Third person pov
Tatlong taon na ang nakalipas mula ng mamatay si Althea. Tatlong taon na rin na naging malamig na ang pakikitungo ni Raven sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Mas naging alerto na siya at naging mapagmasid sa kanyang paligid. Tanging si Edward lang ang kanyang personal assistant at personal bodyguard ang tanging nakakaintindi sa kanya. Natanggap na niya ang pagkawala ni Althea ngunit bumalik naman siya sa kanyang dating bisyo. Ang kaliwat kanan na pakikipagtal*k sa mga babaeng nagbibinta ng kapirasong karne.
Si Edward ang kumikilatis sa mga babae at nagsuri sa kalinisan ng mga babaeng nais makasiping ng amo na si Raven Del Rocca.
“Kumuha ka rin ng sayo para naman makaraos ka, ikaltas mo nalang sa sahod mo,”sabi ni Raven.
“Ogag ka ba? Huwag nalang kung sa sweldo ko lang pala ikakaltas. Tandaan mo bossing hindi kalakihan ang sweldo na ibinigay mo tapos ipambabae ko pa. Sa ngayon mga magulang at kapatid ko palang ang binubuhay ko. Paano nalang kaya kung mag-aasawa at magkaanak na ako. Gusto mo pa yata na bumaon ako sa mga kalapating mababa ang load tapos mababaon din ako sa utang. Huwag na boss, ikaw nalang ang magpakasawa sa kalibogan mo. Total hindi mo naman kayang mabuhay na walang bibingka.”mahabang litanya ni Edward.
“Damn you jerk! 100k per month kulang parin sayo?”sagot ni Raven.
“Para sa malinis na babae 2k ang test at 20k ang kabayaran nila. Anong gusto mo boss sisiping ako sa bagoong? Baka magka-allergy pa ako, mahospital tapos hindi mo naman ako ipapagamot kaya sweldo ko ulit ang manganganib.”si Edward.
“Lumayas ka jerk, daig mo pa ang inahing manok na putak ng putak. Ibigay mo sa akin ang schedule ko para kitain ang kliyente.”saad ni Raven.
“For two weeks I cancel all your appointments at naka vacation leave kana dahil may banta na sa buhay ang lola mo. Hihintayin mo pa ba na may masamang mangyari sa Lola mo bago mo bisitahin?”si Edward.
“Pati ba naman ikaw kinuntsaba na rin ni Lola. Bawat bisita ko sa kanya kung kani-kanino nalang niya ako niririto. What a f*ck man, gusto niya na probensyana ang asawahin ko. Maipagmamalaki ko ba sa harap ng aking mga kasosyo sa negosyo ang isang probensyana. They are uneducated, walang alam sa sosyalidad. Mga inosente na kapag sinisigawan mo gagamitan ka lang ng crying effect. And also they are gold digger man,”Raven said.
“G*go napaka matapobre mo, dati hindi ka naman ganyan. Si Althea nga galing sa mahirap na pamilya pero minahal mo naman ng husto. Hindi mo naman iniisip na gold digger siya. Bakit ngayon ganyan na ang mindset mo Del Rocca? Hindi mo na maibabalik ang nakaraan boss, kaya wala ng saysay kung mananatili ka sa nakaraan. Let it go! Tanggapin mo na hanggang doon lang talaga ang kwento ninyong dalawa.”saad ni Edward.
Hindi lang isang amo ang turing ni Edward kay Raven. Dahil wala na siyang pamilya at tumakas lang siya mula sa mga sindikato na humawak sa kanya noon. Sa isang di inaasahan na pagkakataon nasagip niya si Raven. Nakita niya ang isang lalaki na gustong barilin si Raven habang naglakad ito patungo sa sasakyan nito sa isang parking area. Nakainom noon si Raven at nanggaling ito sa isang Bar. Itinulak niya si Raven para hindi matamaan. Ngunit sa kasamaang palad ang balikat ni Edward ang tinamaan. Nakatakas ang nais pumatay kay Raven at agad naman nitong dinala Sa hospital si Edward. Tinanong siya ni Raven kung nasaan ang kanyang pamilya. Nang sinabi ni Edward na wala na siyang pamilya at kung saan siya galing nakita nito ang reaction ni Raven. Ngunit kalaunan ay nagdesisyon ito na kupkopin si Edward. Pinagkatiwalaan siya ni Raven tinuring na kasangga at hindi lang basta bodyguard.
Mula ng gumaling na ang sugat ni Edward sabay silang nag-training ng martial arts sa Thailand for self defence. Mas madaling natuto si Edward kaysa kay Raven. Si Edward ang taong hindi agad na sumusuko hanggat hindi na achieve ang target nito. Sa bawat training, sa tagal nilang pagsasama sa isang sport mas nakilala nila ang bawat isa. Nangako si Raven na ituturing niyang kapatid si Edward. Paaaralin ito hanggang sa makapagtapos sa kursong nais nitong matapos.
Edward is a military sniper, and Raven is a businessman underground killer. Pumapatay ng mga taong nagbabait-baitan at nagpapakainosente sa harap ng lipunan. Mga inosenteng buwaya na akala mo ay walang anumalyang ginagawa sa lipunan.
“Huwag mo akong turuan sa narararamdaman ko jerk. Sarili ko ito at ako ang nakakaalam sa mga ginagawa ko.”saad ni Raven.
“Yes, you are right Boss sarili mo yan kaya dapat ikaw ang mas nakakaalam kung tama pa ba ang ginagawa mo o hindi na. Tandaan mo na temporary assistant mo lang ako. Kapag bumalik na ako sa mission kailangan mo nang pangalagaan ang sarili mo. Naibigay mo na kay Althea ang hustisya na nararapat sa kanya. Marami kanang pinatay at pwedi na kitang kasuhan.”si Edward.
“F*ck you!”naka sign finger pa si Raven. Pagpatung-patungin mo pa ang kaso na gusto mong isampa sa akin. The hell I care, do what you want idiot.”malademonyong saad ni Raven.
“Lahat ng mga perang kinuha mo sa donation box ng orphanages at church mo lang naman inilaan. Bakit kailangan mo pang gawin yan Boss? Kinulang ka ba sa pera oh sadyang ugali mo lang na mangutong sa ibang mga negosyante.”tanong ni Edward.
“B*bo ka ba ASI B4 Edward Alvarez, kawang gawa ang tawag doon. It's a part of a good deeds, ang mga ninakaw nila ninakaw ko rin tsaka ibinigay sa mga charities at church.”sagot ni Raven.
“Nabuang kana, gumagawa ka ng masama para may ipang-good deeds ka. Bahala ka nga, matanda kana kaya alam mo na ang mabuti o hindi. Huwag puro pangbabae ang atupagin mo Boss. Baka mag-expire na yang tam*d mo at hindi kana makakabuo. Sa dinami-dami mong mga ari-arian at negosyo kailangan mo ng bumuo ng tagapagmana. Kung ayaw mo na mapunta sa gold digger ang mga kayamanan mo. Gumawa ka ng sarili mong lahi na karapat-dapat na magmana sa mga kayamanan mo.”payo ni Edward.
“Huwag mo akong perwisyohin Alvarez. Kung gusto mong mag-asawa aba humanap ka nang aasawahin mo. Huwag ako ang pag-initan mo, at huwag mong gayahin si lola.”sagot ni Raven.
Nailing nalang si Edward sa sagot ng amo.
oooOooo
Dahil sa kakulitan ng matanda ay napilitan na umuwi ni Raven sa probensya ng kanyang abuela.
Lulan ang kanyang helicopter nakarating kaagad siya sa hacienda. Saktong-sakto na paglapag niya ay oras na ng pananghalian.
“Ang haba na ng balbas mo Raven at nagmukha kanang ermitanyo. Wala bang barber shop sa Manila? Maupo kana at sabay na tayong mananghalian. Keziah pakidala nga dito ang niluto kong afritada. Paborito mo ang afritada kaya ipinagluto kita. Alam mo ba na tinuruan ko na ring magluto si Keziah. Ang bilis niyang matuto at nakuha kaagad niya ang tamang templa.”sabi ni Donya Felecia.
Nakayuko lang si Keziah habang hinatid ang afritada na niluto ni Donya Felecia. Nahihiya siyang tingnan ang lalaki na galing Maynila. Though nakikita na niya ang gwapong hitsura nito dati. At sa mga photo album na nasa silid ni Donya Felecia.
“Keziah kilala mo na ang senyorito mo di ba? Ang nag-iisa kong apo, ang nag-iisa kong kayamanan sa buhay. Raven hijo ito si Keziah ang nag-aasikaso sa akin kapag wala siyang pasok sa paaralan.”pagpapakilala ng matanda.
“Magandang araw po senyorito,”magalang na pagbati Si Keziah.
Nakatingin lang si Raven ngunit hindi sumagot.
“What a nerd!”he murmured.
Hindi niya nagustuhan ang hitsura ng pananamit nito. Ang pagiging kayumanggi nito na malapit ng maging negra. Si Keziah naman ay naiilang kaya agad siyang nagpaalam at umalis.
“Abuela naman paano nyo naman naisip na ipakasal ako sa isang dugyot na babae. Paano ko ba yan dadalhin sa Manila? Kung hahanapan nyo lang din pala ako ng mapangasawa sana pinili ninyo ang may hitsura. Hindi ang isang katulad niyan na halos hindi yata naliligo.”saad ni Raven.
“Tumahimik ka, napaka salbahe mong lalaki. Can't you see her inner beauty? She is so kind and honest.”saad ni Donya Felecia.
“Abuela, hindi niya kayang pantayan si Althea. Sobrang layo niya sa hitsura ni Althea.”saad ni Raven.
“Siraulo ka talagang lalaki ka, hindi ka marunong kumilatis ng tamang tao. Patay na yung kinukumpara mo sa kanya. Kaya kalimutan mo na iyon dahil hindi na iyon babalik para samahan ka sa iyong pagtanda. Gusto ko na bago ko lisanin ang mundong ibabaw makita ko na nasa maayos kang kalagayan Raven Del Rocca. Ayaw pa ng diyos na mamatay ako. Kaya sana bigyan mo naman ako ng apo sa tuhod. Kapag hindi mo ako sinusunod, huwag mo na akong kausapin pa. Lumabas ka Raven o di kaya'y umuwi kana sa Maynila. Isipin mo nalang na patay na ako at wala kanang natitirang pamilya.
Wala kang pinag-iba sa ina mo na walang malasakit sa pamilya. Namatayan lang ng asawa, nawala na rin na parang bula. I doubt it na baka ang ina mo ang pumatay mismo sa anak ko.”may hinanakit na saad ni Donya Felecia.
“Abuela!!! Why did you think like that? How about if someone abduct and kill her too?”depensa ni Raven.
“At bakit hindi mo inimbestigahan ang pagkawala ng iyong ina? Hindi man lang na sumagi sa isip mo na hanapin at alamin ang dahilan sa kanyang pagkawala. Bakit hindi mo pina-imbestigahan ang pamilya ng ina mo? Half of your father's assets bakit nga ba nakapangalan sa kanila? Di na dapat sayo mapunta yon dahil ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng mga Del Rocca. B*bo ka Raven Del Rocca at hindi mo namana ang katalinuhan ng iyong ama. Umalis kana Raven at huwag kanang umuwi pa dito.”galit na saad ni Donya Felecia.
May punto nga naman ang kanyang Abuela dahil hindi niya inalam kung ano ang dahilan ng pagkawala ng kanyang ina. Lumabas si Raven sa silid ng kanyang Abuela. Pumunta sa kwadra ng mga kabayo at kinuha ang kanyang paboritong kabayo na si Thor. He need to breath some fresh air. He needs to think about what is the right thing to do...