Marikit's POV
Isang oras ang tinagal ko bago nabili ang lahat ng kakailangan ko Napagod talaga ako ng husto sa araw na ito. I didn't expect na makikita ko siya 'dun at nayakap ko pa siya. Worth it parin ang pagod ko.
Binago ko ang style ng pananamit ko. Iyong di na kita ang cleavage ko. Sabi kasi sa ni-research ko, nakakaturn-off daw ang pananamit na halos ilantad na ang buong katawan. Kailangan kong sanayin ang sarili ko sa bagong estilo ng buhay ko, nagkaganito ako nang dahil sa isang lalaki.
Mukha na akong manang sa lagay na ito. Pero okay lang, maganda naman ako eh. Push mo lang yan, Marikit maaakit mo rin siya sa simpleng pananamit mo. Hindi talaga ako sanay sa ganitong estilo ng pananamit, fashionista ako eh. Isa-isa kong isinuot ang nabili kong dress habang nasa harap ng malaking salamin. Umikot-ikot ako at panay sa pagngiti. Hindi ko na kilala ang sarili sa mga oras na ito. Medyo nakaramdam na'ko ng pagkagutom kaya't inilagay ko sa loob ng kabinet ko ang mga damit na nabili at naisukat ko na. Mamaya na ang iba, kakain muna ako saglit baka malipasan ako ng gutom. Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at dumiretso sa kusina. Wala kasi kaming kasambahay kasi ang gusto ni mama, kami mismo ang mag-aasikaso sa mga gawaing bahay. Medyo nakakapagod lang, lalo na't nangungulila ako sa atensyon at pagmamahal nila sa akin. They give me of all what I need but they didn't know na mas kailangan ko ang presensya at atensyon nilang dalawa lalo na't ang pagmamahal. Wala ako 'nun..
As usual pagdating ko sa kusina, ay ako na mismo ang nagluto para sa sarili ko. Kumuha ako ng dalawang itlog at bacon sa loob ng refrigerator. Simply lang kasing lutu-in, in just five minutes maluluto na.
In a minutes na-luto na ito kaya't agad akong sumandok ng kanin.Pagkatapos kong kumain ay agad kong hinugasan ang pinagkainan ko. Saglit akong napatigil sa paghuhugas nang maalala ko ang ID'ng nakuha ko mula sa kaniya. Kaya dali-dali kong pinunasan ang kamay ko at dinukot sa loob ng bulsa ko sa likod ang ID niya. “ Ang gwapo,” namilog ang mg mata ko nang makita ang nakalagay na pangalan. “ Trigger Khamari? ” taas-kilay kong basa at awtomatiko akong napasign of the Cruz sa pangalan niya. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong klaseng pangalan, walangya talaga ang nagbigay sa kaniya nito ng pangalan. Lalo tuloy akong na-trigger sa kaniya. Di bagay sa kaniya ang pangalan niya. “ Trigger, mas prefer pa ako sa Pablo,” dagdag ko pa habang napapailing. Ibinalik ko na lamang ito sa loob ng bulsa ko.
At nagpatuloy sa paghuhugas ng plato. Pagkatapos ay umakyat na'ko sa aking kwarto at nagshower. Muntik ko ng makalimutan ang birthday ni Pau,magkikita kami sa bar na pagmamay-ari nila Ronnie. Mayaman kasi iyon, anak iyon ng isang congressman.
Simply lang ang suot ko. Isang kulay backless dress na kulay asul na may disenyong bulaklak. Naglagay ako ng kunting pabago sa may pulsuhan ko, leeg at likod.
Isinuot ko rin ang kwentas at earing na nabili ko. Simpleng earing lang ito. Pinarisan ko ng isang jacket upang di makita ang likod ko. Nakasapatos lang ako at pagkatapos ay agad kong isinukbit ang bag sa aking braso. Nagsuot muna ako ng helmet bago sumakay sa aking motor.
Ten minutes bago ako makarating sa bar kung saan kami mag-me-meet up ni Pau at ng boyfriend niyang si Ronnie. Kaagad kong pinark ang motor at nagbuhad ng helmet. Marahan kong itinulak ang pinto.
Mag-aalas sais na rin ng gabi nang makarating ako sa bar. Pagpasok ko sa loob ay bumungad sa akin sina Pau at Ronnie habang naghahalikan sa table nila. Walangya talaga 'tong mga ito.
Hindi pa pala sila tapos maglaplapan. Ipinagpatuloy pa dito sa loob ng bar. “ Marikit,” tawag sa akin ni Pau nang makita akong papalapit sa gawi nila.
Agad akong bumeso sa kaniya. “ Happy birthday, Pau. Sensya na wala akong dalang regalo, nakalimutan ko kasi na birthday mo now kaya di ako nakabili ng regalo.”
“ Okay lang, presensya mo lang ang kailangan ko lalo na't nandito ang bestfriend ni Ronni.” namilog ang mga mata ko sa aking narinig.
Nandito rin ang bestfriend ni Ronni na si Trigger Khamari? Pilit talaga kaming pinaglapit ng tadhana. Pagkakataon ko na itong makapagtiyansing sa kaniya.
Kung kailangang ulitin ko ang ginawa ko sa kaniya 'nung isang araw ay gagawin ko, mapaibig ko lamang siya. Di ko pinahala ang excitement na nananalaytay sa kaugatan ko sa mga oras na ito. Nagsalin ako ng wine at ininom ito. Maya't-maya ay dumating ang bestfriend ni Ronnie na si Trigger kasama ang isang babae. Basi sa awra nito, ay tila isa itong modelo. Kung ganun, taken na pala si Trigger? Sakit nun ah? Dinala pa niya talaga dito, ipinamukha ba niya sa akin na wala na akong pag-asa sa kaniya? Pwes! Naagaw nga ang may titulo, sila pa kaya na mag-girlfrieend, boyfriend pa. Tumayo si Ronni at sabay na bumeso sa bestfriend niya. “ Happy 24th birthday, Pau.”bati ng kasama nitong babae kay Pau. Kung ikukumpara niyo ko sa kaniya ay mas lamang lang siya ng isang ligo sa akin.
Kung makapulupot ang kamay ng babae sa braso ni Trigger, talo pa ang linta eh. “Thanks and enjoy your night with us.” nakangiting turan ni Pau sa babae ni Trigger. Sa inis ko ay tinungga ang bote ng alak na ikinagulat nilang apat. Kagulat-gulat ba ang ginawa kong pagtungga? Ang o-o-oa magreact ng mga ito.
Lumukot ang mukha ni Trigger tila'y naiinis siya nang makita ang mapang-akit kong ganda. Nag-eye-eye contact ako sa kaniya ngunit agad din siyang umiwas sa mga titig ko. Mas lalo akong natrigger sayong Trigger Khamari ka. “ Oo nga pala, si Marian Kate o Marikit bestfriend ko,” pakilala sa kin ni Pau sa kasamang babae ni Trigger nang makaupo ito sa tapat ng table namin. Inabit 'nung linta ang kamay niya sa akin ngunit di ko ito tinanggap, tinitigan ko lamang ito at muling tumungga ng alak. “ Pagpasensyahan niyo na ang inasta ang bestfriend ko, medyo problemado kasi yan lately.” depensa naman ni Pau
Naghalukipkip naman ang linta at nakataas ang kilay na nakatitig sa akin. Nakipagtitigan rin ako. Ako pa hinahamon niya, si Marikit ata ito. Akala niya ikinaganda niya ang mga aparatos na nakakabit sa mukha. Mas masahol pa siya sa adik.
Ang daming nakakabit sa mukha, nagmukha tuloy siyang adik. Umayos ka nga, Marikit hayaan mo na iyan mas maganda ka naman diyan eh. Wag na mainggit.
Muli akong tumungga ng alak. Mas lalong lumagkit ang paninitig ko kay Trigger nang tamaan ng alak ang utak ko. Kinindat-kindatan ko pa siya. Muli namang lumukot ang noo niya sa inis na nakatingin sa akin.
“ Babe, anong gusto mong drinks?“
“ Champagne nalang, babe.” sagot naman 'nung linta kay Trigger. Humalik ito sa braso ni Trigger, kundi lang sana birthday ni Pau baka kanina ko pa ito nilampaso sa sahig. Nakakainis na kasi, ang daming kaartehan at ang landi. Tumigil ka nga, Marikit mas malandi ka pa nga eh. Tumayo ako at pasuray-suray na naglakad papunta sa dance floor.
I quickly went to the dance floor and picked up the bottle of wine. Itinaas ko ito sa ire at sumasayaw. “ Yaaah! Yaaah,”
Maya't-maya ay napahingal ako sa sobrang pagod. Lahat nalang ata ng energy ko ay nawala sa kahahataw ko. Paglingon ko sa gawi nila Pau ay ang sama makatitig ni Trigger sa akin. Nyatis! Naiinggit ba siya?
Kinagat ko ang ibabang labi ko at sabay na kinindatan siya. Patuloy ako sa pagtungga ng alak hanggang nagsihiyawan at sigawan at mga tao. “ Balik lang ako sa table ko ah?” paalam ko sa kanila.
