chapter 7 ang maaanghang na salita

1514 Words
Keziah pov Sumakit ang aking ulo, dahil siguro ito sa byahe. Maliit lang naman pala ang bahay nito dito sa Maynila. Ang akala ko katulad sa probinsya na sobrang laki ng kanilang mansion at marami akong kailangan na linisan. Ayos na ito para sa aming dalawa. Ganito pala ang Maynila puro nagtataasang building lang ang nakikita. Ang liit ng mga sasakyan sa ibaba na para lang mga langgam. “Yan ang silid mo at diyan ka matutulog. Papasok ka lang sa silid ko kapag kailangan mong linisin. Huwag mong pakialaman ang mga gamit ko. Kapag may nawawalang documents mananagot ka sa akin. Tandaan mo na asawa lang kita sa papel. Sa paningin ko katulong ka lang at trabaho ng isang katulong ang iyong dapat atupagin. Wala si Abuela dito kaya hindi ko kailangan na magpakabait sayo. Kung anong ugali man ang ipapakita ko sayo wala kang karapatan na kwestyonin. Libre ang pagkain mo, matutulogan at personal needs. Ngunit bawal kang magreklamo, bawal kang mangialam sa gagawin ko. At kung sino man ang dadalhin ko sa condo unit ko na ito bulag, pipi at bingi ka. Wala kang ibabalitang masama kay abuela ko. Kung kakausapin ka man niya, magagandang balita lang ang sasabihin mo. Bawal kang lumabas sa condo na ito, dito ka lang sa loob. Kung anuman ang tawag mo sa akin ganun parin ang itawag mo. Dapat walang makakaalam na asawa kita sa papel, nakakahiya. Malinaw ba ang lahat ng sinabi ko? Nagkakaintindihan ba tayo?”mautoridad na saad ni senyorito. O-opo! Kayo ho ang masusunod at asahan ninyo na hindi ho ako kokontra sa mga habolin ninyo. Tatandaan ko ho ang lahat ng inyong mga sinabi. Kahit masakit tatanggapin ko, kahit gusto kita pipigilan ko ng magkagusto ko sayo. Tuturuan ko ang aking sarili na kamuhian ka. Itatanim ko palagi sa aking utak na narito lang ako para mabayaran ang aming utang. “May mga grocery na dyan sa ref at sa cabinet. Ikaw na ang bahala sa mga gusto mong kainin. Basta huwag kang magsayang ng pagkain. Alam mo naman siguro ang buhay mahirap kaya dapat alam mong pahalagahan ang mga pagkain. Hindi porket nakatungtong kana sa likod ng kalabaw iisipin mong mas malaki kana kaysa sa kalabaw. Intiendes?”singhal ni Raven. Parang binudburan ng asin ang puso ni Keziah. Dahil nakikita niyang hindi tao ang tingin sa kanya ng lalaki. Tinuring nito na para lang siyang uod na nakasampid sa isang malaking kahoy at unti-unting nangatngat hanggang sa maubos. Nasasaktan ako ng labis kahit alam naman ko naman kung ano ang dapat kung kalalagyan. Mawalang galang na ho senyorito at ako ho ay papasok na sa aking sili. Unang beses ko ho na sumakay sa helicopter kaya nakakaramdam ho ako ng hilo. “Aalis ako at hindi ko alam kung anong oras ako babalik o baka bukas na ako makakabalik dito. Marunong ka naman sigurong magsaing o gumamit ng kalan kaya magluto ka nalang. Huwag kang matulog na nakasindi ang kalan. Huwag mong sunogin iyong condo unit ko dahil hideout ko ito kapag nangangailangan ako.”sabi niya. Hindi ko na gets ang kanyang sinabi. Para siyang baliw na kung anu-ano nalang ang sinasabi. Umalis na siya kaya napabunyong hininga nalang ako. Tsaka ko pinakawalan ang luha na nais ng kumawala kanina pa. Dahil sa mga maaanghang niyang sinabi, sana inisip man lang niya na tao lang din ako at may damdamin na nasasaktan. oooOooo Bakit napakaingay na parang may mga taong nag-uusap. Napabalikwas ako ng bangon ng maalimpungatan ko ang ingay. Agad akong lumabas para tingnan kung saan nanggaling ang ingay. “Ahhhh babe ahhhh spank me baby. Ohhhh yeah I like it! Sige pa bilisan mo pa ahhhh babe ang sarap mo ang laki ng alaga mo,”sigaw ng babae. Kinikilabutan ako sa aking narinig, parang may nagbembangan. Nagmula sa silid ni senyorito ang ingay, ibig sabihin umuwi siya. Anong oras na nga ba? Nakita ko ang wall clock sa may living room. Alas dose na ng umaga, hatinggabi na pala. At sa ganitong oras may dinala pala siyang babae. Hindi naman sa probinsyana ako wala na akong muwang. Mahilig magbasa ng w*****d at pocketbook ang aking mga kaklase. Kaya minsan nakikibasa na rin ako, nanghihiram ako ng mga romance novel. Kaya alam ko ang mga kwentong mayayaman at mga inaapi. Ngayon narito na ako sa reyalidad ng buhay. At ang kwento ko ay naaangkop sa kwentong inaapi o inaapakan ang pagkatao. Umpisa pa lang ng aking laban at mukhang alam ko na ang aking daan na tatahakin. Bumalik ako sa aking silid dahil ayoko nang marinig ang kanilang kahalayan. Gusto ko sanang