Marikit's POV Nang magising ako ay agad akong napabangon nang mapagtanto kong nasa kwarto ako, hindi naman ito ang kwarto ko. Langya! Where am I? Napahawak ako nang sumakit ito at pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi at kung paano ako napunta dito. Napalingon ako nang biglang bumukas ang pinto. “ Gising kana pala,” napalunok ako ng laway sa lalaking pumasok. OMG! Sino siya? Infairness ang gwapo ni Kuya. “ Sorry kung dinala kita sa bahay namin. Hindi ko kasi alam kung saan ka nakatira kaya't dinala kita dito, don't worry hindi kita pinagsamantalahan.“ malumanay niyang turan sa akin at agad niyang ipinatong sa maliit na lamesa na nasa gilid ng kama ang dala niyang tray na may lamang pagkain. Nanlaki ang mga mata ko dahil panlalaking t-shirt ang suot ko. Talagang hindi niya ako gin

