RYLE’S POV
Pagkabasa ko ng pagkabasa sa pangalan ni Zeni hindi na ako nagdalawang isip pa na lumabas sa office at tumakbo papunta sa waiting room ng mga bagong aplikante. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Nanlalamig ako sa hindi mapangalanang dahilan. Pakiramdam ko sasabog ang aking dibdib sa bilis ng heartbeat ko. Nang nasa tapat na ako ng waiting room ay huminga muna ako ng malalim. Pinahid ang namumuong pawis sa aking noo ng nanlalamig at nanginginig kong kamay. Please, let it be you. Dasal ko sa aking isipan bago binuksan ang pinto ng waiting room. Nang mabuksan ko iyon ay hinanap ko agad ang mukha ni Zeni.
"Where the f**k is Zenith Ynfluencia?"
I yelled unconsciously. Natigilan naman lahat sa inasta ko. Sabay silang napatingin sa akin. Kahit na nagulat sila at nalilito ay hindi nakaligtas sa akin ang mga ngiti nila. Inulit ko ulit hanapin ang pagmumukha niya pero wala. Wala ding nagtaas ng kamay. Naguguluhan din silang lahat. Tiningnan ko ulit ang resume ng aplikanteng iyon and reality fires me back. It's Zenile Ynfluencia not Zenith Ynfluencia. Damn. Gusto kong saksakin ang sarili sa katangahan ko. Ganoon na ba ako ka desperado na makita siya? Well, damn yes. Kahit sabihin pa nilang patay na siya, hindi pa rin ako naniniwala. Nakakulong pa rin ako sa nakaraan namin ni Zeni. I can’t just get rid of her completely from my life. I sighed heavily. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa ginawa ko. I didn’t feel any shame but I am disappointed. Lalabas na sana ako ng may nagsalita.
"Sir I'm Zenile Ynfluencia tho."
Nahihiyang nagtaas ng kamay ang isang babaeng naka white shirt at blue faded jeans. Naka formal attire lahat ng aplikante maliban sa kanya. And she's not wearing any make up too. But she's still beautiful. I faked and cough and sinenyasan siyang sumunod sa akin. Wala rin akong salitang lumabas doon at naksunod naman agad sa akin ang babae. Nang makarating na kami sa office ko.
"So you have two siblings?"
Tanong ko agad ng makaupo na kami.
"Y-yes po."
"Why you didn't put their names down?"
Napaangat naman siya ng tingin saka nahihiyang yumuko. Nakalagay sa resume niya na may dalawa siyang kapatid, required isulat ang pangalan ng mga iyon ngunit iniwan niya iyong blangko. Para bang sadya. Ayoko siyang pag-isipan ng masama dahil lang sa pareho sila ng apelyido ni Zeni at magkatunog rin ng pangalan pero hindi ko mapigilan ang sarili.
"I'll w-wri-"
I sighed heavily.
"No need. Kilala mo ba si Zenith Ynfluencia?"
Mamumutla siyang napatingin siya sa akin. Tinitigan ko siya sa mga mata niya at nakikita kong marami siyang gustong sabihin sa akin ngunit marahan siyang umiling bilang tugon niya sa sagot ko. She's lying. I can clearly see that. I don’t need a f*****g crystal ball para mlaman kung nagsisinungaling ba siya sa akin o hindi. If you won’t tell me then how about I keep you by my side.
"From now on you'll be my new Secretary."
Nakikita kong hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. I smiled a little. Ang laki ng pinagkaiba nila. Kung si Zenith ay hindi ko nakikitaan ng emosiyon sa mukha siya naman ay halos segu-segundo nagpapalit ng ekspresiyon. But one thing I am sure of they're connected to each other.
"You can start next week."
Dagdag ko pa saka sinenyasan siyang lumabas na.
“Thank you so much, Sir.”
Magalang niyang tugon na nag bow pa sa akin. Napakapino ng mga kilos niya. Ibang-iba kay Zeni.
“Leave.”
Maikli kong tugon saka wala naman siyang salitang lumabas na ng office. Tinawag ko agad si Fernee.
"Give me every little detail about this girl."
Utos ko sa kanya saka binigay ang file ni Zenile . Tumalima naman agad siya.
Tatayo na rin sana ako upang lumabas nang bumukas ang pinto ng aking opisina at niluwa mula doon si Jerod. Isa sa 7 Highest Officials ng Black Building. Isa rin ang ama niya sa founder ng Black Building.
“I can see that you are working hard but don’t overwork yourself it isn’t good for your health.”
Nakangising panimula niya na hinawakan ang isang swivel chair na nasa gilid ng pintuan at hinila sa tapat ng office table ko na inupuan naman nya agad.
“As your concerned friend why don’t you come with me right now.”
Dagdag niya pa na kinakunot noo ko. I have a bad feeling about this.
“I’ll pass.”
Maikling tugon ko na napatitig pa siya ss akin ng ilang segundo bago umangat ang right corner ng bibig niya.
“Dapat matuto ka ring makisama sa mga importanteng tao sa Black Building. Paano kung mainis sila sayo at pag-isipan ka ng masama?”
Napangisi ako sa sinabi niya.
“I went to every event you held, hindi pa ba iyon sapat?”
Tanong ko sa kanya na kinangisi niya.
“Mga importanteng meetings at events iyon na puro negosyo at Black Building lang ang pinag-uusapan. Iba pa rin ang sumasama ka-’
Hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya. Tama na ang mga narinig ko.
“I don’t have time for that.”
Ika ko na kinatahimik niya.
“I can’t force you but if you ever change your mind you can call me.”
Ramdam kong pilit lang netong pinapakalma ang sarili.
“Aalis na ako, kung may kailangan ka dito maghintay ka hanggang bukas.”
Sarkasmo kong tugon saka tuluyan ng lumabas ng opisina. Wala akong oras para sa mga taong ang alam lang gawin ay ang pabagsakin ako. Alam kong hindi nagustuhan ng 7 officials ang pag-upo ko bilang Lord ng Black Building. Pero wala na silang nagawa pa ng inanunsyo na ni Clarence at Zenon ang pag-upo ko sa trono. Hindi ko alam kung pasasalamatan ko ba sila pero malaki ang naging tulong nila sa pag-upo ko at iyon din ang huling beses na nakausap at nakita ko sila. Sa totoo lang ayaw ko rin naman maging Boss ng Black Building ngunit ito lang ang paraan para hindi mawala ang koneksyon ko kay Zeni. Wala naman akong pakialam kahit ang ama pa na hindi ko nakilala ang may-ari neto. The fact na malaki ang sinakripisyo ni Zeni para protektahan ang trono ay sapat na para hindi ko tanggihan ang obligasyon na ‘to. At umaasa pa rin ako na babalik siya. Ayokong maniwala na patay na siya. At walang makakakumbinsi sa akin no’n.