Leon
"What are you doing here?" malamig na tanong ko sa ama kong narito na naman.
"Leon, kilala mo ba si Sonata Winston?"
Napakuno't noo ako dahil sa sinabi nya. Bakit nya kilala iyon?
"Oo, syota ni Hammer.." tumingin ako sa files na binabasa kong pinasa ng secretary ko. Wala akong oras sa matandang ito.
"Anak, posible kaya sya si Lala.."
Natigilan ako at napatingin sa kanya. Napakuyom ako ng kamay at masama syang tinignan.
"Ano bang pinagsasabi nyo? Kung gumagawa lang kayo ng kwento para makalapit sa akin ay makakaalis na kayo.. Pati si Lala--"
Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko ng sumingit sya dahilan para matigil ako.
"Dahil ang alam ko na ginagamit ni Larry na apelyido ay Winson. Hindi ako pwedeng magkamali."
Sumandal ako sa kinauupuan kong recliner at tinignan ko sya ng seryoso.
"Tingin nyo ay may basehan ang haka-haka nyo? Malay nyo magkaapelyido lang sila ng tarantad*ng Larry iyon."
Lumakad sya palapit at may nilapag ito sa desk ko. Kaya kinuha ko iyon. Mga litrato ni Sonata at litrato ng isang babae pa.
"Ano namang ibig sabihin nito?" bagok kong tanong at binitawan ang litrato.
"Tignan mo maigi ang mga larawan." bagok na kinuha ko muli ang mga larawan at tinignan isa-sa. Natigilan ako ng makita ang larawan ni Larry na may kasamang isang batang babae, "Yung nag-iisang larawan ng bata ay si Sonata. At yung larawan ni Larry na may kasamang bata, tignan mo kung si Sonata."
Hindi si Sonata ang bata na kasama ni Larry habang kitang-kita si Larry na masayang kasama ang bata habang may hawak na baril ang bata.
"Yung batang kasama ni Larry ay ang tunay nyang anak kay Rebecca. At si Sonata.."
Hindi ko na sya pinatapos dahil napatayo ako habang nakatingin sa ama ko.
"I-Ibig sabihin ay si Sonata si Lala." bulalas ko.
Ngumiti sya, "Hindi pa sigurado pero kailangan natin na ipa-dna test sya. Ngunit hindi ko alam kung papaano dahil laging nasa tabi ni Sonata ang Senyorito."
Hindi ko mapigilan ang panginginig ko at tuwa. Niluwagan ko ang kurbata na suot ko at muling naupo bago napatingin sa ama ko. Sa muling pagkakataon ay pinasaya nya ako. Akala ko ay wala syang pakialam kay Lala. Pero gumagawa pala sya ng paraan at naunahan pa nya ang private investigator ko.
"Ako nang bahala na kumuha ng dna sample ni Sonata.. Sa ngayon ay kailangan muna nating mag ingat dahil hindi natin alam kung kelan muli manggugulo si Larry."
"Alam ko na hindi pababayaan ni Senyorito si Sonata kaya panatag ako patungkol d'yan. Pero ang inaalala ko ay baka hindi na tayo tanggapin pa ni Sonata."
Nang gabing makilala ko si Sonata bilang girlfriend ni Hammer ay nakita ko na sobrang lamig ng expression nya at para bang kumikilos sya na parang isang robbot. Pero kapag nakakausap ko sya ay alam kong mabait si Sonata.
Napakuyom ako ng kamay dahil tila merong ginawa si Larry kay Sonata kaya ganun ito. Oras na malaman ko ang ginawa ni Larry ay hindi ako titigil hangga't mahanap sya at mapatay. Hay*p sya! Ilang taon nawala sa amin si Lala. At dahil sa kanya kaya nawala si Mama. Pagsisisihan nya ang lahat ng ginawa nya. Sisiguraduhin ko iyon.
-
"Sir, heto ang na-imbestigahan naming patungkol kay Miss Soul Kingston o mas tamang sabihin ay Miss Sonata Winson."
Narito ang private investigator na kinuha ko para makahanap ng impormasyon tungkol kay Sonata.. Tinignan ko ang inabot nito na profile ni Sonata.
"Ayon sa nakausap kong dean ng school na pinasukan ni Miss Winson ay isa itong dean lister at magna c*m laude din ito ng kanilang unibersity. Pero hindi nila alam kung bakit hindi nakaattend ng ceremony si Miss Winson ng araw ng kanyang graduation."
Ganun pala.. Kahanga-hanga ang talino nya.
Tinignan ko ang mga larawan at napakuno't noo ako ng makita ang isang x-ray at larawan ng katawan ni Sonata na puro galos.
"Anong ibig sabihin nito?"
"May nagbigay sa akin na isang lalake.. Hindi ko alam ang pagkakilanlan pero iyan daw ang kuha at resulta ng lahat ng natatanggap na galos ni Miss Winson sa kanyang ama tuwing lalatuguhin o binubugbog ito. May number iyan at napansin nyo yang mula number 14 up to now.."
"Anong ibig sabihin nitong mga numero?"
Mas lalo akong nabahala dahil mga grabe na injury ang nakita ko sa katawan ni Sonata.
"Mula fourteen years old sya ay natamo na nya ang mga ganyang injury dahil sa pananakit ni Mr. Larry Winson."
Para akong hindi makahinga at napakuyom ako ng kamay dahil sa nalaman ko. Kahit hindi pa sigurado na si Sonata ang kapatid ko ay hindi ko mapigilan na maawa sa sinapit nya mula palang ng bata. Hay*p talaga ang Larry'ng iyon! Nagawa nya ang lahat ng ito kay Sonata.
Kaya pala.. Kaya pala ganun ang napansin ko sa katauhan ngayon ni Sonata. Para bang manhid sya at walang pakiramdam kapag tinitignan ko. Ganito pala ang sinapit nya.
Lumunok ako at tumingin sa private investigator ko.
"Sige, maaari mo na akong iwan pati ang mga information na nakuha mo. Ipapakausap ko sa'yo ang secretary ko para pag-usapan ang full payment."
Tumayo ito, "Sige, Sir."
Nang umalis na ito ay tumayo ako at humarap sa glass wall. Niluwagan ko ang kurbata ko at napamewang ako habang hindi ko mapigilan na isipin si Sonata.
Lala, ikaw nga ba iyan? Dahil kapag naiisip ko na ikaw si Sonata ay sobra akong nasasaktan sa sinapit mo. Hindi ko alam na mas malala pa talaga si Larry sa inaasahan ko. Matapos kayong kunin sa amin ni Larry ay isang masakit na pagdurusa lamang ang sasapitin nyo sa kanya.
Pinapangako ko na oras na malaman ko ang katotohanan tungkol sa'yo ay igaganti kita. Hindi ako makakapayag na hindi kita maiganti. Lalo't punong-puno na ako sa hay*p na 'yon!.
Napakuyom ako ng kamay at mula sa aking mga mata ay hindi ko mapigilan na tumulo ang luha ko.
-
Sonata
"Hindi ka makakatakas sa tadhanang ginawa ko sa'yo. Hindi ka magiging masaya.. Hahaha!" ani ng aking ama.
"Humanda ka, dahil ibubunyag ko ang sekreto mo. Akin lang si Hammer. Akin!" ani ni Coleen.
Paulit-ulit ang kanilang sinasabi. Paulit-ulit silang tumatawa habang ako'y paatras para takbuhan sila. Ngunit pakiramdam ko ay nakapako ang mga paa ko sa lupa at hindi ako makaalis para magawang takbuhan sila.
Bigla akong napadilat at napaupo. Habol ko ang hininga ko habang nakatingin sa kawalan. Napahawak ako sa dibdib ko at pumikit para pakalmahin ang puso ko.
"Babe, what happen?"
Nagising si Hammer at bumangon mula sa pagkakahiga. Agad na hinawakan nya ako.
"Bad dreams." aniya kaya tumango ako. Napahinga sya ng malalim at binuhay ang buong ilaw, "Ikukuha kita ng tubig.. Wag mo nang isipin iyon dahil hindi totoo ang lahat ng panaginip." dagdag pa nya at bumangon sa kama.
Napapikit ako at napasandal sa head board ng kama. Hanggang ngayon ay narito pa sa isip ko ang lahat. Malinaw na malinaw ang bawat panaginip ko. Pakiramdam ko ay totoo sya.
Bakit sabay kong nakita sa panaginip ko si Papa at Coleen? Bakit sila ang napanaginipan ko?
Ganito na ba talaga ako hinahabol ng konsensya ko dahil sa sekreto ko. Bakit hindi nalang nila ako patahimikin? Ayoko nang bumalik pa kay Papa. Gusto kong manatili lamang kay Hammer. Gusto kong magpatuloy sa buhay pero magagawa ko lamang iyon kung may mawawala. At ayoko. Ayokong isakripsyo ang bata.. Ngayon ko na nga lang nakita ang tamang landas para sa akin pero hindi din ako magtatagal na tahakin iyon ng pang matagalan.
Napapunas ako ng luha at dumilat. Napatingin ako kay Hammer na lumapit habang may dalang inumin. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya.
"Inumin mo ito para--"
Natigil sya sa pagsasalita ng bigla ko syang yakapin. Mahigpit na mahigpit at halos ayoko na syang bitawan.
"Why?" aniya.
"Wala.. Nasabi ko na ba sa'yo na mahal na mahal kita." sabi ko.
"Bakit tila bigla kang lumambing, ha?" aniya at niyakap ako pabalik.
Tumingin ako sa kanya at hinawakan ko sya mukha bago hinaplos habang kinakabisado ko ang bawat detalye sa kanyang mukha.
"Napagtanto ko lang na napakaswerte ko sa'yo."
Napangiti sya, "Mabuti naman at alam mo."
Napangiti ako at dinampian ko ang labi nya ng isang halik habang haplos ko ang mukha nya.
"Hammer, I need--"
Hindi pa ako tapos magsalita ng sakupin nya ang labi ko. Kaya tuloy ay napasabay nalang ako sa labi nya.
"Hindi ka na pwede kaya hahalikan nalang kita.. Baka mamaya ay bitinin mo na naman ako." aniya sa pagitan ng labi namin.
Tinignan ko sya sa mga mata at naisip ko na ang inaakala pala nya na sasabihin ko ay kailangan ko sya sa kama. Gusto kong matawa dahil halatang bitin na bitin parin sya.
"Totoo bang ayaw mo?" tanong ko dahil kung nais nya ay pagbibigyan ko sya. Siguro ay hindi naman ako susumpungin ngayon.
"Babe, don't push me." aniya at nilapag ang baso sa side table bago nahiga.
Alam ko na nais nya kaya hinawakan ko ang dulo ng night dress na suot ko at hinubad. Napalunok sya at nagulat sa ginawa ko. Ngumiti ako at hinubad ng panty ko. Pagkatapos ay humawak ako sa dibdib nya para haplusin bago ako naupo sa ibabaw nya.
"Hayaan mong paligayahin kita." sabi ko at binaba ko ang mukha ko sa mukha nya.
"Sigurado ka ba? Baka magsisi ka?" tanong nya.
Ngumiti ako ng mapang-akit, "Basta ako na ang bahala." sabi ko at hinalikan sya.
Agad na tumugon sya na may pananabik kaya pumikit ako habang mainit na nagpapalitan kami ng halik. Humawak sya sa bewang at braso ko tila hindi mapigilan ang kanyang pananabik.
Bumitaw ako sa labi nya at bumaba ang labi ko sa leeg nya. Hinaplos ko ang dibdib nya habang wala syang saplot sa pang itaas. Pagkatapos kong halikan ang leeg nya ay bumaba ako sa dibdib nya habang haplos ko naman ang tiyan nya na puno ng abs.
Pero napatigil lang ako ng pigilan nya ako. Hinapit nya ako sa bewang at pinagpalit nya ang posisyon namin.
"Why?" tanong ko habang nakatitig sa kanya.
