KABANATA 15

3458 Words
Sonata Hindi mawala sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Martin Hidalgo na kahawig ko ang nawawala nyang anak. Kaya hindi rin tuloy ako nakatulog ng maayos kagabi pagkauwi namin. Bumaling ako kay Hammer na sarap na sarap parin sa pagtulog. Bumaling ako ng higa patagilid para makaharap sya ng tuluyan. Tinignan ko sya at kahit saan mo anggulo sya tignan ay napakakisig nya. Natigil lang ako ng dumilat sya at tinignan ako. "Pinagnanasahan mo ako kahit tulog, ha." Bigla namang nag-init ang ulo ko. "Hindi. Pinagpaplanuhan ko kung paano kita ililibing ng buhay." Bumangon na ako habang sya ay tumawa ng mapang-asar. "Hindi ka na mabiro, Babe." aniya at bumangon rin bago ako yakapin at halikan sa pisngi. "Bitawan mo nga ako, magbabanyo ako." "Samahan na kita." aniya. "Hindi na. Ipagtimpla mo na ako ng gatas." Umalis na ako ng kama ng maalis ko ang yakap nya. Inayos ko ang suot kong silk night dress dahil makitaan pa ako ng manyak na si Hammer. Hindi na nga ako ang nasusunod sa mga naisusuot ko. Dahil pati sa suot ko ay pinakialaman na nya. Habang tumatagal ay mas lalong lumalala ang pagbabago ni Hammer na mas nakakaasar. Pero naisip ko na baka masyado lang talaga syang over protective sa pinagbubuntis ko. Masaya ako na makitang ganyan na si Hammer sa magiging anak namin. At least alam kong aalagaan nya ng mabuti. Nang magawa ko ang morning ritual ko ay nagtungo ako sa walking closet para magpalit ng damit. Napansin ko na wala na pala akong masyadong isusuot para bukas. "Hammer, may pasok ka ba sa hospital ngayon?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya na nakaupo sa sofa habang humihigop ng kape. "Yes, why?" Napahinga ako ng malalim dahil kailangan kong maglaba ngayon. Kahit na pinapalaba ni Hammer sa laundry department ang mga damit nya ay hindi ko hinahayaan na iba naman ang maglaba nang sa akin. "Wala.." Kinuha ko ang gatas at ininom. May healthy bread din na ginawa nya kaya kumuha ako at kumagat. "Wag kang mag-alala, uuwi din agad ako. Sasaglit lang ako sa hospital." aniya kaya tumingin ako sa kanya. "Wag na.. Hindi ba nakakasira sa hospital nyo ang palagi mong pagliban at sandali na pananatili lamang sa trabaho mo?" Ngumiti sya at binaba ang tasa ng kape bago sya umusog palapit sa akin at dumikit na naman. "Ako ang director kaya kahit na lumiban ako o sandali lang doon ay kaya kong patakbuhin ang hospital kahit nasa bahay ako. Tsaka alam naman ni Lolo na buntis ka kaya walang kaso iyon." "Ano namang kinalaman ng pinagbubuntis ko? Tsaka hindi pa naman ako masyadong hirap." Hinaplos nya ang tiyan ko at hinalikan nya ang expose kong balikat. "Babe, maigi nang parati akong nasa tabi mo. Kesa naman wala ako kapag oras na may mangyari sa'yo? Naturingan pa naman akong doctor tapos hindi naman kita kayang alagaan." Hindi ako nakaimik sa sinabi nya. Sumaya ang pakiramdam ko dahil sa sinabi nya. Hinawakan ko ang kamay nya na nasa tiyan ko. "Salamat." Ngumiti sya at hinawakan nya rin ang kamay ko kaya magkasiklop ang kamay namin. "Hindi ko alam pero kinakabahan ako tuwing magpapasalamat ka." "Bakit naman?" bagok kong tanong dahil tiyak na puro kalokohan na naman ang nasa isip nya. "Wala.. Sanay kasi akong sadista kang magsalita." "Ah, ganun." siniko ko sya kaya natawa sya. Napailing ako at uminom muli ng gatas habang hawak-hawak nya ang isang kamay ko. "Babe.." napatingin ako sa kanya mula sa pag-inom ng gatas. Pero nabigla ako ng sakupin nya ang labi ko ng halik. Pero agad din akong nakahuma at tumugon sa halik nya. Ramdam ko ang pagngiti nya kaya ngumiti rin ako. Kinuha nya sa akin ang baso at bumitaw sya ng halik para ibaba sa lamesa ang baso. Hinarap nya ako ng maigi sa kanya at muling hinalikan kaya napahawak ako sa leeg nya. Napahiga ako sa sofa habang sya ay nasa ibabaw ko pero hindi naman nya binibigay ang buong bigat nya. Mas lumalim ang paghalik nya habang humahaplos ang mga kamay nya sa katawan ko. Humugot ako ng hangin ng bitawan nya ang labi ko at bumaba ang labi nya sa leeg ko. Napahaplos ako sa buhok nya habang nagbibigay ng kakaibang kiliti ang paghalik nya. "Hammer, wala na akong isusuot.." pinigil ko sya pero huli na dahil sinira na naman nya ang suot kong pang-itaas. Hindi ko alam kung bakit trip nyang sinisira ang damit ko kapag atat na atat sya. "Isuot mo muna ang damit ko." tugon nya at hayok na hinalikan ang dibdib ko ng hawiin nya ang bra kong suot. Napahinga ako ng malalim at hinaplos ang likod nya habang hindi ko mapigilan na mapahalinghing. Pagkatapos nyang magsawa sa dibdib ko ay tinaas nya ang palda na suot ko. Napahawak ako sa ulo nya at mas lalong hindi ko mapigilan ang kiliti ng magpakasasa sya sa pagitan ng hita ko. "Hammer, we need to stop." sabi ko dahil inaalala ko ang maging kalalabasan nito. "Bakit? Pwede pa naman." Tumigil lang sya para hubarin ang suot nyang boxer short. Muli nya akong pinaibabawan at ngumiti sya bago ako muling halikan. "Uhhhmmp!" napaungol ako sa pagitan ng aming labi ng maramdaman ko sya. "Damn. You're still tight." aniya ng bumitaw sya ng halik at humawak sya sa bewang ko bago sya gumawa ng moves. "Malamang ikaw palang ang umaangkin sa akin. Kung may iba pa siguro baka--" "Talagang ginagalit mo ako." aniya ng mariin. Hindi na ako nakapagsalita ng puno ng diin syang gumalaw. Napakapit ako sa sofa habang pinapakalma ang nararamdaman ko. Napadilat ako ng bigla akong hatakin ni Hammer habang yakap para mapaupo sa kanya. Napatingin ako sa kanya at nakatingin rin sya sa akin. "Bakit namumutla ka?" tanong nya at hinawakan nya ako sa braso. "Wala ito.. Basta ganito nalang tayo.." sabi ko at sumubsob ako sa leeg nya. Lihim na pinakalma ko ang dibdib ko habang nakayakap ako sa leeg nya. "Sabihin mo, masama ba pakiramdam mo?" tanong nya. Kapag sinabi ko ay tiyak na malalaman nya. Umiling ako. "Hindi. Baka hindi ko na kayang makipagtalik sa'yo." Napahinga sya ng malalim at hinaplos ang likod. "I'm sorry, it's my fault." aniya at inangat ako para alisin ang pagkalalake nya sa akin. "Pasensya na.." sabi ko at napapikit ako ng mariin. "Magbihis ka na at magpahinga." Tumango ako at umalis ng yakap sa kanya. Umalis sya sa pagkakaupo sa kanya kaya sinuot nya muli ang boxer nya. Sinuot ko naman ang panty ko at inayos ang bra ko. Ang sira kong t-shirt ay hindi ko na sinuot. Inalalayan nya ako sa pagtungo sa kwarto at sya na ang kumuha ng damit ko. "Oo nga wala ka na palang isusuot." Aniya at binigay sa akin ang maluwang na damit ko. "Hindi na kasi ako nakapaglaba." "Ipapalaba ko sa laundry department." aniya. "Wag. Ayokong may ibang gumagalaw ng damit ko." Nahiga ako dahil nakakaramdam ako ng pananakit ng dibdib ko. Pumikit ako habang pinapawi ang nararamdaman kong sakit. "Tatawagan ko ang doctora mo. Baka naapektuhan ang baby natin kaya ka namumutla." "Wag.. Magpapahinga nalang ako." sabi ko habang unti-unti akong nanghihina. - Hammer Tinignan ko si Soul habang hindi ko mapigilan na mapaisip. Tuwing may mangyayari sa amin ay pansin ko ang kakaiba nyang kinikilos. Iniisip ko na baka dahil sa pinagbubuntis nya. Wala namang ibang sinasabi ang doctora nya kundi maayos sya. Pero may iba akong kutob na may tinatago sya sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit hindi naman dumadating sa akin ang iniwan na result ni Doctor Pariñas sa check-up ni Soul. Hindi ko ma-contact si Doctor Pariñas dahil walang signal sa pinuntahan nito. Naupo ako sa tabi ni Soul at kinapa ang pulso nya. Mahina ang pulso nya pero agad ding bumibilis. Tinignan ko ang mukha nya na namumutla. "A-Ayos lang ako, Hammer.." aniya. Napahinga ako ng malalim dahil akala ko ay tulog na talaga sya. Ngumiti ako at hinalikan sya sa noo. "Alright. Sleep tight, babe. Hindi na muna ako aalis." "Hmm.." tugon nya at pinanood ko sya na lumalim na ang paghinga hudyat na tuluyan syang nakatulog. Baka naman nagkakamali lang ako. Sana nga, dahil hindi ko matatanggap oras na meron na pala syang ibang dinaramdam na hindi ko nalalaman. Tumayo na ako at tumingin sa basket na pinaglalagyan ng damit nya. Napahinga ako ng malalim at lumapit doon. Binuhat ko ang basket at lumabas ako ng kwarto. Tinungo ko ang laundry room at nilapag sa labo ang basket. Isa-isa kong inalis sa basket ang mga damit nya. Napangisi ako ng mahawakan ang panty at bra. Inamoy ko ito at napangiti ako dahil mabango parin kahit pinaghubaran na nya. Damn. Hanggang ngayon ay bitin na bitin parin ako. Pero wala na akong magagawa dahil tila kailangan ko nang magtiis hanggang mapanganak sya. Kinuha ko ang sabon at binasa ko ang instruksyon kung paano ito lalabhan. Madali lang pala. Kaya binabad ko sa sabon na may tubig ang mga damit nya. - Edward Nag-doorbell ako sa pinto ng condo unit ni Hammer. Pero hindi naman ako pinagbubuksan ng loko. Kaya naman kinuha ko ang phone ko at tinapat sa passcode ng pinto nya. Napangisi ako ng bumukas ang pinto kaya tinulak ko ito at pumasok ako. Nilibot ko ang tingin at walang tao sa living room. Napatingin ako sa damit na pambabae sa sahig sa tabi ng sofa. Sira ito kaya napangisi ako dahil tila niyayari ng kapatid ko si Soul. "Wrong timing pala ang punta ko." sabi ko at aalis na sana ako ng makarinig ng kalabog sa isang room. Lalo akong napangisi dahil tila enjoy na enjoy ang dalawa. Silipin ko kaya? Lumapit ako sa naririnig kong ingay mula sa room na iyon. Tinapat ko ang tenga ko sa pinto pero nabigla ako ng bumukas iyon. "Oh, bro." nagulat ako ng bumungad ang kapatid ko. Pero hindi ko inaasahan ang masasaksihan kong hawak-hawak at itsura nya. "Don't laugh, asshole." asik nya agad ng ambang mapapahalakhak ako. "Damn, Bro, what happen to you? Kelan ka pa natutong maglaba?" natatawa kong tanong at sinundan sya habang dala-dala ang basket na may lamang nilaban na tiyo na. "Ano bang ginagawa mo rito?" imbes na sagutin ako ay iniba nya ang sinabi kaya lalo akong napangisi. "Wala, namiss lang kita." sabi ko at humalukipkip habang nakasandal sa pader. Habang sya ay hindi ako makapaniwala na sinasampay ang damit ni Sonata rito sa labas ng veranda nya. "Tsk. Umalis ka na nga at istorbo ka lang." Tignan mo ito. Pikon agad. Ngumisi ako dahil tila patay na patay talaga ang kapatid ko kay Sonata. "Kamusta si Buntis? Tila lalo mo pang binubuntis, ah." Ngumisi sya. Kahit na magkaiba kami ng personality ay pareho lang ang likaw ng bituka namin. "Nagpapahinga.." aniya. "Bakit, pinagod mo agad?" "Hindi nga natuloy dahil tila hindi na mabuti sa kanya ang pakipags*x. Namumutla sya agad." Natawa ako, "Poor you, Bro. Tila maaga kang matetengga." Sinamaan nya ako ng tingin kaya lalo akong napangisi. "f**k you. Umalis ka na nga." pagtataboy nya. "Dito muna ako." sabi ko at naglabas ng sigarilyo. Nabigla naman ako ng agawin nya ang sigarilyo sa akin. "Bawal ang manigarilyo, Ed. Bawal kay Soul." Sinundan ko sya ng tingin na pumasok muli para bumalik sa labahan nya. Hindi ako makapaniwala at napangiti ako. Napailing ako at napahinga ng malalim. Hay, boring naman. Makaalis na nga. Pati si Jace ganun din. - Hammer Narinig ko ang pagsara ng pinto kaya alam kong umalis agad si Edward. Hindi ko sya masisisi kung mabigla sya. Si Edward ang mas pilyo sa aming tatlo. Pero hindi naman dating ganun si Edward ng mga bata kami. Siguro ay dahil na-impluwensyahan lang. Napukaw lamang ako mula sa pagtingin sa umiikot na nalabhan na damit na sinalang ko sa dryer para matiyo ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot ang tawag nang hindi tinitignan ang tumatawag. (Director?) Si Coleen. "Napatawag ka?" tugon ko at ni-loudspeaker ko bago ibaba sa lababo ang cellphone at hinarap ko ang damit na mga natiyo na. (Director, may importante akong sasabihin, maaari ka bang pumunta sa bahay ko?) "I'm busy. Bye." Papatayin ko na dapat ang tawag nang mapatigil ako sa sinabi nya. (About ito kay Sonata.) Napatigil naman ako sa pagkuha ng damit sa dryer. "What is it?" (Mabuting pumunta nalang kayo rito sa bahay ko at dito ko sasabihin.) Napahinga ako ng malalim, "Siguraduhin mong importante iyan, dahil oras na sinasayang mo lang ang oras ko ay sisiguraduhin kong aalisin kita sa hospital." Tumawa sya, (Of course, Director. Sisiguraduhin kong importante ito.) Binaba ko na ang tawag at tumingin ako sa nilalabhan ko. Kinuha ko na ito para isampay at para makaalis saglit habang tulog pa si Soul. - Umalis na ako ng bahay dala ang kotse ko. Pinaiwan ko sila Theo sa pad para magbantay kay Soul. "Sexy, locate Coleen's house." sabi ko sa apps voice ng sasakyan ko. "Victoria Homes **** subdivision." tugon nito. "Thanks, Sexy." "You're welcome, Boss." Pinasibat ko na ang kotse habang iniisip kung bakit ba ako nagpadala sa isang katulad ni Coleen. Pero dahil tungkol kay Soul kaya kahit na alam kong maaaring isang kalokohan lamang na puntahan si Coleen ay nagawa ko dahil may nais akong malaman sa nalalaman nya tungkol kay Soul. Pagdating ko sa isang puting kulay na bahay ay hininto ko na ang kotse. Bumaba ako at napatingin kay Coleen na nakangiti na lumabas ng bahay. Sa tabas ng kanyang suot ay hindi talaga mapipigilan na mapatingin dahil para syang nang aakit. "Sabihin mo na ang nalalaman mo.." "Pumasok muna tayo." aya nya habang nakangiti. "Bakit hindi mo nalang sabihin dito ngayon?" Lalo syang napangiti, "Pumasok kayo, Director, kung nais nyong malaman." Tumalikod na sya kaya napailing ako. Pinindot ko ang susi para i-lock ang