03

1011 Words
        After finishing my meal, I went straight to my room. Nagkulong na lang ako roon at hindi na lumabas pa pagkatapos kumain. Nagdahilan na lamang akong pagod at gusto ko ng magpahinga para hindi na nila ako gambalain pa.           Lying on my bed, I stared blankly on my ceiling. Hindi ko alam kung bakit ba nandito na naman ako sa lugar na ito. Hindi ko man gustong umuwi ay may pwersang humahatak sa aking paa para umuwi rito.           I have sworn of not coming back to this place kahit dito pa ako ipinanganak at nagkaisip. Pakiramdam ko ay hindi ako ligtas sa lugar na ito, but seeing myself in this same place again overwhelmed my insides in a way I know I should not be feeling.           The next morning, I pushed myself to do my morning routine. I walked around our subdivision for almost an hour and when the sun gets irritating on my skin, I decided to go back home.           It's Thursday and I don't have any plan of going out. Kung hindi lamang ako nasanay na tumatakbo tuwing umaga ay hindi rin ako lalabas. As much as possible ay ayaw kong may makaalam na naka-uwi na ako. Ikaiirita ko na lalo kung may mangungulit pa sa akin, higit sa pagkairitang nakukuha ko sa nakababata kong kapatid.           "Wala ka bang balak lumabas? Nasusura ako sa itsura mong maghapong nakahilata dito sa sofa at panay ang dutdot sa cellphone mo,” sita ko sa aking kapatid.           "Wala naman akong gagawin sa labas," sagot nito. "At saka kung ayaw mo akong makita, doon ka sa kwarto mo. Nananahimik ako rito e," angal pa nito.           Hindi ko na lang ito pinansin at dumiretso na lamang sa kusina para sana kumuha ng maiinom ng maabutan ko naman si Mama roon.           "Wala ka bang balak mamasyal sa labas?" Tanong agad nito ng makita ako.           Umiling ako at sianabing, "Tinatamad po akong lumabas."                     "Sayang naman ang bakasyon mo kung hindi ka lalabas. Bisitahin mo kaya ang mga kaibigan mo?" Mama suggested.           "May pasok po ang mga iyon, Ma," sagot ko naman.           "Edi, sa linggo. Hanggang kailan ba ang leave mo?" she asked more.           "Two weeks po," I replied.           "Mahaba rin naman pala, i-text mo na lang sila para makapaghanda kayo kung kaylan kayo magkikita."           "Mamaya po," sagot ko. Pagkatapos ay nagpaalam na ako rito na aakyat na muli sa aking silid.           Nag-isip ako kung sino bang kaibigan ang c-contact-in ko. Iilang pangalan lang naman ang laman ng contacts ko at karamihan pa roon ay mga katrabaho ko sa Maynila. At iyong mga kaibigang sinasabi ni mama ay matagal ng walang koneksyon sa akin.           "Si Reysa!" I blurted to myself as if a blub lighted above me,           Iyong tanging kaibigang naiisip kong pwedi kong puntahan o kaya ay imbitahan na lamang na mamasyal dito sa amin. Kaya lamang ay hindi na ako sigurado kung aktibo pa ba ang numero niyang meron ako sa aking contacs. Isang taon na rin simula ng huli ko siyang na-contact sa numero niyang ito at pagkatapos niyon ay hindi na iyon naulit pa.           I tried calling it ngunit iyong operator na ng network na gamit n'ya ang sumasagot.           I stared on my phone when a memory flashed back.           "Hello, Ja. Napatawag ka?" She answered after my third try.           "Sa..." I called between my sobs.           "Oy, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" nag-aalala n’yang sagot.           "Ginawa na naman n'ya, inulit n'ya na naman, Sa. Umulit na naman s’ya," I confessed.           "D’yos ko naman, Jia," she muttered. "Nasaan ka ba, pupuntahan kita."           "No. I-I am fine. 'Andito ako sa bahay, h'wag ka nang pumunta."           "Tangina! Ano bang problema ng Russell na 'yan at lagi ka na lang n'yang ginaganyan?! Leche s'ya! D'yos ko, Jianna. Hiwalayan mo na 'yan, matauhan ka naman na sana. Hindi mo na deserve lahat ng kagaguhang ginagawa n'ya sa 'yo," she said.           Lalo namang napalakas ang iyak ko dahil sa alam kong tama siya at hindi lang isang beses niyang sinasabi sa akin ang tungkol sa pagkakagising sa katotohanan ngunit hindi ako nakinig. Hindi ko siya pinakinggan at mas pinili ko parin ang gusto ng puso ko.           "I should have listened to you," I said. Admitting that I was wrong for not listening to her nags when Russel did that to me once.           I sighed.          f*****g memories!         I left my phone and turned on my laptop. Sa f*******: ko na lamang siya ime-message.           I logged in to my account that had been inactive for over a year now. When I decided to shut everyone in my life, all the means that could connect me to them were also included. Lahat ng social media accounts ko ay deleted na maliban lamang sa aking f*******:. Kung bakit, hindi ko rin alam.           I immediately click the search bar and typed Reysa's full name. Hindi na ako nag aksaya pang hagilapin ang pangalan niya sa aking inbox dahil paniguradong natabunan na iyon. Ang makitang may roon akong higit benteng mensahe ay nakakatamad na sa aking mata.           "I'm home. Are you busy?" I typed after reaching her name. She's online about two hours ago and it's just past nine in the morning, she's probably at work kaya maaring mamayang tanghali o hapon n'ya pa mababasa ang aking mensahe.           I got tempted on the numbers of my notification so I scrolled through it but decided to close it seeing it was all irrelevant and nonsense.           I was about to logged out when that name caught my attention. It was posted 'just now'.                               Russell Perez: You're back, finally.           He posted. Then, my notification beeped. It was from him, a 'like' notification from the photo tagged to me. It was posted by my brother, minutes ago.           I opened it.           "Holy s**t!" I blurted.           It was me sitting on our kitchen island’s stool while talking to mama. Mama was also there but it was only her back that was caught in the picture.                               Jericho Romero: She's back!           My brother captioned it with a scared emoji.           Then, not a minute later, my inbox beeped. The chat box appeared with his name.           "Jia..." he messaged me.           Heat run through my whole system and before I could even think of anything, I closed my laptop and stared on it.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD