Nang makarating kami ni Trigger sa mansyon nila Syrel ay bumungad sa amin ang napaka-inggrandeng design sa bawat sulok ng mansyon at nakared-carpet pa. Pinagbuksan ako ng pinto ni Trigger at sabay akong inalayan pababa ng kotse. Isinukbit ko sa kanyang braso ang kamay ko at dahan-dahan kaming pumasok sa loob ng mansyon. Sinalubong naman ng iilang mga kasambahay nila Syrel. Mas lalo tuloy akong namangha sa sobrang ganda nang makapasok kami sa loob ng mansyon. “ Good evening po, Ma'am Marikit at Sir Trigger, this way po.” bati sa amin ng isa sa kanila. Ngumiti naman ako sa kaniya. Medyo marami-rami na rin ang nagsidatingang bisita. Iyong outfit ko ay bagay na bagay sa desinyo sa loob at labas ng mansyon. Lumapit si Trigger sa kaniyang tiyuhin na ama ni Syrel at sabay na bumeso. “ You

