Prologo: "Till death do us part."
“Sign the divorce paper, Kai. Pirma mo na lang ang kulang at malaya ka na sa lahat ng gusto mo at malaya na rin ako.” Hindi ko naiwasan na hindi itapon sa harapan niya ang divorce paper na ilang linggo ng naghihintay ng pirma niya.
Ni hindi nga man lang niya kinuha sa mailbox!
“You are the one who wants to get divorce , not me,” malamig niyang tugon na para pang inaantok na kausap ako, “I will sign the paper if I want to divorce and it is not gonna happen, Aurora. So you better start moving here back before you piss me off, woman. You will not like what I can do when I am mad and you know it.”
Napatawa na lamang ako ng pagkasarkastiko sa narinig ko mula sa kanya. “You think you can scare me? I’m done with your games, Kai! Pirmahan mo na ang lintek na divorce paper na iyan. Maawa ka naman amag na amag na iyan kakahintay ng pirma mo!”
Iniangat niya ang tingin sa akin kung saan matalim na nakakatitig ang kulay kape niyang mga mata. "Once I sign the paper, what will you do next?"
"Wala ka ng pakialam kung anong gagawin ko-"
"You will start seeing another guy?" Nakataas ang kilay na tanong nito at kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya. Bigla itong umalis ng kama kung saan wala siyang saplot pang-itaas na ikinabahala ko. "Answer me, Aurora." Maawtoridad na utos nito.
"Katulad ng sabi ko wala ng pakialam kung anong gagawin ko." Para akong natuyuan ng laway sa lalamunan ng sagutin ang tanong niya.
Bigla ito napatawa ng sarkastiko dahilan para lalo akong mainis sa lalaking ito. "You think there is another man who will love you? Look at yourself, Aurora." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa dahilan para manliit ako para sa sarili ko. "You're way off from other women. You're fat, short, and you look like a hideous old lady in those clothes-"
Hindi ko na kinaya pang pakinggan ang masasakit niyang mga salita kaya naman malakas ko siyang sinampal ng maramdaman niya rin ang sakit. Doble pa sa sampal ko ang sakit na pinaparamdam niya. "Hindi mo na kailangan ipaglakdakan sa akin iyan, Kai! The moment na nag-cheat ka is alam ko na kung saan ko ilulugar ang sarili ko at tanggap ko na hindi tayo bagay. Tanggap ko na rin na hindi mo naman talaga ako minahal kaya tama na!" Nang huling beses akong umiyak sa harapan niya ay sinabi ko sa sarili na hindi na ako iiyak pero heto na naman ako. "Please, just sign the paper, Kai, and let me live my life."
"No amount of tears or bloodshed will change that. I won't sign those papers!" Malakas na sigaw nito at sa puntong ito ay alam kong pinipigilan niya ang sarili na mas lalong sumabog sa galit. "You signed those goddamn papers, but they mean nothing." Sa pagkakataong ito ay mahigpit na siyang nakahawak sa braso ko at pakiramdam ko ay mababali ang buto ko sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. "You're mine, Aurora, and you'll always be mine."