Kabanata 5

1492 Words
Habang naglalalad ako papasok sa loob ng bahay ay di ko mapigilang mapangiti dahil sa wakas nahawakan ko na ang betlog ni Trigger. “ Bakit ka nakangiti diyan anak?” napa-angat ako ng tingin nang magsalita si mama. Nasa dining area kami ngayon. Nagsi-uwian narin ang mga pinsan ko pero si Pau, di ko alam kung saan ang dalawang iyon. Hindi ko na kasi nakita ang mga ito. Wasak na naman p***y ni Pau. Kanina pa pala nakatingin sina mama at papa sa akin. Langya! Umayos ka nga, Marikit. “ W-wala po, mama. Masaya lang po ako sa espesyal na araw na ito kasi kumpleto po tayo.“ pagdadahilan ko pa. Ayokong sabihin sa kanila na kaya ako nakangiti ay dahil sa eksena namin kanina ni Trigger. Baka sabay pa nila akong mabigwasan. “ S-sino nga pala 'yong lalaking kasama mo kanina sa pool anak?” sumeryoso ang mukha ni mama sa mga sandaling ito kaya't napalunok ako ng laway. “ Ah.. yon ..po bespren iyon ng nobyo ni Pau ma. New friend ko na rin po.” nauutal kong sagot sa kaniya at sabay na tinusok ang pork chop. Nilagay ko ito sa plato ko. Uminom muna si mama ng tubig. “ More than friends anak?” Sumagot ka, Marikit. Kinabahan ako sa tanong ni mama. I'm hoping na magdilang anghel si mama at maging more than friends kaming dalawa pero wala ako hanggang hallucinations lang ata ako. “ Hindi po, friends lang po. At saka di ko po iyon type ma.” pagsisinungaling ko pa. “ Nag-enjoy kaba sa party mo anak?” nakangiting tanong naman sa akin ni papa. “ Super enjoy po, papa. ” Syempre nadangkal ko betlog ni Trigger eh. Ang lambot kaya. Ngumiti si papa sa akin. Nakita kong umiling-iling si mama. “ O sige anak, kumain kana para makapagpahinga kana.” aniya papa sa akin kaya't dali-dali akong kumain. Halos mabilaukan ako. Baka kasi ma-hot seat ulit ako ni mama. Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Gail. Pasuray-suray itong naglakad papalapit sa amin. Kaya't namilog ang mga mata ko dahil ang buong akala ay umuwi na siya. Awtomatikong napatayo si papa.“ Gail,gabi na ba't hindi ka pa umuwi?” “ Tito Fred. Nakulangan kasi ako sa wine.” natawa naman ako sa sinabi nito. Sa sitwasyon nyang iyan, nakulangan pa siya kanina? Hanep eh. Lakas talaga ng amats ng pinsan kong ito.Nasapo ni mama ang kaniyang mukha. “ Mabuti pang ihatid mo muna itong pamangkin mo mahal, baka kasi mapano ang isang ito, hindi na kaya nitong magdrive,”suhetsyon ni papa kay mama. Nagpunas muna si mama ng bibig bago tumayo. “ O sige, mahal. ” “ Tito Fred, Tita Roselle, pahingi po ako ng wine.” “ Tama na, Gail kami ang malilintikan ng mommy't daddy mo nito. Ihahatid na kita sa inyo,” sambit ni mama at sabay na inakay nila mama at papa si Gail palabas ng bahay. Hindi ko inasahan na ang lakas palang uminom ng pinsan kong iyon. Nakulangan pa sa wine kanina. Nasan kaya ang boyfriend niya? Di ko napansin. Walangya talaga ang jowa 'nun iwan ba naman si Gail. “ Tita ang ganda niyo po.”pangbobola naman ni Gail kay mama. Syempre, sa kaniya ako nagmana eh. Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko ang mga pinagkain namin at inilagay sa lababo. Hinugasan ko muna ito bago umakyat sa kwarto ko. Nadatnan pa ako nila mama at papa sa kusina habang naglilinis ng kusina. “ Ano iyang ginagawa mo, Marikit. Umakyat kana sa kwarto mo may pasok kapa bukas.” aniya pa ni mama nang madatnan akong naghuhugas ng mga kalderong pinaglutuan ni mama. Hindi naman pwedeng magseating-free lang ako. “ Tatapusin ko lang po muna to, ma.”giit ko pa kay Mama. Ngumiti siya sa akin at inilagay niya ang mga nahugasan ko sa ibabaw ng lamesa. Isa-isa niya itong pinunasan. “ Napakasipag talaga ng anak namin,” ani Mama sa akin kaya't muli na naman akong napangiti. Akalain mo iyon, binigyan niya ako ng oras sa mismong kaarawan ko. Ang saya-saya ko sa araw na ito. Hindi ko makakalimutan ang mga naganap sa araw na ito. “ Oo nga pala anak , anong plano mong kuning kurso sa kolehiyo.” Napaisip naman ako. Gusto ko sana mag-military kaso baka di ako payagan nila mama't papa kasi delekado ang kursong iyon. Anumang oras ay pwede kang mapahamak. Kung abogado naman ang kukunin ko, ang daming aasikasuhing kaso. Ayoko ng ganun,tamad ako. “ Di ko pa alam, Ma. Military sana kaso naisip ko kayo ni papa baka kayo ang mahirapan.“ “ Hindi namin kakayanin, anak na may mangyari sayo sa training lalo na't kung maging ganap kanang sundalo, pero kung iyon ang gusto mo, anak susuportahan ka namin ng papa mo. Kung iyon ay ikasasaya mo.” saad ni mama sa akin at sabay na nagpunas ng luha sa kaniyang mga mata. Sundalo rin kasi si Lolo Tisoy kaya lang, nasawi ito sa gyera. Ang daddy ni Gail ay isang battle commander. Nung bata ako madalas kong nilalaro ay baril-barilan talaga. Never akong naglaro ng manika o di kaya barbie dolls. “ Oo nga anak, kung saan ka masaya anak don kami.” dagdag naman ni Papa. Ito naba ang pagbabalik loob nila sa akin? O sige, kukuha na'ko ng sundalo. “ Salamat po, mama papa.” maluha-luhang sambit ko at sabay na yumakap sa kanilang dalawa. “ Follow your dreams anak. Nandito lang kami para sayo.” pinakalakas nila ang loob ko, kaya gora na ako sa kursong sundalo. Ako ang kanilang PROTECTOR. Wala kasi akong alam pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Di ko pa na-open sa kanila ang kasunduang sinabi ni mama sa akin nung isang linggo. Ang araw na nagkasagutan kaming dalawa ni mama. Ayoko kasing maikasal sa taong kailanman ay hindi ko pa nakita. Saka ko na siguro i-open sa kanila ang topic na iyon, baka masira kopa ang mood naming tatlo. Kung maging sundalo man ako gusto kong maging airforce. Iyong sumasabak sa gyera habang nagmamaneho ng pang-gyerang helicopter. Astig nun. Pagkatapos ay bumeso ako sa kanilang dalawa at umakyat sa kwarto ko. Pagod akong humiga sa kama ko at nagmuni-muni. Hindi alam nila mama't papa na isa ako sa mga Mafia na pinaghahabol ng batas. Kanang kamay ako ni Mafia Lord Luxian. Gusto ko na nga sanang umalis sa grupo kaso pinipigilan ako ng boss ko. Nagsimula akong pumasok sa grupo nila 'nung kinse anyos ako, dahil sa pagrerebelde ko. Walang alam ang bespren kong si Pau sa pinasukan kong grupo. Natuto akong gumamit ng baril ngunit ginagamit lamang namin ito sa kaaway naming grupo. Pinagbabantaan din kasi ako ni Lord Luxian na kapag sinubukan kong tumaliwan sa grupo ay guguluhin niya ang payapang pamumuhay ng pamilya ko. Ayokong mangyari iyon. Binuksan ko ang aking selpon. At nilog-in ang social media account ko. Sabog ang newfeed ko sa mga nagtrending na videos. Ang mga kalokohan ng mga tao sa social media. Dumako ang paningin ko sa litratong pinost ni Pau, kinse minutos ang nakaraan. Ako ang nasa mga litrato. Nakuhanan pa niya ng litrato 'nung madapa ako sa pool area. Langya, talaga itong bespren ko. Agad kong sinearch ang social media account ni Trigger. Trigger Khamari, tas clinick ang search button. Ang daming lumabas na Trigger Khamari, puro mg fake account. Napasinghap na lamang ako at sabay na nilog-out ang socmed ko. Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan ay nagising ako ng maaga. Napaigtad ako ng bangon nang may maamoy ako. Ang bango talaga! Nasesense ko ang amoy ng abodo ni mama. Dali-dali akong naligo at nagbihis ng uniporme. Pagkababa ko ay bumungad sa akin si Papa habang inaayos niya kanyang kurbata. “ Gising kana pala anak.” bungad ni papa sa akin. “ Si Mama po?” " Nasa kusina anak, niluto niya ang paborito mong Pork Abodo.“ mapaparami talaga ako ngayon ng kanin. Masaya ako na tinupad ni mama ang pinangako niya sa akin na babawi sila sa akin. Kumain ako at sumabay na ako sa kanilang dalawa. Pagdating ko sa eskwelahan ay isa-isa nila akong hinalikan sa pisngi. Sa di kalayuan ay nakita ko si Trigger. Nakauniporme din siya. Same school lang pala kami. Transferee student kasi ako. Bago akong salta dito. Umalis naman agad sila mama at papa. Pagpasok ko palang sa loob ng gate ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante. “ Bagong estudyante.” " Ang ganda niya, pre!” “ May bago ka namang laruan, Vina.” napanting ang tenga ko sa sinabi ng isang estudyante. Nakita ko si Gail at tumakbo ito papunta sa akin nang makita niya ako. “ Couz! ” tawag nito sa akin. “ I'm happy to see you, Couz!”. “ Magkakilala sila?”. “ Gail si Pau nakita mo?” seryosong tanong ko sa kaniya. Umiling-iling naman siya. Nasan na kaya ang babaeng iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD