POSEIDON'S POV
RIIIIIIIIIIIIIING~
Pangatlong beses ko ng tinawagan si Zeus pero hindi pa rin sumasagot. Problema ba neto sa kagwapuhan ko?
"Whaaaaaaat?!"
Nailayo ko ang phone ko ng sumigaw si Zeus sa kabilang linya. Tangina neto bakit kailangan sumigaw? Ang panget na nga ng pagmumukha, sumabay pa ang manners niya. Wala na talagang natirang kagandahan sa katawan ang gago. Mapakatawang lupa man o kaluluwa.
"I was going to commit suicide if you didn't pick up."
Sagot ko sabay bungisngis. Rinig na rinig ko pa ang malutong niyang mura.
"I am a busy handsome person. If it isn't something important then don't f*****g bother me again."
Iritable niyang tugon na kinatawa ko.
"Well it's more important than your life."
Nakagisi ngunit seryoso kong tugon.
"What do you mean?"
Kalmang tanong niya. Huminga muna ako ng malalim saka nakangiting tumingin kay Boss na kumakain.
"Gising na si Boss."
Biglang namatay ang linya kaya alam kong papunta na siya dito. Nasa kabilang kwarto lang naman siya.
Wala pang isang minuto ay bumukas na ang pinto at niluwa doon si Zeus na humahangos. Mas lalong pumanget. Tangina hindi pa rin ako makapaniwalang may ka close akong panget.
"B-boss?"
Hindi makapaniwalang tawag niya kay Boss na walang emosiyong tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Hindi siya sinagot ni Boss at patuloy lang ito sa pagkain. Lumapit naman agad sakin si Zeus.
"Si Boss ba talaga yan? Bakit parang walang pakialam sa akin?"
Bulong niya na kinangiwi ko.
"Kailan pa siya nagkaroon ng pake sayo?"
Balik tanong ko sa kanya na kinasama ng tingin niya sa kin.
"Gusto ko maligo."
Sabay kaming napalingon ni Zeus kay Boss.
"Boss gusto mo bang samahan kita?"
Nauutal kong tanong kay Boss na pinagsisihan ko din sa huli.
"Gusto mo na bang mamatay?"
Napalunok ako. Mas nakakatakot si Boss ngayon. Ilang taon niya kaming tinulugan tapos pagkagising niya mas lalong sumama ugali.
"K-kaya mo na ba maglakad mag isa, Boss?"
Tanong naman ni Zeus na pinagpapawisan. Sabay kaming napalunok ng sobrang sama na ng tingin ni Boss samin. Hindi namin maiwasan mag-alala kasi 5 years na tulog si Boss at ngayon lang siya nagising.
"Hindi ako baldado."
Malamig na tugon ni Boss saka nagtungo sa banyo. Naalala kong mas demonyo pala kay satanas si Boss Zeni kaya malabong manghina ito.
"Ihanda niyo damit ko. Gusto ko siyang makita."
Dagdag niya pa at tuluyan ng pumasok sa banyo. Nakahinga kami ng maluwang. Akala ko katapusan na namin.
“Bakit pala nagising si Boss?”
Tanong ni Zeus na kinasingkit ng mapang-akit kong mga mata.
“Ayaw mo bang magising si Boss?”
Balik tanong ko sa kanya na sinamaan niya ako ng tingin.
“Sabi ng Doctor next year pa siya dapat magigising.”
Tugon naman niya na napapsip rin ako.
“Sabi ng Doctor yun pero ibahin mo si Boss.”
Nakangising tugon ko sa kanya na pinandilatan naman niya ako.
“Magpaparty ba tayo?”
Tanong na naman ni Zeus. Ang daldal ng pangrt na to.
“Nagising lang si Boss magpaparty ka na? Ang korni mo pre! Baka masuka pa si Boss kapag narinig niya iyang pinagsasabi mo.”
Pangungutya ko pa sa kanya na kinasama ng tinngin niya sa akin.
“A big party isn’t bad.”
Kinain ko rin ang mga sinabi ko nang marinig ko ang boses ni Boss. Hindi ko man lang namalayan na nakalabas na pala siya ng banyo. Naka smirk si Zeus sa akin ng tiningnan ko siya.
“Since ideya iyon ni Zeus, gusto kong ikaw ang hahawak sa Party Poseidon.”
Dagdag pa ni Boss na kahit gusto kong magreklamo ay hindi ko magawa.
“Korni pala ha.”
Nakangising bulong ni Zeus sa akin.
“Next week mo na gawin. Marami pa tayong gagawin sa ngayon.”
Ani Boss na sabay pa kaming napalunok Zeus. ‘Tell me hindi pupunta si Boss sa kanya’. Kahit atheist ako ay napapadasal ako ng wala sa oras. Maraming nakaaligid kay Ryle ngayon, baka may mapatay si Boss sa mismong araw ng pagkagising niya!