Speaking of Brayleigh. Kaagad akong napalingon sa pinto ng kwarto nang dahan-dahang bumukas iyon, saka naman nito iniluwa si Leigh. Kinukusot-kusot pa niya ang parehong mata at bakas pa sa kaniyang mukha ang pagkabagong gising. Saglit siyang huminto kalagitnaan, sa hamba ng pintuan nang makita niya ako. Sa posisyon kong nakaluhod ay bumalatay ang gulat sa kaniya, lalo nang mapansin nito ang mga luha sa pisngi ko. "Mama!" ani Leigh at nagmamadaling nilapitan ako. Dinungaw niya ang mukha ko, kapagkuwan ay niyakap ako sa leeg ko. Mayamaya ay marahas niyang nilingon ang lalaking nasa harapan ko, si Brandon na parang tinakasan yata ng kaluluwa. Wala itong imik. Nang balingan pa siya ay nakita kong nakatitig siya kay Leigh. Mabigat ang kaniyang paghinga at bahagyang nakaawang ang labi. Pami