matulog ulit pero hindi na ako dinadalaw ng antok. Malinaw kong naririnig ang kanilang kahayupan. Hindi ko alam kung bakit pumayag ako na sa ganitong paraan ko babayaran ang utang namin kay donya Felecia. oooOooo Tanghali na akong nagising dahil bukangliwayway na akong nakatulog ulit. Kumakalam na ang aking tiyan dahil hindi ako nakapaghapunan kagabi. Nakaramdam ako ng matinding pagkagutom. May sariling banyo ang aking silid kaya pumasok muna ako doon para umihi. Pagkatapos ay nagsipilyo at naghilamos na rin. “Gising na pala ang Reyna ng England. Hindi ako na inform na Reyna pala ang aking dinala dito at hindi katulong. Bukod sa pangit kana makapal din pala iyang pagmumukha mo. Sa pagkakaalam ko ang mga magsasaka ay kamay ang kinakalyo. Pero bakit pagmumukha mo yata ang kinakalyo ng husto. Kung gusto mong kumain pagtrabahuhan mo. Hindi pweding tutulog-tulog ka lang ay pagkagising kakain nalang. Tandaan mo babae na sa poder ko isa kang katulong at hindi Reyna. Kung sa probensya nagawa ninyong paikotin ang ulo ng aking abuela. Dito sa Manila hindi uubra ang pagiging greedy mo.”tuloy-tuloy niyang litanya. Ang aking mga luha ay hindi ko na napipigilan. Sobrang pasakit na ang kanyang mga pinagsasabi. Pumunta ako sa may gripo at uminom nalang ng tubig dahil nahihirapan na ako sa paghinga. Ang sikip ng aking dibdib, hindi na ito kathang isip. Hindi na ito isang kwento na aking nababasa. Ito ay totoong kwento na ng aking buhay. Bumalik ako sa aking silid para doon ibuhos ang lahat ng mga hinanakit na nais pang kumawala mula sa loob ng aking puso. N-nanay, u-unang araw ko pa lang hek.. pero n-ahih-hirapan na a-ako. Nay, sa-sana ay p-pinili ko nalang ang m-maging m-magsasaka hek na k-kamay at k-katawan ko lang ang s-sumasakit hek. Iba ang sakit na du-dulot sa ma-makamandag niyang bibig nay. U-unang araw pa lang nais ko nang su-sumuko p-paano nalang kaya ang sumunod na mga araw hek. Mas lalong sumakit ang aking ulo dahil sa sinabi ni senyorito kanina. Binaha na ng aking luha ang unan dahil sobrang basa na nito. Narararamdaman ko na rin ang pagbigat ng aking piluka. Ibig sabihin namamaga na ng husto ang aking mga mata. Dahil sa labis kong pag-iyak mas lalo kong naramdaman ang pagbigat ng aking ulo. Nakatulog ulit ako dahil sa pagod ng aking pag-iyak. Mas nakakapagod pala ang pag-iyak kaysa pag-aararo sa sakahan. Nagising ako ng mga alas tres na ng madaling araw. Dahil nanginginig ako, nag-aapoy ang aking katawan sa init. Gusto kong uminom mainit na tubig para maibsan ang lamig. Lumabas ako ng silid para pumunta sa kusina. May nakita akong pagkain na nakahain sa lamesa. Tinatakpan ito ng plato, siguro pagkain ng demonyo. Nag-iinit ako ng tubig at binuksan ang ref para tingnan kung may tinapay ba o may pwedi ba akong kainin. Nakita ko ang Gardenia loafbread kaya iyon nalang ang aking kinain. Kumuha ako ng coffee mug para sa mainit na tubig. Doon ko isinawsaw ang tinapay tsaka kinain. Hinanap ko ang medical kit baka meron din si senyorito. Maghahanap lang ako ng paracetamol paraaibsan ang sakit ng aking ulo at mawala ang aking lagnat. Kung may pwedi lang sana akong basahin baka malibang ko pa ang aking sarili. Pagkatapos kong kumain ng tinapay medyo nawala na ang sakit ng aking tiyan. Sa isang cabinet nakita ko na ang medicine kit at may paracetamol naman kaya kumuha ako at ininom. Bumalik ako sa aking silid at muling humiga. Naawa ako sa aking sarili dahil unang araw palang ramdam ko na ang aking pagiging preso. Nakakulong sa isang hawla at wala nang kalayaan. Hanggang kailan ko titiisin ang ganitong kalagayan. Hanggang kailan ko kaya kayanin ang kaparusahan na igagawad ng isang taong walang puso. Totoo pala na may heartless human na kayang manakit. Taong hindi marunong maawa at walang konsiserasyon sa mga taong nasasaktan. Tinanggap ko naman na maging katulong, tinanggap ko naman na huwag niya akong ituring na asawa. Bakit kailangan pa niya na paulit-ulit akong insultuhin. Kasalanan din naman nila kung bakit ako hindi nagising ng maaga. Nakainom na ako ng gamot pero nilalamig parin ako. Kaya nagtalukbong nalang ako para maibsan ang lamig. Mas lalong na miss ko tuloy si nanay, naalala ko kung paano niya kami alagaan kapag may sakit kami. Ang hirap pala kapag nawalay sa pamilya. Ang hirap pala ng buhay kapag wala kang kakampi. Patunayan nyo ho ako panginoon at nawa'y huwag mo akong pabayaan sa aking bawat hamon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD