Marikit's POV Ibinaba niya ako nang makarating kami sa conference room. Walang ni-isang tauhan niya ang nakita ko. Nasan na kaya ang mga iyon? Sinenyasan niya akong tumalikod kaya agad akong tumalikod. Kinabahan ako sa mga sandaling ito. Hindi ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko. “ Pwede kanang humarap, my Queen.” utos niya kaya dahan-dahan akong humarap sa kaniya. Namilog ang mga mata ko sa gulat. Nakaluhod siya sa akin at may hawak siyang singsing, tapos lahat ng tauhan niya ay nasa likuran niya at may hawak na poster na may nakasulat na. Will you be my queen? Kaya pala walang nakabantay sa entrance ng kuta nila kasi lahat ng mga ito ay kinonsabo niya. Lupet mo, boss. “ Will you be my queen?” Kung sasagutin ko siya, para ko na ring sinuko ang pagmamahal ko kay Trigger nguni

