VII

833 Words
RYLE’S POV   Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot sa tanong ni Zeni. Ang pakiramdam ko ay binuhusan ako ng nagyeyelong tubig. Hindi ako makakilos sa aking kinatatayuan. Nanatili akong nakatingin sa kanya at hindi tumutugon. Pinipilit ko rin ang sarili na huwag magpakita ng kahit na anong ekspreksiyon sa mukha dahil ayaw kong mamarkahan ni Zeni ng ‘RED FLAG’. Ayaw kong may makita siya sa reaksiyon ko na makakaalarma sa kanya.   “Pwede mo namang sagutin ang tanong ko mamaya.”   Nakangising aniya na para bang hindi siya interesado sa magiging sagot ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili nang mapansin ko ang dalawa niyang kaibigan na nakatingin sa akin.   “What?” I mouthed to them ngunit hindi nila ako pinansin. Iniwas na lang nila ang tingin sa akin pero napapansin ko makahulugang sulyapan ng dalawa, kaya naman hindi ko inalis ang tingin ko sa dalawa nang magsalita ulit si Zeni.   “Sino ang type mo sa dalawa?”   Nakakalokong tanong ni Zeni na sabay pa kaming tatlo napabaling sa kanya. Alam kong biro iyon pero seryoso ang mukha ng itanong niya yun.   “Boss naman, kahit magiging bading pa ako hindi ko rin papatulan si Ryle. May taste ako.”   Nakangiwing tugon ni Zeus na kinasama ng tingin ni Zeni sa kanya. Namutla agad ito nang makita ang Boss niyang hindi maganda ang tingin sa kanya.   “Ibig mo bang sabihin ay wala akong taste?”   Singhal ni Zeni na kinatago ni Zeus sa likuran ni Poseidon.   “Yan yata ang ibig niyang sabihin, Boss.”   Panggagatong pa ni Poseidon pero natahimik din siya nang lumipat sa kanya ang masamang tingin ni Zeni.   “Whatever, puntahan na nating ang dapat puntahan.”   Aniya saka nagpatiuna ng maglakad si Zeni sa amin. Ninngisihan ko pa ang dalawa bago sumunod sa kanya. Kahit nasa nakasunod sila sa amin ay ramdam ko ang nagbabagang tingin nila sa akin.   ‘Pathetic.’   “Zeus nasaan si Hades ngayon?”   Tanong ni Zeni nang makasakay na kami sa loob ng sasakyan.   “Nag-aaral, Boss.”   Napatango lang si Zeni. Napakunot-noo naman ako. Huling beses na nakita ko siya may dala siyang batang lalaki na kamukha niya. Hindi ko inaasahan na mag-aaral pala ulit siya. I don’t f*****g care about him right now pero kinkabahan ako ng hindi malaman ang dahilan. Paano kung anak nila ni Zeni ang bata? Damn, that’s insane. Ayokong isipin pero kusa siyang pumapasok sa utak ko.   “You’re thinking too much.”   Napatingin ako kay Zeni nang sabihin niya iyon.   ‘Dahil wala kang sinasabi sa akin.’   Gusto kong isagot iyan sa kanya pero sinarili ko na lang.   “I’m sorry.”   Iyon lang ang tanging naisantinig ko.     LYNCH’S POV   "Why do people seek light?"   Tanong ni Ma'am Jimenez sa klase. Bakit nga kaya? Dahil takot sila sa dilim? Biglang nagtaas ng kamay si Jaia. Ang kaklase kong kupal.   "Mr. Jaia."   Tumayo agad si siya at nakangising humarap sa klase.   "People seek light because they can't see in the dark if there's no light."   Napatawa ang lahat sa sagot niya. May point naman siya ah?   "Ms. Lynch."   Nagulat ako ng tawagin ako ni ma'am. Napalunok ako sa kaba. Ayoko talaga sa recitation. Napatingin ako sa gawi ni Hades. Maayos lang siyang nakaupo habang nakatingin sa labas ng room. Katabi naman niya si Lawrie na hindi ko agad napansin na nakatingin na pala sa akin ng may nakakalokong ngisi sa kanyang labi.. What the? Agad kong binawi ang tingin ko nang kindatan niya ako. That peasant!   "Ms. Lynch?"   Napaayos ako nang tayo ng ulitin ni ma'am ang pangalan ko. I took a deep breath saka pinilit na ngumiti sa lahat.   "Well for me ma'am people seek light because they're afraid of darkness."   Medyo sumang-ayon lahat sa sagot ko at nagpalakpakan sila. Napatingin ako kay Hades. Hindi ko man lang siya nakitaan ng interes sa klase. I sighed.   "How about you Mr. Hades. Why do people seek light?"   Tumahimik ang lahat ng tumayo si Hades. Napatingin sila lahat sa kanya at inaabangan ang sagot niya. Kahit wala siyang kinakausap sa loob o labas ng school ay marami pa rin ang interesado sa kanya at isa na ako dun.   "Because they don't understand darkness."   Malamig at seryoso niyang sagot. Nanlamig ako bigla. Nakatitig pa rin ako sa kanya ng tumingin siya sa deriksyon ko. Ningitian ko agad siya pero agad iyong nawala ng mapagtanto kong kay Aliyah siya nakatingin. Nang lingunin ko si Aliyah sa tabi ko ay nakatingin lang siya sa labas ng classroom.   "Class dismissed."   Nagulat kami ng biglang tinapos ni ma'am ang klase.   "May meeting kami so uwi kayo ng maaga ngayon."   Dagdag ni ma'am sabay labas sa room. Nagsilabasan na ang lahat maliban kay Aliyah at Hades. Lalabas na sana ako nang marining kong magsalita si Hades.   "Aliyah if you were poisonous like before it would be easy for me to kill you."   Nagulat ako sa sinabi ni Hades. Bakit niya iyon sinabi? Sino ba talaga siya?   To Be Continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD