Marikit's POV “ Wala ba siyang naging kaaway noon? Open paba iyong kaso niya?” “ Oo, nagpatuloy parin ang kaso niya hanggang ngayon. Alam mo nagpropose na siya sa akin eh, tapos don sa restaurant na pinagpropose-an niya, doon rin siya binaril.” saad niya pa sa akin. Hindi talaga ako makapaniwala sa narinig ko. Bakit wala akong alam sa nangyari kay Aris. Naluha na rin ako sa mga sandaling ito. Maya-maya ay lumapit sa amin si Trigger. “ Alam mo nabang patay na si Aris,Trig?” seryosong tanong ko kay Trigger nang lumapit ito sa amin. “ Hindi, bakit anong nangyari sa kaniya?” gulat na tanong nito sa akin. “ Patay na siya, Trigg. Binaril daw eh sabi ni Pau.” malungkot kong asik sa kaniya. Nanlumo siya sa kaniyang nalaman. Bestfriend niya kasi si Aris eh. Kaya nga nagtataka ako kung bakit d

