Third person's POV
Napakuyom ng kamay ang isang ginoo habang hindi na alam ang gagawin upang patahimikin ang dapat patahimikin.
"Peste talaga kayong mga Esteban. Masyado kayong balakid sa akin." aniya.
Pumasok si Indigo at Safro na kinatigil ng ginoo sa kanyang iniisip.
"Boss, magkakaroon ng battle party ang Esteban mafia mamayang gabi. Pagkakataon na natin na kumilos." sabi ni Indigo.
"Tingin nyo ay ganun kadali makapasok sa kuta ng mga Esteban?" sarkastikong ani ng ginoo.
"Kaya namin malusutan ang mga bantay kung hahayaan nyo kami." lakas-loob na sabi naman ni Safro.
Napangisi na napailing ang ginoo dahil hindi talaga nag-iisip ang kanyang mga tauhan. Tuloy ay nakita nya kung sino ang mas matalino sa mga ito at kay Sonata.
"Hindi maaaring mabawasan kayo. Oras na pumasok kayo ay hindi na kayo makakabalik." aniya na kinainsulto ng dalawa.
"Kung gano'n ay anong gagawin namin, Boss?" tanong ni Indigo.
"Ambush them."
Ngumisi ang dalawa at nagkatinginan. Gusto nila ang plano ng boss nila. Titiyakin nila na hindi makakarating si Hammer at Sonata sa dadausang party ng Esteban Mafia.
-
Sonata
Kumakain ako ng watermelon habang si Hammer ay pinagpush-up ko habang nakaupo ako sa likod nya. Ang sarap din palang gantihan ng ugok na ito. Dahil sa ginawa nya ay pahirapan nyang makuha ang pagpapatawad ko.
"Babe, kumapit ka, baka mahulog ka--"
"Wag nang maraming dada, magpush-up ka d'yan at wag mo akong alalahanin." sabi ko dahil alam ko na kumukuha lang sya ng dahilan para tumigil.
"Tsk."
Ngumisi ako dahil tama ang hula ko. Tsk. Wala talagang puso ang taong ito. Hindi man lang nagsisisi sa ginawa nya. Kaya tuloy nakakainis at gusto ko na mas pahirapan pa sya.
Napahinga ako ng malalim at napahimas ako ng tiyan dahil nabusog na rin ako sa pagkain ng watermelon. Mas lumulobo na ang tiyan ko at halatang-halata na sa t-shirt ko dahil masyado ng fit.
"Hammer, may tanong ako.."
"What?"
Pinitik ko ang tenga nya dahil kung makasagot ay parang inis.
"Galit ka?" mariin kong tanong.
"Tsk.. No, babe."
Ngumisi ako at nilabas ko mula sa loob ng t-shirt ko ang nakuha kong invitation.
"Para saan ito?"
Tinignan nya ang tinapat ko sa mukha nya habang patuloy sya sa pagpush-up.
"Mafia party." aniya.
"Huh? Para saan?"
"Para iyan sa mga new mafia assassin na isasabak sa isang laban upang makita kung maaari na silang isabak sa mataas na posisyon."
Napatango ako at tinignan ang invitation na kakaiba. Wala syang ano mang nakasulat. Basta gold card sya at nakaenvelope ng invitation. Kapag titignan mo sya ay parang may gumuguhit na liwanag at may lumalabas na kakaibang letra.
Nawala naman ako sa pagtingin sa invitation at nabigla ng biglang huminto si Hammer at sa isang iglap ay napagpalit nya ang posisyon ng katawan nya nang hindi ako nahuhulog, kaya nakaupo na ako sa tiyan nya.
"Balak mo ba akong ihulog, ha?"
Sinapak ko sya sa mukha pero balewala sa kanya iyon. Hingal na hingal at pawis na pawis sya habang nakatukod ang mga kamay sa sahig.
"We need to stop." aniya at tumingin sa wrist watch nya, "Baka ma-late tayo sa party."
"Teka! Sinong may sabi na sasama ako?" pinigil ko sya ng hawakan nya ako para buhatin at maalis sa pagkakaupo sa tiyan nya.
"Babe, kahit ayaw mo ay kailangan. Tsaka importante iyon kay Dad at Lolo kaya hindi pwedeng hindi tayo umattend."
Tumayo ako at nilapag sa lamesa ang bowl na naglalaman ng natira kong watermelon.
"Ayoko, ikaw nalang."
Naglakad ako para sana tumungo sa kusina pero hindi pa ako nakakahakbang ng ilang hakbang ng mabigla ako ng pangkuin nya ako.
"Whether you like or not, you will go with me. Kung hindi ay sisiguraduhin kong hindi kita titigilan sa kama. Kaya mamili ka." ngumisi sya kaya masama ko syang tinignan at napabuntong-hininga ako pagkaraan.
"Wala akong dress na kasya." sabi ko at humalukipkip.
"I know, that's why I buy you a new dress."
"What?" akala ko pa naman ay hindi na ako makakasama dahil wala akong dress pero pinaghandaan pala ng siraulong ito.
"Don't underestimate me, babe." aniya at ngumisi.
Inirapan ko sya at hindi na ako nagsalita dahil ano pang magagawa ko kundi ang sumama. Pero may parte din sa akin na nais kong masaksihan ang kauna-unahang beses na party ng mga mafia, lalo na't mga Esteban ito.
Isang maternity dress ang pinasuot sa akin ni Hammer na kulay dilaw. Ayos lang ito dahil komportable ako na suotin ito. Dahil kahit papaano ay marunong akong mag make-up dahil sa isa rin sa training ko noon ay ang mag disguise kaya natuto akong maglagay ng kolorete sa mukha.
Nang ayos na ako ay tumingin ako kay Hammer na sinusuot ang wrist watch nya habang palapit sa akin. Isang itim na tuxedo ang suot nya na bagay sa kanya.
"Let's go." aya nya.
Tumango ako at sumabay sa kanya. Nalaman nga rin pala ni Hammer na dito tumira si Abe kaya gumawa sya ng paraan para mapaalis rito si Abe. Ewan ko dito kung bakit ang tindi ng pagkainis nya kay Abe. Dapat nga ay ako ang matindi ang reaksyon sa ginawa nya. Nalaman ko na totoong drugs nga ang natuklasan ko sa binigay kong sample kay Abe. Isang matinding gamot na oras na malanghap o mainom mo ay mapaparalisa, makakalimot, at parang bangag. Ganun ang naramdaman ko. Gusto kong patayin si Hammer sa ginawa nya. Pero hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ba ako lumalambot sa kanya. Siguro ay dahil sa nararamdaman ko sa kanya. Kaya kahit na mali ang ginawa nya ay parang nawala ang mga iyon. Pero nais ko parin syang pahirapan. Dahil hindi pwedeng pairalin nya iyon parati.
"Babe, I'm sorry. Please forgive me.." aniya habang nagmamaneho sya.
"Kung sa'yo ko kaya gawin iyon? Matutuwa ka?"
Saglit na binalingan nya ako, "Of course--"
"Siraulo ka pala, eh!" sinapak ko ang ulo nya na kinangisi nya. Kaya ang hirap hindi pahirapan nito. Akala mo sincere sa sorry nya pero puro kalokohan ang laman ng isip.
"Babe, tinanong mo ako kaya sinagot ko lang.."
"Hindi ka nakakatuwa, Hammer. Hindi mo alam na may epekto rin ang maling ginagawa mo." bumaling ako sa bintana habang hindi ko mapigilan na malungkot sa nararamdaman ko.
"Bakit, hindi ka ba natutuwa na ginawa ko iyon? Kung hindi ko ginawa iyon ay papayag ka bang magpabuntis sa akin?"
Napakuyom ako ng kamay, "Bakit ba iyon ang nasa isip mo? Sure ka bang nais mong magkaanak sa akin ng gawin mo iyon?" binalingan ko muli sya na may inis sa mukha na mababakas sa akin.
