chapter 6 ang pang-iinsulto kay Keziah

1613 Words
Third person pov Habang nag-iikot si Raven sa buong hacienda. Naisip niya na simply lang naman ang kahilingan ng kanyang Abuela. Kung papayag siya sa kagustuhan nito ngayon pwedi naman siyang mag-file ng divorce. Money is not a problem kahit isang milyon pa ang kailangan niyang bayaran. Para mapasaya niya ang kanyang Abuela susundin niya ang nais nito. At may isa pang sinabi ang kanyang abuela ang tungkol sa pagkawala ng kanyang ina. “Bakit ko nga ba hindi tinutukan ang pagkawala ni mommy?”napatanong si Raven sa kanyang sarili. “Ganun na ba ako kasamang anak?”dagdag pa niya. Naisip niya na ang pagkamatay ni Althea ang mga salarin ay agad niyang siningil. Naibigay niya kaagad ang hustisya nito. Ngunit bakit sa kanyang ina kulang ang pagtutok niya sa pagkawala nito. Papaniwalaan na ba niya ang mahika? Na ginamitan siya ng panlilinlang para hindi na niya tuklasin ang pagkawala ng kanyang ina. “Damn it! What a f*ck? Uso pa ba ang mahika?”he cursed. Sa unahan ni Raven may nakita siyang nag-aararo. Nagtataka siya Kung bakit mahaba ang buhok nito. Nang medyo makalapit na ito sa gawi niya nakatungo lang ang babae. “Kababae mong tao bakit ikaw ang nag-aararo? Wala ka bang ama o kapatid? Mga batugan ba ang lalaki sa inyo at ikaw iyang nag-aararo?”tanong ni Raven. “Ipagpaumanhin ho ninyo senyorito. Kailangan munang magpahinga ng aking ama dahil kakaopera pa lang ho niya. At ang aking mga kapatid na dalawang lalaki ay maliliit pa lang ho. Bilang panganay para may makain kami ako ho ang inaasahan nila.”saad ni Keziah. “Ito ang babaeng nais ipakasal sa kanya ng kanyang Abuela. Magsasaka pa ang nagustuhan ni Abuela para maging aking asawa. Isang anak ng araw ang aking aasawahin.”pangungutya ng isip ni Raven. “Mawalang galang na ho kung wala na ho kayong sasabihin, nais ko na ho na ipagpatuloy ang aking ginagawa.”saad ni Keziah. Tumango naman si Raven bilang sagot. Naalala niyang itanong sa dalaga ang isang katanungan. “Huminto ka babae, I want to ask you something. Bakit ka nga ba pumayag na magpakasal sa akin? Ginayuma niyo ba ang abuela ko para makapasok sa pamilya namin?”si Raven. “Alam ho namin ang estado namin sa buhay senyorito. Alam ho namin na nasa ibaba kami nakaapak habang kayo ay nasa itaas at abot ang langit. Ang aking pagpayag ay hindi ho dahil sa gusto ko ho na umangat sa buhay. Ang Lola ho ninyo ang nagpa-opera sa aking ama na may sakit. Nangako ho ako sa kanya na babayaran ko siya kada buwan. Na kahit ho habang buhay akong magbabayad malugod kong tatanggapin. Pati si inay ay nais na rin na tumulong sa pambayad. Nang kausapin ho ako ng iyong abuela saka ko nalaman na kapag pumayag ako na magpakasal sayo ay mababayaran ko na ang inutang naming pera. Wala ho akong intensyon na makihati sa kayamanan ho ninyo. Nais ko lang ho na makabayad sa utang namin sa abuela ninyo. Nakita nyo naman ho kung gaano kalaki ang agwat natin. Sa hitsura nyo pa lang ho mukha na ho kayong aking tiyuhin. Sige ho ipagpapatuloy ko na ang aking trabaho.”saad ni Keziah. “Damn it! What a f*ck! Where did she get the strength to say that word to me?”napamura si Raven. Umalis si Raven na naiinis sa sinabi ni Keziah. Isang maitim na babae pero kung umasta ay akala mo kung sino. She's not look like a human daughter, she looks like a kapre daughter,”saad ni Raven. Edward calling.... “What??? Why did you call me?”singhal ni Raven. “Wooohhhhh nangyari sayo? May regla ka ba? Ang init ng ulo mo Del Rocca. Mas painitin ko pa yan sa balitang sasabihin ko.”si Edward. “Anong balita nga moron! You're wasting my time.”galit na sagot ni Raven. “Are you having intimate with your so called bride to be Mr. Del Rocca,”pambubuska ni Edward kay Raven. “Shut up moron! Why did you call me? What do you want jerk?”singhal ni Raven. “Marry your bride and come back here as soon as possible dahil nahanap ko na ang hayop na tumangay ng sampung bilyones mo noong nakaraang taon. Hawak ko na siya ngayon kaya dalian mo. Hindi ko naman ito pweding ipakain kaagad sa mga buwaya hanggat hindi mo nakukuha ang iyong bilyones Del Rocca.”saad ni Edward. “Bakit hindi mo singilin ang utang niya Alvarez? Isang taon na rin yon, malaki na ang tubo nun. Kararating ko lang pinapauwi mo na kaagad ako hayop ka.”raven cursed. “Galawang torpe boss, magaling umiyot pero di marunong manligaw. Mas lalo kanang tatanda niyan at ang malala pa baka mag-expired na lahi mo.”lalo pang inaasar ni Edward ang amo. Nagmumura na naman ng marami si Raven. Naisip pa nito na kapag malapit lang sana si Edward baka binikwasan na niya. Pinatay niya ang tawag dahil mas lalo lang siyang inaasar ng lalaki. Umuwi na siya sa bahay ng kanyang abuela. “Abuela, hindi ba talaga pweding humindi sa inaalok mong kasal?”tanong ni Raven habang naghapunan sila ng kanyang Abuela. “No! I don't want you marry those gold digger. At ayokong mag-asawa ka nang mayayaman tapos lolokohin ka lang.”saad ng abuela ni Raven. “Sa tingin nyo ba hindi gold digger ang babaeng gusto ninyo na maging aking kabiyak? Bukod sa hindi na maganda, mahirap lang at high school graduate pa lang.”sagot ni Raven. “Shut up Raveno! Gusto ko lang na mapabuti ang buhay mo kapag nawala na ako. Mabait at mabuting babae si Ayen. Matalino yan at may busilak na kalooban. Maganda siya kulang lang sa pag-aalaga sa sarili. Kapag hindi siya ang pinakasalan mo huwag kanang umuwi dito sa mansion ko. Huwag ka nang makibalita sa kalagayan ko.”may hinanakit na saad ni Donya Felecia. Napapailing naman si nang marinig ang sinabi ng kanyang Abuela. “What her name again?”he asked. Keziah Ayen Zamora. “I need to go back to Manila as soon as possible because I have an important matter to fix. Papuntahin mo ang family lawyer natin dito sa mansion. We will sign a marriage agreement or as they called marriage certificate.”saad ni Raven. “What? Hindi mo siya papakasalan sa memorabling paraan? My goodness Raveno, it's happen once in a lifetime at bakit ipagkakait mo pa. Siraulo ka talagang lalaki ka, puro kabulastugan lang ang alam mong gawin.”inis na saad ni Donya Felecia. “Abuela pumayag na ako sa gusto mo, I agree to marry her. Tumawag si Edward kanina may importante akong aasikasuhin sa Manila kaya kailangan kong umalis.”ai Raven. “Papakasalan mo si Ayen tapos iiwan mo. Aba eh anak ng ogag kang lalaki ka. Hindi na makatarungan iyang ginagawa mo.”si donya Felecia. “Okay isasama ko siya sa Manila pag-alis ko bukas. Now happy?”sabi ni Raven. Nailing nalang si donya Felecia sa katigasan ng ulo ng kanyang apo. oooOooo Kinagabihan pinatawag ni donya Felecia ang mag-ina para pag-usapan ang pirmahan sa kasal ng kanyang apo at kay Ayen kinabukasan. “Huwag kang matakot mabait naman ang apo ko. Katulad ng kabaitan na ipinapakita mo sa akin. Sigurado na matutunan ka rin niyang mahalin Keziah. Alagaan mo ang aking apo, katulad ng pag-aalaga mo sa akin. Nakikita ko ang kabutihan mo at alam ko na magiging maayos ang takbo ng buhay ng aking apo kapag ikaw ang kanyang kabiyak. Matatanggap ka rin niya kapag magkakaanak na kayong dalawa. Mag-iingat ka kapag nasa Maynila kana at sundin mo lang ang lahat ng sasabihin niya.”saad ni donya Felecia. Naiyak naman ang ina ni Keziah dahil mawawalay na sa kanila ang kanilang anak na si Ayen. Pag-uwi nila sa bahay pati ang ama ni Keziah ay malungkot. At ang mga kapatid naman ni Keziah ay ganun din. “Ate Ayen, bisitahin mo kami dito ha, dahil mami-miss ka namin,"si Joseph ang bunsong kapatid ni Keziah. “Oo naman bibisitahin ko kayo, at ikaw Kevin ikaw na ang bahalang umalalay kay nanay at tatay. Mag-iingat kayo dito at alagaan ninyo ang inyong sarili.”bilin ni Keziah sa kanila. “Kung hindi lang sana ako minalas at nagkasakit. Hindi mo na Sana kailangan na magsakripisyo ng ganito Ayen. Pasyensya kana kay tatay kung ganito ang nangyari sa akin. Pasyensya kana kung wala akong naibigay na magandang buhay sayo anak.”umiyak na saad ng ama ni Keziah. “Tatay, huwag mong isipin ang ganyan dahil pagsubok iyan ng diyos. Ang mahalaga ho ay binigyan pa ho niya kayo ng pangalawang buhay para may matawag kaming tatay. At ang tahanan na ito ay may matawag na haligi. Tanggap ko na ho na ganito ang aking kapalaran kaya huwag nyo na hong sisihin ang inyong sarili. Basta tandaan ho ninyo na mahal na mahal ko kayo."naiyak na rin na saad ni Keziah. Dahil aalis na si Keziah kinabukasan magkatabi silang natulog lahat. Sabay na nanalangin sa diyos na nawa'y gabayan sila sa kanilang naging desisyon. Ang diyos ang may likha, ang diyos na rin ang bahala sa kanilang kaligtasan at kasaganahan sa buhay. Ang mahalaga ay lumalaban sila ng patas, hindi nanlamang ng kapwa. At lalong hindi gumagawa ng masama sa kapwa. Masakit ang pang-iinsulto na ginawa kanina ng kanyang senyorito. Ngunit ang pakiusap ni donya Felecia nalang ang kanyang pinanghahawakan. Dahil sa kanilang utang at kabutihan nito hindi niya kayang tanggihan. Ika nga niya bahala na si Batman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD