Miracle baby nang maituturing si Brayleigh, since I have infertility issues. Iyan ang sabi sa akin ng naging OB ko noong nasa Australia pa lamang ako. Mahihirapan na akong manganak at posible ring hindi na ako mabiyayaan ng isa pang anak. Pagkatapos kong maipanganak si Leigh ay nag-under medication ako for depression. And I've been taking antidepressants for almost three years. Some of it has made an impact on my fertility. So, yeah... that's why. Pero sige, susubukan pa rin namin ni Brandon. Malaki ang tiwala ko na baka kakayanin pa— na kaya ko pa. Bumuntong hininga ako. Hindi ko nga lang alam kung paano ko iyon sasabihin sa kaniya. Hindi ko mawari kung ano ang tamang salita para ipaunawa ko iyon sa kaniya nang hindi siya nadidismaya. Paano nga kung gusto niya ng maraming anak? Iiwan