"Yes." sumeryoso sya, "I'll never felt this before. I promise to myself that love can't manipulate me, but I'm wrong.. Gusto kong hindi ka mawala sa akin, at hindi ka na rin mawala sa isip ko habang nakikilala ka. Kaya naisipan ko na oras na magkaroon ako ng pagkakataon ay sisiguraduhin kong gagawa ako ng bagay na hindi ka na makakapalag pa. Gusto kong malaman mo na hindi kita nais na pakawalan pa kaya masaya ako't nabuntis kita."
Umiwas ako ng tingin at hindi na nakaimik. Hindi ako sanay na magsalita ng ganito si Hammer. Para bang mas lumalambot ako kapag ganun sya.
Hinawakan nya ang kamay ko kaya hinayaan ko na. Naisip ko na baka lahat ng bagay ay nakatadhana.. At nakatadhana na mangyari sa akin ang lahat ng iyon. At nakatadhana na iiwan ko rin ang mundong ito ng maaga.
-
Esteban's Main Head Quarters
Buong building ng Esteban HQ ay puno ng bantay at kita ko ang galing nila sa seguridad. Dahil hindi ka makakapasok kung hindi mo itatapat ang invitation mo sa isang detector. At kita ko na may tumunog lang na isang bagay ay agad nilang uusisain ang bag at katawan mo.
At nangyari sa akin iyon. Na-detech nila ang baril ko sa legs.
"Maaari bang malaman kung sino ka Miss?" tanong ng lalakeng tauhan ng mga Esteban.
"She's with me." ani ni Hammer na lumapit sa akin. May kinausap kasi sya kaya pinauna nya akong pumasok pero dahil ganito ang nangyari ay naabutan pa nya ako.
Agad na nagsiyukuan ang mga lalakeng bantay ng makilala si Hammer.
"Paumanhin, Senyorito. May dalang baril ang kasama nyo."
Tumingin sa akin si Hammer kaya ambang itataas ko ang dulo ng dress ko ng pigilan ako ni Hammer.
"Tsk. Hayaan nyo sya. Binigay ko sa kanya iyon para sa kaligtasan nya."
Napatango ang mga ito at hindi na nila ako hinarang ng ayain na ako ni Hammer para pumasok.
"Talagang itataas mo pa ang palda mo, ha?" aniya.
Akala ko pa naman ay ang itatanong nya ng baril na dala ko, pero iba pala. Hindi naman sya nagtatanong nang makita nyang ginamit ko ito kanina sa nasagupa namin sa daan.
"Bakit, ipapakita ko lang sa kanila ang baril ng ma-satisfied sila."
"Subukan mong gawin iyon, yari ka sa akin." banta nya.
Kaya umirap ako at iniwan sya, "What ever." ani ko bago maunang maglakad sa kanya. Pero as usual naabutan nya ako.
"Halika nga rito." bulong nya at hinapit ako sa bewang bago akayin sa ibang daan.
Nakita ko na ang bawat member ng Esteban mafia na napapatingin sa amin at yumuyuko't binabati si Hammer. Pumasok kami sa isang pinto at pinauna nya ako. Pagpasok ko ay napahinto ako ng bumungad sa akin ang Dad, tito, at Lolo ni Hammer.. Kasama ng ilang matataas na tauhan na nakatayo sa likod ng tatlo.
Nakaupo sila sa swivel chair habang mula sa salamin ay kita ko ang isang malaking arena. Napalingon samin ang mga ito.
"Son." ani ng Dad ni Hammer.
Napatingin ako kay Hammer ng hawakan nya ako sa kamay at inakay palapit sa mga ito.
"Dad." bumeso sya sa dad nya, ganun din sa tito't lolo nya.
"Have a seat, Son, Hija." sabi ng Dad nya.
Tumango ako rito at inalalayan ako ni Hammer maupo sa isang swivel chair. Napatingin ako sa arena sa baba. Hindi ko akalain na ganito karami ang tauhan ng Esteban. At base sa kanilang postura ay makikita mo na hindi din sila basta-basta.
May naglapag ng meryenda at inumin sa amin. Mga babaeng nakasuot ng formal suit na alam kong tauhan din nila.
"Bawal sa kanya ang ano mang juice pwera sa buko. Kaya ikuha nyo sya no'n." sabi ni Hammer.
"Masusunod, Senyorito." yumuko ang babae at inalis ang juice na nilapag sa akin.
Napailing ako at kumuha ng isang pie na gawa pa sa cheese and milk. Marami pang ibang nakalapag kaya natakam din ako sa mga iyon.
"Lord, handa na ang lahat.."
Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang kanang kamay ni James Esteban. Napatingin ito sa akin at medyo yumuko.
"Mabuti. Umpisahan na.." sabi ni James Esteban.
Napatingin na silang lahat sa arena kaya tumingin na rin ako doon. Sa isang battle ring ay may umakyat na referee na isang tauhan na tingin ko ay mataas rin ang ranggo.
"Sino sya?" tanong ko kay Hammer.
"Hmm.. Ah, si Martin Hidalgo, ama ni Leon."
Napatingin ako kay Hammer dahil sa sinabi nya.
"Isang tauhan ng lolo mo ang ama ni Leon na kaibigan mo?" tanong kong muli.
Tumango sya, "Yes. Matagal na ring loyal na tauhan ni Lolo si Martin na masasabi ko na magaling rin sa pakikipaglaban at paghawak ng baril. Kaya nga isa rin sya sa kanang kamay ni Lolo at pinagkakatiwalaan."
Napatango ako at tumingin kay Martin Hidalgo. Seryoso sya sa pagtatapat sa maglalaban na tila baguhang tauhan na susubukin ang tibay.
Nang tumunog na ang drum hudyat ng pagsisimula ng labanan. Sinundan ko ng tingin si Martin Hidalgo na bumaba ng ring. Agad na nagsagupaan gamit ng lakas ang dalawang lalakeng baguhan. Kita ko ang pagtingin rito sa pwesto namin ni Martin Hidalgo. May tinanguan ito kaya bumaling ako sa mga Esteban at tumango sila rito.
Hindi ko alam ang ibig sabihin ng tango na iyon pero tila malalaman ko rin. Naging agresibo sa pakikipaglaban ang dalawang naglalaban. Walang sino man ang nais na magpatalo. Totohanang sakitan at kung sino tiyak ang matatalo ay maaaring mamatay.
"Narinig kong tinambangan kayo?"
Napalingon ako ng magsalita ang dad ni Hammer.
"Yes, Dad.. Tila merong pinipigil na magpunta kami rito." sabi ni Hammer.
Naalala ko ang nangyari bago kami makarating rito sa Esteban Head Quarters. Nasa intersection na kami ng biglang may dalawang nakamotor na ginitgit kami at tinapatan ng baril. Akala ko ay mababaril na ako pero hindi ko akalain na hindi lang pala hightech ang kotse ni Hammer kundi bullet proof pa.
"Nice car." sabi ko kay Hammer bago ko kinuha ang baril sa hita ko.
Ngumisi lang sya at binuksan ang parehong bintana namin bago binaril ang mga nakamotor. Agad din nyang sinarado ang bintana ng ambang mambabaril ang dalawa.
"Buksan mo ang bubong mo." utos ko.
"Be careful." aniya kaya tumango ako.
Binuksan nya ang taas ng bubong nya kaya inalis ko ang seatbelt at bumalanse na tumayo ako bago ko ilusot ang ulo't isang kamay ko. Binaril ko sa dibdib ang dalawa na kinasadsad ng mga ito sa kalsada pati ang kanilang motor.
Naupo muli ako at hininto ni Hammer ang sasakyan.
"Titignan ko kung sino sila." aniya.
"Bababa rin ako." sabi ko pero pinigil nya ako.
"Wag na, ako nalang." aniya at binuksan ang pinto sa side nya bago bumaba. Kaya wala na akong nagawa kundi ang isuksok muli sa lalagyan ng baril sa hita ko ang baril.
Tinignan ko si Hammer mula sa side mirror at nakita kong nilapitan nya ang dalawa na wala ng buhay. Nakita kong may tinawagan sya bago lumapit na muli sa sasakyan at sumakay.
"Sino sila?" tanong ko.
"Mula lang sa kalabang grupo." aniya kaya tumango ako.
Bago nya paandarin paalis ang kotse ay tinignan ko muli sa side mirror ang dalawang lalake. Ngunit hindi ko makita ang mukha ng mga ito dahil natatakpan sila ng motor.
"Are you okay, Hija?"
Napukaw ako ng magsalita ang dad ni Hammer. Napatingin ako rito at tumango ako.
"Inaasahan na namin na merong nais na tambangan kayo. Dahil mula palang bata ay lagi nang nasa panganib ang buhay ni Hammer. Hindi lang sya pati ang iba ko pang anak at pamangkin." sabi nito.
"Alam ko na kasama na sa buhay nyo iyon. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit ako ang tinatarget nila?"
Nagkatinginan si Hammer at ang Dad nya sa sinabi ko.
"Babe, normal na iyon. Dahil lahat ng may kinalaman sa Esteban ay tinatarget ng mga kalaban. Kaya nga hindi kita hinahayaang makalabas lalo't kapag hindi ako ang kasama. Alam ko na hindi mauubos ang kalaban hangga't may nais na makaangkin ng estado namin ngayon."
Tumango ako dahil nauunawaan ko. Baka nagkakamali lamang ako ng iniisip.
Tumingin kami sa baba ng matapos ang laban. Nakita ko na duguang bumagsak ang isang lalake na nakaasul na tali sa braso kaya ang nanalo ay yung nakapula.
"He's dead." komento ng kanang kamay ni James Esteban.
Gaya ng tingin ko ay p*****n ang maging kahihinatnan ng laban. Dahil walang gustong magpatalo sa kaninang magkalaban. Ganito ba talaga ang impluwensya ng Esteban na halos ibuwis ang buhay para lamang manatiling myembro ng kanilang organization. Kung ganitong kagagaling ang baguhang tauhan, paano nga pala matatalo ang mga Esteban kung yung mga dating myembro at tauhan ng Esteban ay tiyak na mas bihasa at magagaling.
"Lord."
Napalingon ako nang may nagsalita. At nakita ko si Martin Hidalgo na hindi ko namalayan na nakarating na rito. Yumuko ito bilang paggalang sa mga Esteban.
"Nice fight, Martin. Magaling ka talagang mag train." komento ng Tito ni Hammer.
"Salamat, Senyorito."
Tinignan ko si Martin dahil hindi ko mapigilan na hindi mapatingin sa kanya. Para bang pamilyar ang kanyang mukha sa akin.
"Anong susunod na paglalabanan?" tanong ni Hammer kaya napatingin sa gawi namin si Martin. Bigla itong natigilan ng mapatingin sya sa akin, "Martin?" tawag ni Hammer rito.
Napaidtad ito at tumingin kay Hammer.
"The Blind Archery." sabi nito.
"Really? Tila maganda iyon." sabi ni Hammer.
"Anong blind archery?" tanong ko kaya napatingin sa akin si Hammer.
"Labanan ng pana mula sa dilim. Tanging pakiramdam lamang ang kanilang gagamitin sa labang iyon. At ang hindi makalabas ay syang talo."
"Anong mangyayari sa matatalo?"
"Mamamatay." tumingin ako kay Martin Hidalgo at nakatingin ito sa akin. Hindi ko alam kung namamalikmata ako na meron sa mata nya na pangungulila.
"Bakit kailangang mamatay? Mauubusan kayo ng tauhan kapag ganun ang ginawa nyong laro."
Inakbayan ako ni Hammer kaya nawala ang tingin ko kay Martin Hidalgo.
"Babe, ang mga mahihina ay inaalis sa grupo. Pero hindi naman sila maaaring makaalis ng buhay dahil kapag nangyari iyon ay baka magamit pa ito ng kalaban, at iyon ang iniiwasan namin. At sa tagal ng training nila ay dapat alam nila na lakas at diskarte ang puhunan para maging kasapi. Kaya kung mahina ka at walang diskarte, mamamatay ka rin sa kamay ng kalaban."
Tumango ako. Sabagay, kung iisipin ay katulad lang din ito ng organization ni Papa. Alam ko na hindi makakaalis sa grupo kung hindi ka mamamatay. Nakakapagtaka na tila ang tahimik nila Papa. Tila wala silang ginagawang moves para mapabagsak ang mga Esteban. Kahit na hindi maganda ang trato sa akin ni Papa ay meron parin akong pagmamahal at pag-aalala sa kanya. Gusto kong dalawin sya pero alam ko na baka matindi ang galit nya sa ginawa kong pakikipaglapit sa mga Esteban. Ayoko na ilagay ko sa panganib ang pinagbubuntis ko kaya hindi nalang.
"C.r lang ako, Hammer. Saan ba banyo rito?" kinalabit ko sya para makuha ang atensyon nya.
"Huh? Samahan na kita." aniya at tumayo.
Kaya wala na rin akong choice kundi ang magpasama dahil hindi ko naman kabisado ang pasikot-sikot rito.
Bago kami umalis ay nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Martin Hidalgo. Tinignan ko sya at para bang may nais sya sa akin.
Lumabas na kami ni Hammer sa room na iyon at malapit lang pala ang c.r dahil ilang pagitan lang sa mga pinto ay huminto na doon si Hammer.
Pumasok ako ng pagbuksan nya ako ng pinto. Malinis at mabangong banyo ang bumungad sa akin. Lumingon ako sa kanya dahil nais pa ata ako samahan rito sa loob.
"Sige na, iwan mo na ako. Kaya ko nang bumalik doon."
"Hihintayin kita. Ano naman kung samahan kita rito?"
Umirap ako, "Isa. Kaya ko na nga."
Natawa sya kaya lalo akong nainis, "Okay."
Gusto pang iniinis ako bago sumunod. Nang makalabas sya at sinara ko na ang pinto para walang makapasok. Agad na gumamit ako ng banyo dahil naiihi na talaga ako. Nitong mga buwan ay madalas akong maihi. Sabi ng doctora ko ay normal lang daw iyon sa kagaya kong buntis.
Napahinga ako ng malalim ng matapos ako at naghugas ako ng kamay habang nakatingin sa salamin. Bigla akong natigilan ng makita ko ang sarili ko kay Martin Hidalgo. Pumikit ako at dumilat. Napailing ako dahil baka nagkataon lang.
Lumabas na ako ng banyo pero nabigla ako nang saktong paglabas ko ay ang pagdaan naman ni Martin Hidalgo. Napahinto sya at napatingin sa akin.
"Kaano-ano ka ng Senyorito?" tanong nito.
"Bakit nais nyong malaman?"
Sandali itong natigilan at napayuko.
"Para kasing may pagkakahawig ka sa anak ko."
Natigilan ako, "Baka nagkakamali lamang kayo."
Tumingin sya sa akin at bigla ay para bang lumundag ang puso ko na hindi ko malaman ang dahilan. Ngayon ay mas nakita ko ng mabuti ang mukha nya.
"Sana nga.. Dahil iisa lamang ang palatandaan ko sa nawawala kong anak na si Lala.."
"Soul."
Napalingon kami at nakita ko si Hammer. Agad na yumuko si Martin Hidalgo ng makalapit si Hammer.
"Anong kailangan mo sa kanya, Martin?" tanong nya.
"Nakasalubong ko lamang sya, Senyorito."
"I see.. By the way, she's my girlfriend. Her name is Sonata Winson." pagkatapos sabihin ni Hammer iyon ay inaya na nya ako. Pero bago kami umalis ay napansin ko ang paninigas ni Martin.
Hindi ko alam pero paulit-ulit na umeecho sa akin ang pagbanggit nya sa pangalan ng kanyang nawawalang anak.
"Babe, are you okay?"
Tumingin ako kay Hammer at tumango ako rito.
© MinieMendz