Marikit's POV “ A-anong ginagawa mo dito?“ sarkastikong tanong ko sa kaniya at mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. “ Hinahanap ka at ngayon nahanap na kita hindi na kita papakawalan pa.” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at dahan-dahang inilapit niya ang kaniyang mukha sa mukha ko ngunit sumagi sa isipan ko ang posibleng kahahatungan kung hahayaan ko siyang muli na pumasok sa buhay namin ng anak kong si Emerald, kaya bago niya ako mahalin ay agad ko siyang itinulak papalayo sa akin. “ Bumalik kana sa pamilya mo, Trigger. Ayoko ko ng gulo. Hindi kana namin kailangan pa. ”taboy ko sa kaniya. Nasapo ko ang aking bibig sa aking sinabi.“ Anong ibig mong sabihin? Namin?” napalagok naman ako ng laway. Hindi pwede na malaman niyang may anak kaming dalawa baka ilayo n