Pasuray-suray akong bumalik sa table namin. At pabagsak kong ipinatong sa table namin ang walang lamang botelya ng champane na ikinagulat nila lalo na si Mr. Supladong masungit. “ Bakla!” sambit ko at dinuro pa si Trigger.
“ Are you saying, I'm a gay?”sa tono ng boses ay halatang di niya nagustuhan ang sinabi ko.
“ O bakit angal k?” taas-kilay na hamon ko sa kaniya. Lumukot ang noo nito at tumayo 'yung lintang kasama niya. “ How dare you para pagsalitaan ng ganiyan ang boyfriend ko!?“singit pa nito.
“ How dare you mo iyong mukha mo. Bwesit!”
Sasampalin na sana niya ako nang masalo ko ang kamay niya. “ Di mo kilala ang binabangga mo, lintaka!” galit niyang saad dito.
“ Let me go!“ pagpupumiglas pa nito sa akin. Agad napatayo si Pau at Ronni. Inawat nila kami pareho.
Kinwelyuhan ko si Trigger. “ Prove me na hindi ka nga, bakla Triigger Khamari!” nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Sunod-sunod ang paglunok niya ng laway. “ How did you know my name?” nagtatakang tanong niya at tumawa ako ng mahina.
“ SECRET, alam ko rin ang sekreto mong baho Mr. Trigger Khamari.”pabulong na sambit ko at sabay na kinagat ang tenga niya kaya't napahiyaw siya. “ Let go of me, Pau!” pagpupumiglas ko pa nang ilayo ako ni Pauleen kay Trigger.
“ Iuuwi na kita, Marikit. Lasing kana.”she insist at sabay na dinampot ang bag ko. Nakasunod sa amin si Ronnie habang palabas ng bar.
“ Hindi pa ako lasing, kaya ko ang dalawang bote! Hindi pa nga ako nag-eenjoy eh!” pagmamaktol ko pa ngunit tila'y bingi ang bespren kong si Pau. Patuloy niya parin akong hinila palabas ng bar at ipinasok sa loob ng kotse niya. “ You're out of control, Marikit. Binangga mo pa, ang nobya ng bestfriend ni Ronni. Totoo namang bakla iyon eh. Pinihig ko ang ulo ko. Bago paman mapaandar ni Pau ang kotse niya ay nakalabas na ako.
Pasuray-suray akong naglakad pabalik sa loob ng bar. Nakita ko si Trigger habang nagsisindi ng sigarilyo, di ko napansin ang linta niyang girlfriend. Kaagad ko siyang hinatak at sabay na siniil ang mapupula niyang labi.
Until he kiss me back. Napahalinghing ako ng bumaba ang halik niya sa leeg ko. Napahinto kami nang sugurin ako ng girlfriend niyang linta. “ Mga walangya kayo! Papatayin kitang ahas ka!” sinabunutan niya ako.
Todo ilag naman ako. “ Stop it, Monica!
“ Bakit kinakampihan mo pa talaga ang babae mo ha, Trigger?” malakas niyang sinampal si Trigger kaya napahawak si Trigger sa mukha niya. Ang sakit nun!
“ Hindi pa tayo, tapos!” muling hinila ni Monica ang buhok ko. Hanggang sa unti-unti akong napahiga sa sahig. Di ko na rin naipagtanggol ang sarili ko sa sobrang kalasingan ko.
“ Tama na iyan! wag mong sasaktan ang bestfriend ko!” awat ni Pau kay Euris.
“ Sige kampihan mo pa iyang, bestfriend mong nagpakamot sa boyfriend ko!”
“ It that true, Marikit?”
“ Kisser pala iyang boyfriend mo, Euris!” pang-iinis ko pa dito kaya't mas lalong umusok ang ilong ni Euris sa galit. Susugurin sana niya ulit ako ngunit hinila na siya ni Trigger palabas ng bar.
“ Let me go!”
“ Wag kang mag-eskandalo dito, Monica!”
“ Ako pa talaga ang nag-eskandalo ha?“
“ Shut up!”
Inayos ni Pau ang buhok ko. “ Ano ba kasi ang ginawa mo, Marikit?”inis na sambit ni Pau at sabay na napahilamos ng mukha.
“ Ang lambot, aaaargh!”
“ Tara na, iuuwi kana namin ni Ronni.” aniya pa at inalalayan niya ako palabas ng bar. Isinandal ko ang aking ulo sa likod at kinanta ang Crazy for you ni Kim Chiu with matching pikit pa. Twenty minutes ay nakarating na ako sa tapat ng bahay namin.
Agad akong pinagbuksan ng pinto ni Pau at inalalayan akong lumabas ng kotse.“ What happened?” rinig kong tanong ni mama.
Medyo malabo na ang paningin ko at ngumisi ako kay mama.