"Iba ka sa mga babae.. Nirerespeto at mahal kita kaya ayokong gawin mo iyon." aniya at hinalikan ang leeg ko.
Napahawak ako sa ulo at balikat nya habang lumalandas ang kanyang labi sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Hindi ko mapigilan na mapaungol sa bawat paghalik nya sa maselang na bahagi ng aking katawan.
Tinignan ko sya na binaba ang suot nyang sweat pants. Humawak ako sa leeg at balikat nya ng halikan nya ako sa labi. Hayok na hayok sya sa paghalik.
"I love you so much." aniya na saglit binitawan ang labi ko.
Nagkatitigan kami at ngumiti ako.
"I love you, too."
Ngumiti sya at muling sinakop ang labi ko kasabay ng marahan nyang pagpasok.
-
"Thank you, babe." bulong nya habang nakayakap sa akin mula sa likod ko ng matapos kami sa aming pagtatalik.
Hinawakan ko ang kamay nya na nasa tiyan ko. Pinagsiklop nya ang aming kamay at ramdam ko ang paghalik nya sa ulo ko. Matagal na natahimik ako tsaka ako nagsalita.
"Hammer, may gusto akong sabihin sa'yo." sabi ko.
Hindi sya umimik kaya nilingon ko sya. Napahinga ako ng malalim ng makatulog sya habang nakayakap sa akin. Kung kelan na handa na akong sabihin sa kanya ang lahat ay tsaka naman nya ako tinulugan.
Tinignan ko ang kamay namin at kita ko rin ang singsing na sinuot nya sa akin nung nakaraan mga buwan. Alam ko na hinahanda na nya ang kasal namin pagkatapos kong manganak. Pero baka hindi na ako umabot at masayang lang ang effort nya.
Napakaganda ng singsing at tila nag-effort talaga sya na bilhin ito. Nang subukan kong hubarin ay ayaw na mahubad dahil mas lalo lamang humihigpit kapag ginagawa ko iyon.
Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil mula nang mamatay si Mama ay ngayon lang muli ako nakaramdam ng pagmamahal. At sa piling ni Hammer ako masaya ngayon.
Pumikit ako para matulog na pero muli ay naalala ko ang naging panaginip ko. Humigpit ang yakap ni Hammer sa akin kaya napadilat ako.
"Wag mo nang isipin iyon." aniya na halos pabulong.
Nilingon ko sya pero tila kahit antok na antok sya ay naramdaman nya na nabalisa ako. Tumango ako at hindi na inisip iyon hanggang sa makatulog na rin ako.
-
Kinabukasan ay nagising ako na mataas na ang araw. Nilingon ko si Hammer na gising na rin at nag-unat ng braso.
"Good morning, babe." aniya at hinalikan ako sa labi.
"Anong oras na? Wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ko at bumangon ako.
"Nakalimutan mo na ba na ngayon ka susukatan ng gown." aniya.
Tinignan ko sya habang hinahagod ko ang buhok ko.
"Bakit ngayon? Kita mo naman na malaki ang tiyan ko, tingin mo ay kakasya sa akin iyon kapag nakapanganak na ako."
Ngumisi sya at hinawakan ang kamay ko bago nya dalhin sa labi nya.
"Nagbago na ang isip ko. Gusto na kitang pakasalan ngayong buwan na ito."
"A-Ano?" parang hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Pero hindi ko mapigilan na mapangiti dahil kagabi ay iniisip ko palang na baka hindi na umabot pero ngayon ay sinasabi nya na this month ay magpapakasal na kami, "Talaga?" ulit ko habang nakangiti.
"Yes. Because I can't wait to marry you."
Dahil sa sinabi nya ay hindi ko mapigilan na yakapin sya. Natawa pa ako ng makita na halos manginig ng mga kamay ko sa tuwa.
"Sige, gusto kong magpakasal agad tayo." sabi ko.
"Good. Then let's shower together." aniya at binuhat ako.
Tinignan ko sya at napangiti ako na hinalikan sya sa labi ng isang beses.
"Thank you, Hammer."
"You're welcome, babe."
Hindi ko matanto kung bakit nagbago bigla ang isip ni Hammer. Pero kung ano man ang dahilan ay natutuwa ako dahil hindi pa huli ang lahat para maranasan ko ang makasal..
Naligo kami at nagbihis pagkatapos. Hawak nya ako sa bewang para alalayan sa paglalakad palabas ng condo. Nakita ko ang kotse nyang si Sexy. Sumakay na kami doon at agad nyang pinasibat ang kotse paalis sa building ng condo.
"Good morning, Boss. Holding hands while driving." bati ni Sexy.
"Shut up." utos ni Hammer.
"Wag." pigil ko habang nakangiti, "Hayaan mo syang mag salita."
"Tsk." asik nya kaya ngumiti lang ako habang nakatingin sa lumabas na imahe ng babae na syang nagsasalita.
"Hi, Sexy. Can you please turn on the music for me." sabi ko dahil sinusubukan ko lang kung kaya din nito.
Hindi nagsalita ito kaya tumingin ako kay Hammer na ngumisi.
"Bakit ayaw?"
Natawa sya, "Dahil ako lang ang boss nya. Ako lang ang pinapakinggan nya."
Napasimangot ako dahil sa kanya lang pala susunod si Sexy.
"Alright. Sexy, from now on she's your boss also." Aniya at may pinindot sya.
"Yes, Boss."
Tumingin sa akin si Hammer, "You can try her now."
"Talaga?"
"Yeah." tumango sya.
Ngumiti naman ako at sinubukan muli ang sinabi ko. At ngayon nga ay sinunod ako ni Sexy ng may tumugtog na magaan na kanta.
"Thanks, Sexy." sabi ko.
"You're welcome, Miss Boss."
Natuwa naman ako dahil sumasagot na ito sa akin. Pakiramdam ko ay naging bata ako na natuwa sa isang laruan.
"Satisfied?"
Tumingin ako kay Hammer at tumango ako sa kanya.
"Yes. Pero curious lang ako... May katulad pa ba nang ganitong sasakyan?"
"Wala sa ibang tao o ano mang car company. Dahil ginawa lang itong mga kotse para sa mga Esteban. Ang meron palang ganito ay si Lolo, Si Tito Gab, Dad, Greyson, at si Edward."
"Eh, yung isa pang kakambal nyo na si Jace?"
"Wala, dahil hindi naman sya sumali sa mafia. At nasa ibang bansa ang utol ko kaya hindi nya kailangan ng ganito."
Napatango naman ako, "Sino naman ang gumagawa ng ganitong car?" tanong ko.
Ngumisi sya, "Babe, kung ano man ang pinaplano mo ay hindi kita hahayaan na magkaroon ng ganito."
Matalim na tinignan ko sya, "Bakit sinabi ko ba na gusto ko? Tsk."
"Hindi naman, pero kung nais mo ang ganito ay hindi na pwede, dahil hindi kita papayagan. Ang magkaroon ng ganito ay ibig sabihin lang ay panganib." aniya.
Natigilan naman ako at tinignan sya na sumeryoso sa pagmamaneho.
"Kung gano'n ay hindi ko na gusto. Itong sasakyan mo lang ang gusto ko."
Tumingin sya sa akin, "Very good. Don't worry kung ano ang akin ay sa'yo na rin."
Napangiti naman ako sa sinabi nya. Talagang sinabi nya iyon na walang pag-aalinlangan. Tumingin ako sa labas ng bintana at napansin ko na narito kami sa isang sikat na botique na pag mamay-ari ng sikat na filipino international designer..
Hininto nya ang sasakyan sa harap ng botique at bumaba na kami.
"Michael Cinco." sabi ko.
"Yeah. I talk to him about your gown. Ayos na, ikaw nalang ang hinihintay nya."
Napahinga ako ng malalim at tumango dahil wala na akong magagawa kung nakipagdeal na sya. Ang iniisip ko lang ay wala akong maiimbag kay Hammer sa kasal namin.
Dati ay hindi ko naisip na mag ipon dahil ang ibang nakukuha namin sa mga mayayamang negosyanteng na natatarget namin ay nauuwi lang din kay Papa lahat. Binibigyan nya lang ako ng pera kapag magsisimula lang ako sa misyon ko.
Pumasok kami sa sosyal at magandang botique ni Michael Cinco na malaki. Agad na sinalubong kami ng mga staff. Nagkakilala kami ni Michael Cinco at pinag-usapan ang tungkol sa gusto kong design sa mga gawa nya. At nang makapagdecide ako ay sinukatan na nya ako.
Nang matapos kami doon ay umalis na kami ni Hammer para kumain. Sa isang mamahaling restaurant.
"Hammer, banyo lang ako." sabi ko sa kanya habang nakaupo na kami sa isang table.
"Samahan na kita." aniya at ambang tatayo na.
"Wag na. Kaya ko naman. Umorder ka na nang kakainin natin para pagbalik ko ay ma-serve agad nila."
"Okay, but be careful." bilin nya.
Ngumiti ako at tumango. Kinuha ko ang bag na dala ko at tumayo na ako para magtungo sa banyo ng restaurant. Walang masyadong gumagamit kaya mag-isa ako. Pagkatapos kong gumamit ay naghugas at sabon ako ng kamay habang nakatingin sa salamin. Kita rito ang bilis na paglaki ng tiyan ko. At iba na rin ang porma ng katawan ko.
Nagpunas ako ng kamay at umalis na sa harap ng salamin. Lumabas na ako ng banyo pero hindi ko inaasahan kung sino ang makakasalubong ko.
"Leon."
"Sonata, right?" aniya.
Tumango ako, "Yeah. Excuse me."
Aalis na sana ako ng pigilan nya ako sa braso. Napatingin ako sa kanya at nakatingin sya sa buhok ko.
"Sandali, may dumi ka sa buhok."
Humawak sya sa buhok at inalis ang nakikita nya daw na dumi. Matagal nyang pinagpag ang buhok kaya nagtaka ako at lumayo sa kanya bago ko sya tinignan.
"It's okay. Thank you. Sige, maiwan na kita."
Tumalikod na ako habang hindi ko maunawaan ang nakikita sa reaksyon nya. Nakangiti na parang may pangungulila sa mga mata nya na hindi ko malaman ang dahilan.
Pagbalik ko ng table namin ay napatingin ako kay Hammer na ngumiti sa akin.
"Leon is here, right?" Tanong nya.
Nagtaka naman ako kung paano nya nalaman.
"Paano mo nalaman?"
"Because her secretary is here." may nginuso sya at napatingin ako doon. Nakita ko ang isang babae na may suot na salamin habang palinga-linga tila may hinahanap.
At nakita ko na tumigil na sa paghahanap ang babae ng lumapit si Leon. Napatingin sa gawin namin si Leon at tsaka nya inaya ang babae na umalis.
"Nilapitan ka ba nya?"
Tumingin ako kay Hammer at parang kalmado lang sya. Pero naalala ko ang huling nangyari ng malaman nyang madikit lang sa akin si Leon.
"Hindi." pagsisinungaling ko.
Hindi na sya umimik ng dumating na inorder nya.
-
Leon
Napatingin ako sa buhok na nakuha ko kay Sonata na nilagay ko sa isang sealed bag. Hindi ko akalain na madali ko lang itong makukuha.
"Sir, ang babae ba sa kabilang table ang kapatid nyo?"
Tumingin ako sa daan habang nagmamameho.
"I'm not sure yet, but in my heart she's my little sister."
"Grabe, ang ganda nya at para ngang may pagkakahawig kayo."
Napangiti ako at tumingin kay Hershey.
"Talaga?"
Tumango sya at yumuko, "Yes, Sir." biglang nahiyang tugon nya.
Natawa ako at muling tumingin sa daan. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang kilala kong gene expert.
"I have a favor. Let's meet up today."
Nang matapos kong masabi ang kailangan ko ay binaba ko na ang tawag at muling tumingin sa buhok ni Sonata.
Hindi rin magtatagal ay malalaman ko ang totoo. At oras na mangyari iyon ay hindi na kita pababayaan, Lala.
© MinieMendz