"Bilhin na natin?" Si Noah na nagtatanong, pero nauna nang lumakad papunta ng counter. Kaagad ko siyang pinigilan. "Hindi na!" Si Noah ay totoong kaibigan ko rito sa Australia. He's half Aussie and half Pinoy, kaya kahit papaano ay nakakapagtagalog siya. Actually, marami rin akong kababayan dito na ang iba ay mga kapitbahay ko pa. "Para kay Leigh," dagdag niya. "Hindi na nga! Hindi na 'yan kakayanin ng maleta namin!" asik ko dahil hirap na pantayan ang malalaki niyang hakbang, lalo pa at tulak-tulak ko iyong push cart. Sa sinabi ko pa ay napahinto siya. Awtomatikong umikot ang leeg niya upang tingnan ako, kapagkuwan ay nangunot ang noo. Nagulat siya, pero mas nagulat ako dahil sa sinabi kong iyon. "Maleta? Saan ka pupunta?" maang niyang pagtatanong dahilan para mapakurap-kurap ako. "

