VIII

280 Words
RYLE'S POV Kanina pa kami nag-aabang sa labas ng school na pinapasukan ni Hades. Hindi pa rin ako makapaniwala na pumapasok pa ang taong yelo na yun. Si Zeni naman ay nakaupo lang front seat habang nakatingin sa gate, hindi man lang niya maalis-alis ang tingin niya roon para bang excited na excited na siyang makita si Hades ngunit mas na intriga ako sa bata. Halata namang anak iyon ni Hades ngunit ang ikinakatakot ko ay baka su Zeni ang ina. Ayokong isipin iyon dahil napaka imposibleng mangyari ang bagay na yun pero mas malala pa ang nangyari sa akin these past few years para hindi iconsider ang sitwasyong iyon. "Ryle, kung makasama ka parang pamilya ka ni Boss, ah." Seryosong panimula ni Zeus, nasa back seat sila ni Poseidon na kanina ay parang mamamatay na sa matinding nervous pero ngayon ay halos mapunit na ang pisngi sa laki ng ngisi. "Oo nga naman, family reunion to pre! FAMILY." Panggagatong pa ni Poseidon na nagsikuhan pa ang dalawa habang nagpapalitan ng makahulugang tinginan. "Baka gusto mong dalawin ka ng pamilya mo Poseidon sa puntod mo, magsabi ka lang." Natahimik ang dalawa nang magsalita si Zeni. Pasipol-sipol pa si Zeus habang mapanudyo ang ngisi kay Poseidon. "Boss naman jinojoke lang namin si Ryle." Tugon pa ni Poseidon na kinataas ng kilay ni Zeni. "Kahit wag na kayo magsalita sapat na ang mga mukha ninyo para matawa iyan." Gusto kong tawanan sina Zeus ngunit nasira ang upbeat atmosphere na iyon nang lumabas na si Hades sa gate at mabilis na lumabas si Zeni sa sasakyan upang sunduin ito. "Ryle, kalma. Sa umpisa palang alam mo ng talo ka na." To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD