Kabanata 2: Welcome to Kuala Lumpur

1255 Words
“Malapit lang ang Malaysia kumpara sa huling bansang pinuntahan ko. Walang dapat alalahanin," wika ni Mattia sa mga kasama habang nag-aayos sila ng gamit. Samantala, halos mabiyak na ang zipper ng bagahe ni Joriz. “Sinabi ko sa’yo magdala ka lang ng kaunting gamit, hindi buong bahay!” singhal ni Chubs habang pilit ding sinasarado ang sariling zipper. Nirereklamo ang kaibigan kahit siya rin naman ay ganoon ang ginagawa. “Excuse me,” depensa ni Joriz, "ikaw rin naman, ah!" “Importante ‘tong mga dalang ito… baka magutom tayo, may dala akong tatlong lata ng sardinas,"— si Chubs. Napasapo na lamang sa ulo si Mattia dahil sa kabaliwan ng dalawa. Umabot ng apat na oras ang biyahe sa eroplano mula sa NAIA hanggang sa Kuala Lumpur. Nang makarating sa arrival area, agad na ikontak ni Mattia ang kanilang informant na magsisilbi rin nilang tour guide sa bansang ito. Nagtungo muna si Mattia sa ATM Machine, upang magpapalit ng Philippine peso sa Malaysian Ringgit, nag-budget agad siya sa isip. Sagot naman ng kumpanya nila ang lahat ng gastusin sa mga international mission pero nangangamba siya na baka hindi magkasya ang iwi-withdraw na pera para sa kanilang tatlo. Binilinan siya sa training noon na hindi dapat maging maluho. Hindi sila nandito para magwaldas ng salapi o mag-shopping spree. "Okay lang siguro na magpalit ako ng konting halaga rito sa Airport baka mas maganda ang rate sa City Center," naibulong ni Mattia at naglagay na ng card sa ATM. "Paano tayo makakapunta sa City Center?" untag ni Chubs kay Mattia. Maaga pa naman subalit mukhang pagod na sila sa magdamag na byahe. "Mag-bus na lang tayo, iyon ang pinakamura. Pagod na ba kayo? Gusto n'yo bang magpahinga muna sa hotel? Mag-book tayo sa Travelodge, mas mura daw doon. Hindi naman tayo magtatagal dito sa kapital. Kahit isang gabi lang siguro..." "Anong hindi magtatagal?" umangal agad si Joriz. Nasa mga mata pa rin nito ang labis na kasabikan. "Gusto kong makita ang Petrona Twin Towers!" "Hindi tayo nandito para gumala!" — si Chubs. "Eh, nandito rin naman tayo, gumala na tayo. Sayang ang chance, no !" Napakamot na lamang sa ulo si Mattia. Sabagay, siya rin naman ay nais makita ang ibang kultura dito. "Sige na nga pero maghanap muna tayo ng matutuluyan. Mukhang papayat na itong si Chubs, eh." "Nagugutom na nga ako..." Napahawak ang matabang lalaki sa alaga niyang tiyan. "Diyan ka magaling!" singhal ni Joriz. "Nasaan daw ang informant natin?" Bumalik ang isip ni Chubs tungkol sa misyon. "Wala pa namang reply sa akin pero mukhang mayamaya pa tayo maaasikaso. Hindi pa raw nakakarating dito ang kliyente natin." paliwanag ni Mattia. "Iyan, may oras pa tayo para gumala!" Nagningning ang mga mata ni Joriz sa katuwaan. "Mag-ingat tayo rito lalo na at wala naman tayong kasamang adult. Hindi tayo pwedeng kung saan-saan nagsusuot," bilin pa rin ni Mattia sa mga kasama. *** Pagdating sa kapital, nagpapalit muna sila ng pera sa money changer stall at saka sila nag-book sa pinakamurang hotel na ni-recommend ni Mattia. Nakatulog na silang tatlo sa silid na nirentahan at nagising nang bandang hapon na. "Pumunta tayo sa Bukit Bintang!" Pagkapahinga, nagyaya agad si Joriz. Kanina pa naririndi si Mattia sa mga request ng kaibigan. Simula nang makaapak sa ibang bansa, wala na itong ibang bukambibig kundi ang gumala. Abala si Mattia na maglaro ng mobile games at mag-relax sa upuan. Ayaw niyang magpagod ngayon. Lalo pa't kapag nagreply na ang kanilang informant, magtutuloy-tuloy na ang laban nila at wala na silang pagkakataon na makapagpahinga. "Joriz, nasa isip mo lang talaga ay gumala." Napabuntong-hininga si Mattia. Si Chubs din ay gusto lamang humilata sa kama buong magdamag. Dalawa ang kama sa silid na nirentahan nila. "Ayaw kong umalis, pagod pa ako." "Masasarap daw pagkain doon. Ayaw n'yo ba makatikim ng mga cuisine dito!" Nang marinig ang sumunod na sinabi ni Joriz biglang napatayo si Chubs. "Tara na! Ano pa ang hinihintay ninyo? Maaga pa ang gabi!" Napasapo na lamang sa ulo si Mattia. Wala bang jetlag ang mga ito at parang wala yatang kapaguran? Hindi talaga naiisip ng mga ito na misyon ang pinunta nila at hindi galaan. Pinagbigyan na lamang ni Mattia ang mga kaibigan para manahimik na ang mga ito. Lalo na si Joriz na putak nang putak. Nag-book sila ng grab car at pumunta sa Jalan Alor Food Street sa Bukit Bintang. Malapit lang naman ang kainan na iyon sa tinutuluyan na hotel. Nang makarating doon, halos hindi makahinga sila Mattia dahil sa dami ng tao. Gayunman, mukhang bale-wala lamang iyon kina Joriz at Chubs na nakahanap agad ng food stall na bibilhan ng pagkain. Parang treasure hunters na nakakita ng jackpot ang dalawa. Bumuntot na lamang siya sa mga ito. Tinikman ng mga ito ang street food na nakita, Satay raw ang tawag doon pero mukhang barbeque sa paningin nila. Bumili rin sila ng Teh Tarik, isa sa mga kilala raw na milk tea sa bansa. Maingay ang lugar dahil sa napakaraming tao at musika sa mga food stalls. May bakanteng upuan at mesa sa gilid. Umupo silang tatlo roon at um-order ng Nasi Lemak— ito raw ang popular na dish sa Malaysia. Gusto lamang nila itong matikman. Habang kumakain napatingin si Mattia sa selepono, nakatanggap siya ng update mula sa informant nila. "Nandito rin daw si Ms. Amira sa Kuala Lumpur. Kararating lang din ng client natin sa airport. Gusto ba nating makipagkita ngayong gabi?" Natigilan si Chubs sa paglamon at napatingin sa kaibigan. "Mabuti pa nga para matapos agad natin ang misyon. Tatlong araw lang ang binigay sa atin. Saan daw ang meet up?" "Sa Mandarin Oriental daw mag-stay ang private client natin, malapit daw sa Twin Towers tayo magkita-kita." Medyo nabigla si Mattia nang mabasa ang elektrikong mensahe. Alam niyang isang 5 star luxury hotel ang binanggit. Kung sino man itong kliyente nila siguradong bigatin. "Ayos!" sabik na naman si Joriz dahil sa narinig. "Makikita ko na rin sa wakas ang Petronas Twin Tower." "Ano bang espesyal sa lugar na 'yon?" Hindi maunawaan ni Chubs ang katabi. Sumubo muli siya ng pagkain. *** Matapos kumain ay muli silang bumiyahe at nadaanan pa nila ang mga sikat at naglalakihang malls doon. Sa paglalakad patungo sa meeting place, nabusog ang mga mata ni Joriz dahil buhay na buhay ang night life sa kapital. Panay ang pa-picture niya sa mga lugar na nadaanan. At naiinis na rin si Chubs kay Joriz dahil ginawa siya nitong photographer. Mabilis daw natutunaw ang mga kinain niya dahil sa kakulitan ng kasama. “Pambihira, pati pusa sa kanto pinapapicture mo!” reklamo ni Chubs. “Instagrammable ‘yun!” sagot ni Joriz. Iniisip naman ni Mattia kung bakit kasama niya ang dalawang taong walang concept ng focus sa misyon. Napapakamot na lamang siya sa ulo. Hindi naman kasi siya mahilig mag-picture at mag-post sa social media. Hindi katulad nitong si Joriz na active sa mga ganitong gawain. Pagkaraan ng ilang minutong paglalakad ay nakarating na rin sila sa Twin Tower, mabuti na lamang at magaling si Mattia sa direksyon at hindi nahihiyang magtanong sa mga taga-roon. Marunong naman mag-english ang mga Malaysian, sa katunayan, katulad sa Pilipinas— isa rin sa pangunahing wika nila ang English. Kaya wala silang naging problema sa komunikasyon. Nang matanaw nila ang Twin Tower, napagtanto na rin ni Chubs kung bakit gustong-gusto ni Joriz na pumunta roon. Napakaganda ng tanawin doon kapag gabi. Puno ng ilaw ang tuktok ng dalawang tore. “Okay fine,” amin ni Chubs. “Maganda nga.” ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD