershey na tila sya ang nagbantay sa akin. Napangiti ako at hinawakan ang ulo nya na kinapula nya.
"Thanks, Shey."
"Wala naman po akong ginawa para pasalamatan nyo." aniya at napakutkot ng kuko.
"Kahit na, salamat."
Tumango sya habang inaayos ang salamin nya habang hindi makatingin sa akin. Napatingin ako sa katawan ko at wala pala akong saplot sa pang-itaas kaya kinuha ko ang kumot at tinakpan ko ang katawan ko.
"Wag kang kumilos kung gusto mong makalabas agad."
Napatingin kami kay Hammer na suot ang doctor's lab gown nya.. Hindi ko akalain na tutulungan nya pa ako at ginamot.
"Akala ko ba galit ka sa akin at hindi na tayo magkaibigan?"
Tinignan nya ang dextrose ko. Kung titignan ay para syang maginoong doctor. Pero ang totoo ay para kang pauulanan ng bala sa talas ng salita nya at walang pakialam kung may masasaktan sya. At kailanman ay hindi ko nakita si Hammer na natakot.
"Your safe now. Take this med for faster recovery." aniya at hinagis kay Hershey ang gamot na sinasabi nya kaya agad na sinalo iyon ni Hershey. Hindi nya ako sinagot, "And Larry is Dead, so don't ask me about him."
"Hammer, si Sonata.." ambang aalis na sya ng mapahinto sya.
"She's safe with me. Don't bother her, okay?"
Nagtagis naman ang bagang ko sa sinabi nya.
"Oo nga pala, hindi kita kaibigan. Kaya ibalik mo na sa amin si Lala."
Humarap sya at ngumisi, "Tsaka na kapag nakapanganak na sya." may hinagis sya sa akin kaya matalim na tinignan ko sya, "Soon.. She will be my wife. You are invited."
"Hammer, f**k you ka! Bumalik ka rito--acck!" napangiwi ako ng magalaw ko ang sugat ko.
"Ayos lang kayo, Sir." ngumiti ako kay Hershey at tumango.
Pesteng Hammer iyan! Wala talaga syang pakialam kahit alam nyang kapatid ko si Sonata. Lintek! Ayokong mapunta si Sonata kay Hammer. Dahil tiyak akong kahit wala na si Larry ay maaari paring malagay sa panganib ang buhay nya dahil isang Esteban si Hammer. At hindi ako tiwala sa walang pusong assh*ole na iyon. Matapos akong sabihin na hindi na nya ako kaibigan at sapakin ay bigla syang bumabawi ngayon. Tsk.. Plastick din ng gunggong na iyon.
Napailing ako dahil tila si Hammer ang nagsabi kung saan ko matatagpuan si Larry. Tila nagpapagood shot ang loko. At sa ginawa nya alam nyang hindi na ako makakaangal pa kung tapos na nya akong tulungan.
"Hershey, akin na ang gamot."
"Yes, Sir."
Kailangan kong magpagaling agad dahil gusto ko nang makausap si Sonata para masabi ko sa kanya ang totoo.
Napatingin ako sa bumukas na pinto at nakita ko ang ama ko.
"Leon, mabuti naman ay ayos ka na." aniya.
"Yeah. Thanks to him." tukoy ko kay Hammer.
"Thank you, Son. Ngayon ay wala nang balakid para makasama natin si Lala."
Dahan-dahan na naupo ako habang nakahawak sa dibdib ko. Sumandal ako sa kama at tinignan si Dad.
"Meron pa.."
Nakita ko ang pagtataka nya, "Huh? Sino?"
"Si Hammer.." kinuha ko ang invitation at pinakita sa kanya, "At buntis si Sonata at si Hammer ang ama.. Alam nyo siguro na madalang ilabas ni Hammer si Sonata. Kaya may problema pa tayo dahil laging nasa tabi ni Sonata ang gunggong na iyon."
"Kung gano'n ay pakikiusapan ko ang Senyorito. Alam ko naman na hindi nya maitatanggi ang katotohanan kay Lala. Kaya alam ko na makikita rin natin si Lala."
Napahinga ako ng malalim, "Sana nga.. Kahit kaibigan ko si Hammer ay madamot sya sa bagay na nagugustuhan nya. At alam nyo na ganun ang mga Esteban."
Tumango sya, "Hindi na problema iyon. Basta ang mahalaga ay ligtas na ang kapatid mo."
Naalala ko ang araw na malaman namin ang resulta ng dna. Halos pangatugan ako ng tuhod kaya hindi ako halos makatayo. Nang sabihin ng gene expert na 99.99999% ang resulta ng match ng dugo ni Dad at Sonata ay hindi ko napigilan na mapaluha. Doon ko lang din muling nayakap si Dad at pakiramdam ko ay sobrang saya namin ng araw na iyon.
Napakatanga ko na hindi ko man nalang alam na nakita ko na pala si Lala na hindi ko namamalayan. Halos katabi ko sya sa upuan sa bar tapos wala man lang ako naramdaman noon.
Pero ayos na iyon. At least ngayon ay natagpuan na namin sya. At sisiguraduhin kong babawi ako kay Lala.
-
Sonata
Nagising ako sa kiliti tila may humahalik sa leeg ko. Dumilat ako at napatingin kay Hammer na syang salarin. Hinawi ko ang mukha nya kaya napatingin sya sa akin.
"Ngayon ka lang umuwi?" tanong ko at bumangon. Tinignan ko ang oras at alas dose na nang gabi.
"Natagalan lang.."
Humalukipkip ako, "At bakit ka natagalan? Sino ba ang pinuntahan mo?" tanong ko na kinangiti nya.
"Kaibigan lang.." aniya at dinampian ako ng halik sa labi pero agad na tinulak ko sya palayo sa akin.
"Sinong kaibigan?"
"Babe, don't be jealous--"
"Sinabi ko ba nagseselos ako?"
Natawa sya at naupo sa tabi ko bago hubarin ang suot nyang t-shirt.
"Ang mabuti pa ay matulog na tayo. Inaantok na ako." aniya at hinagis lang kung saan ang damit nya at nahiga sa tabi ko. Hinatak ako nito pahiga at niyakap.
"Nasaan nga pala ang pinabili ko?" naalala ko nga pala na may pinabili ako sa mokong na 'to.
"Nakalimutan ko.."
Agad na siniko ko sya na kinadaing nya pero natawa.
"Ano? Nakalimutan mo?"
Babangon sana ako ng pigilan nya ako at niyakap ng mahigpit.
"Joke lang, babe. Hindi ka na mabiro." aniya na bakas sa tono nya ang kapilyuhan.
Pinisil ko ang ilong nya na kinadaing nya.
"Ayoko ng binibiro ako, lalake. Naintindihan mo?"
"O-Oo." ngongo nyang tugon at inalis ang kamay ko sa pagkakapisil sa ilong nya, "Damn, Babe, it's hurt." aniya habang hinihilot ang ilong.
Hindi ko na sya pinansin at tinalikuran ko na sya.
"Wag kang yayakap sa akin, papatayin kita." banta ko ng maramdaman kong ambang yayakap sya.
-
Hammer
Napailing ako dahil mas malala pa ang topak nya habang lumalaki ang tiyan nya. Inunan ko ang mga braso ko at hinintay na makatulog syang muli.
Kapag ganyan ay alam kong inis na sya kaya hindi ko na dapat na pikunin. Napatingin ako sa side table at napakuno't noo ako ng makakita ng isang album.
Kelan pa nagkaalbum sa condo ko?
Kinuha ko ito at gamit ang isang kamay ay binuklat ko ito. Natigilan ako pero pagkaraan ay napangiti ako dahil bumungad sa akin ang ultrasound ng baby namin. Nilipat ko sa next page at napakagat ako ng labi bago ngumisi sa tuwa dahil pinadevelop nya pala ang kuha namin nang ilabas ko sya para kumain.
Pero nagsalubong ang kilay ko kung kelan nya pinadevelop ito? Nilipat ko pa at tinignan ang mga litrato. Puro mga bagong kuha namin at bagong larawan ng ultrasound record nya.
Nilapag ko sa tiyan ko ang album at inabot ko ang cellphone ko para tawagan si Theo.
"Lumabas ba si Soul kanina o hindi?"
(Ahh..Boss..kasi--)
"Answer me straight, Theo."
(Yes, Boss.. Pero dito lang din sa condo building. May picture studio rito.)
"Next time na suwayin nyo pa ang utos ko, papalitan ko kayo. Maliwanag?"
(Yes, Boss.)
Binaba ko na ang tawag at nilapag sa side table ang phone ko. Pero natigilan ako at napatingin kay Soul na bigla itong yumakap sa akin. Napangiti ako dahil gaya ng inaasahan ko. Sa huli ay sya parin ang mangyayakap kahit ako naman ang pinagbabantaan nya.
Marahan na kinuha ko ang album at nilapag sa table. Tinignan ko si Soul at maingat na hinawakan ko ang ulo nya bago ko inunan sa braso ko. Sinuklay ko ang buhok nya at hinatak ko ang kumot bago ikumot sa amin.
"You always impress me." bulong ko at hinawakan ang tiyan nya, "But still stubborn."
"Hmm.."
Napadaing ako ng kagatin nya ang balat sa dibdib ko. Pinisil ko ang labi nya kaya napatigil sya. Napabuga ako ng hangin at napailing.
"Stubborn and sadist." bulong ko pa bago ako napangiti.
I can't wait to marry her, to call her wife, and to be with her forever. I love her and I don't want her to leave me. I only want her. Only her. She's my life now. At hindi ko sya bibitawan at hahayaang makuha sa akin ng iba. Hindi ko naman sya ipagdadamot sa tunay na pamilya nya pero sa akin parin sya mananatili.
-
Sonata
Nagising ako para makita lang na ako ang nakayakap kay Hammer. Bumangon ako at nag-unat ng braso. Nanlalata ako at parang nais ko pang matulog pero kailangan kong magbanyo.
"Hammer.." tinapik ko ang mukha nya.
"Hmm.." ungot nya at tumagilid ng higa paharap sa akin bago ako yakapin sa bewang habang nakasubsob ang mukha nya sa tiyan ko.
"Buhatin mo ako at magbabanyo ako."
"Kaya mo na 'yan."
Para namang nag-usok ang ilong ko. Lagi naman nyang ginagawa sa akin na buhatin ako tuwing umaga patungo sa banyo pero ngayon ay ito ang maririnig ko.
Iniisip ko pa kung sino ang pinuntahan nya at gabing-gabi na sya nakauwi. May babae kaya ang lalakeng ito? Malamang, gawain nya iyon dati. Ngayon ay tila bumabalik na naman sya.
Inis na bumangon ako ng kama at tinignan ko sya ng matalim habang sinuot ang tsinelas ko. Bago ako umalis ay malakas na pinisil ko ang n****e nya bago ako nagtungo sa banyo.
"Damn, Babe! What's your problem?!" hiyaw nya.
Malakas na sinara ko ang pinto at umirap ako bago inis na lumapit sa toilet. Nakakainis. Dapat pala hindi n****e nya ang pinuntirya ko kundi ang pagkalalake nya. Tiyak akong hindi na sya makakapangbabae kapag ginawa ko iyon.
Nang matapos akong gumamit ng banyo ay ginawa ko ang morning ritual ko bago ako lumabas ng banyo. Naabutan ko sya na nakasandal sa headboard ng kama at napatingin sa akin.
"Babe, ano na naman ang problema?"
"Don't talk to me." malamig kong sabi at dere-deretsong lumabas ako ng kwarto.
Nagtungo ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Maya-maya pa ay narinig ko na ang yapak nya.
"Good morning." bati nya at yumakap sa likod ko bago ako halikan sa pisngi. Nang matimpla ko ang gatas ay hinawi ko sya at umalis ako sa tabi nya, "Okay, Ipagluluto nalang kita ng breakfast mo." aniya.
Hindi ko na sya sinagot at tuloy-tuloy na lumabas ako ng kusina. Lumapit ako sa sofa sa living room at naupo. Nilapag ko ang baso ng gatas sa table at napahinga ako ng malalim.
Napapikit ako at nag-relax ng hininga ko. Kay aga-aga ay naiinis na naman ako kay Hammer.
Nawala lang ako sa iniisip kong inis ng may nag-doorbell. Tumingin ako sa bandang gawi ng kusina at nang walang tugon si Hammer ay tumayo ako at ako na ang lumapit sa pinto.
Tinignan ko sa butas ng pinto kung sino ang tao sa labas pero wala naman akong nakikita. Binuksan ko ang pinto at humakbang ako palabas. Nagtaka na tumingin ako sa kanan-kaliwa para hanapin ang nag-doorbell pero wala naman akong nakita.
Umatras ako at papasok na sana nang mapatingin ako sa isang gift box. Nagtaka na naupo ako at hinawakan ang box. Tumayo ako habang hawak ang box. Pinakiramdam ko ito bago binuksan.
Nagtaka ako na may bakas na dugo sa box at larawan ni Papa. Nanginginig ang kamay ko na kinuha ang papel na nakalagay doon.
'Maghihiganti ako sa ginawa nyo sa Dad ko. Patay kung patay. At uunahin kita.'
"Anong ibig sabihin nito?" bulalas ko.
"Patay na si Larry."
Bigla akong napalingon kay Hammer. Hindi ko man lang naramdaman na narito na sya sa likod ko. Lumakad sya palapit sa akin at kinuha ang box sa akin. Tinapon nya iyon sa labas at hinatak nya ako papasok.
Natulala ako dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi nya na wala na si Papa. Niyakap nya ako kaya tumulo ang luha ko.
"Anong ibig sabihin ng sulat? Bakit nya sinasabi na dad nya si Papa?"
"Because you are not his true daughter."
Umiling ako, "Nagbibiro ka lang."
"I'm not, it's true."
Napapikit ako dahil alam ko na hindi naman gagawa ng kwento si Hammer kung hindi totoo. Napayakap ako sa kanya dahil hindi ko alam ang mararamdaman ko na hindi ako tunay na anak ni Papa.
Pero mas lamang sa akin ang kasiyahan na hindi ko pala sya tunay na ama.. Kaya pala hindi nya ako nagawa man lang mahalin. Hindi pala nya ako anak. Sa sobrang hirap ng dinanas ko sa kamay nya ay hindi ko man lang sya pinag-isipan ng iba.
Bumitaw ako ng yakap kay Hammer at tumingin ako sa kanya.
"Kung gano'n ay kilala mo ba kung sino ang tunay kong magulang?" tanong ko.
Pinunasan nya ang luha ko at hinalikan ako sa noo.
"Yeah.. Don't worry you'll meet them soon.."
© MinieMendz