kotse. Sumunod ako sa kanya habang nakapamulsa. Pagpasok ko ay bumungad ang maayos at malinis na sala. "Maupo ka muna." aniya. Lumapit ako sa upuan at naupo. Tinignan ko sya na naupo na rin at nagsalin ng wine sa dalawang baso. "Anong sasabihin mo tungkol kay Soul?" Inabot nya ang isang baso ng wine kaya kinuha ko. Uminom muna sya habang nakangiti na nakatingin sa akin. "Wala ba kayong napapansin sa kanya?" Tinignan ko sya at napaisip sa sinabi nya. Uminom ako ng wine. "Hindi ba kakaiba ang kinikilos nya?" tanong nyang muli. "Bakit mo tinatanong?" Ngumiti sya, "Dahil napapansin ko iyon." Natigilan ako at napahilot ako sa sentido ko ng biglang sumakit ang ulo ko. Tumingin ako ng masama kay Coleen pero ang nakikita ko ay si Soul. "Babe.." Ngumiti sya at tumayo bago lumapit sa akin. Nilapit nya ang mukha sa akin at hinaplos ang mukha ko. "Mahal na mahal talaga kita, Hammer ko." aniya at unti-unting lumapit pa ang mukha nya. - Sonata Nanghihina na bumangon ako sa kama at napatingin sa paligid. Tahimik at tila wala ata sa bahay si Hammer. Anong oras na ba? Tumingin ako sa wall clock at nakita ko na alas syete na pala. Napakatagal ko palang nakatulog. Kahit nanghihina ay pinilit kong bumangon. Lumabas ako ng kwarto at wala ring sign na nasa sala si Hammer. "Hammer?" tawag ko. Napatingin ako sa bumukas na pinto at nakita ko si Theo na tauhan ni Hammer. "Anong ginagawa mo rito? Nasaan si Hammer?" "Wala pa nga si Boss, Miss. Kanina pa umalis si Boss pero hindi pa bumabalik." Bigla ay nagtaka naman ako. Tsaka sabi nya ay sandali lang sya sa hospital. "Tawagan nyo kaya baka nasa hospital pa at may ginagawa." Umiling ito, "Kanina parin namin tinatawagan pero hindi namin ma-contact." Ngayon ay nagkaroon ako ng pag-aalala para kay Hammer. Tumingin ako kay Theo. "Samahan nyo ako sa hospital. Baka naroroon lang sya." "Hindi maaari, Miss. Kabilin-bilinan ni Boss na dito lang kayo at wag palalabasin." Sinamaan ko naman ito ng tingin dahil sa sinabi nito. "Mahalaga pa ba iyon? Kung ang boss nyo nga ay hindi nyo malaman kung nasaan, 'di ba dapat na kayong mag-alala?" "Alam namin iyon, Miss. Pero kilala namin si Boss. Hindi pa naman lumilipas ang isang araw kaya hindi pa nya kailangan ng tulong namin. Kung lumipas ang magdamag at wala pa sya ay ita-track na namin si Sexy. Pero hangga't hindi pa lumilipas ang magdamag ay kailangan natin na umaktong normal at hintayin na makabalik si Boss." Hindi ko alam kung dapat ba akong mapakampante. Kahit na alam kong Esteban si Hammer at hindi kailanman sya mapapahamak ng husto ay tingin ko dapat parin na mag-alala dahil hindi naman sya makapangyarihan para hindi mamamatay kung nasa panganib man ang buhay nya. Naupo ako sa sofa dahil mas lalo akong hindi mapakali kapag nakatayo. Napatingin ako sa veranda at napakuno't noo ako ng may kakaiba akong nakita. Tumayo muli ako at lumapit doon. Napamaang ako ng bumungad sa akin ang tila mga tiyo nang bagong labang damit ko at underwear. Sya ba naglaba nito? Lumapit ako sa mga damit at hindi ako makapaniwala na nakaya nya itong labhan na ganito kabango at kalinis. Hindi ko naman sinabi sa kanya na labhan nya pero nagkusa sya. Tuloy mas lalo akong nag-alala sa kanya. Saan naman kaya nagsusuot iyon? Parang nakakapanibago na ang tagal nyang makabalik rito. "Theo.." Agad na napalingon ako at mabilis na umalis sa veranda ng makita ang isa pang tauhan ni Hammer na si Frank. Nakita kong may binulong ito kay Theo. "Anong balita kay Hammer?" tanong ko kaya napatingin sa akin ang dalawa. "Natagpuan na namin sya at nasa bahay sya ni Coleen Atienza." Bigla ay nagsalubong ang kilay ko sa narinig ko. Anong ginagawa ni Hammer sa bahay ni head nurse Coleen? "Samahan nyo ako doon. Gusto kong malaman kung bakit nagpunta si Hammer doon." Hindi ko mapigilan na kabahan at manginig.. Imposible kayang may sinabi na si Coleen kay Hammer? Sinabi na ba nya ang sekreto ko? Hindi ako mapakali kaya hangga't hindi ko nalalaman ay hindi mawawala ang kaba ko. Napahawak ako sa dibdib ko at napakuyom ako ng kamay. "Ayos lang kayo, Miss?" tanong ni Frank habang lulan na kami ng sasakyan at sya ang driver. Nakatingin sya sa akin mula sa rear mirror. "Oo, wag mo na akong intindihin. Malapit na ba tayo?" "Malayo pa.." Tumango ako at tumingin sa labas ng bintana. Kung ano man ang mangyari ngayon ay kailangan kong maghanda. Dahil kung malaman man ngayon ni Hammer ang sekreto ko ay tiyak akong matindi ang galit nya. - Pagdating namin sa isang subdivision ay hininto na ni Frank ang kotse. Agad na bumaba ako at nakita ko ang kotse ni Hammer na nakaparada sa unahan. Narito nga sya. Tumingin ako sa loob ng bahay at hindi ko na hinintay pa sila Theo at agad na sumugod ako. Pagkalapit sa pinto ay napatingin ako rito. Hinawakan ko ang seradura at nagulat ako na bukas. Kaya tuluyan kong tinulak ang pinto. Madilim at patay ang mga ilaw. Tuluyan akong pumasok at maingat na humakbang. Pero nabigla ako ng may magtakip ng bibig ko habang sakal nya ang leeg ko gamit ang braso nya. "Sino ka?" "Hammer." sabi ko na hindi malinaw dahil sa pagkakatakip nya sa bibig ko. "Soul." aniya at inalis ang mga kamay sa pagkakatakip sa bibig ko at pagkakasakal sa leeg ko. Umalis sya sa tabi ko at binuhay ang ilaw. Tinignan ko sya ng masama. "Bakit ka narito at bakit pinatay mo pa ang ilaw?" "Akala ko ay kasamahan ni Coleen." "Bakit ka nga narito?" ulit kong tanong kaya napatingin sya sa akin. "May gusto syang sabihin tungkol sa'yo. Kumagat ako dahil importante daw iyon. Pero dahil malakas ng pakiramdam ko na ginagamit ka lang nya para mabihag ako, patulugin at pagsamantalahan. Pero mali sya kung ganun kadali ako mahuhulog sa plano nya." Para akong nakahinga ng maluwag pero nais ko parin sya tanungin para makasigurado. "May sinabi ba sya sa'yo?" Tumingin sya sa mga mata ko ng matagal kaya kinabahan muli ako pero nang umiling sya ay nakahinga ako ng maluwag. "Pero meron ka nga bang tinatago sa akin, Babe? Gaya ng sabi nya na may kakaiba sa'yo, ganun din ang napapansin ko." Umiwas ako ng tingin at hinanap si Coleen. "Wala... Nasaan si Coleen?" Pumasok sila Theo at yumuko kay Hammer. "Bakit nyo dinala rito si Soul nang ganitong gabi na? Ano bang sabi ko?" sermon nya sa dalawa. "Wag mo na silang sermunan dahil ako ang nagpumilit sa kanila." "Sa susunod ay kung ano ang utos ko ay iyon ang masusunod, Babe." sabi ni Hammer. "Oo na.. Pero nasaan si Coleen?" "Nasa kwarto nya at tinali ko. Napalakas ata ang suntok ko kaya hanggang ngayon ay tulog pa." tugon nya. "Tara na.. Baka magising pa sya." aya ko pero ang totoo ay ayokong masabi ni Coleen kay Hammer ang lahat. © MinieMendz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD