CHAPTER 9: ILUSYON SA SALAMIN

1870 Words
KULOT POV "Cindy?????".... Napa atras ako at hindi ko alam kung ano ang nararamdan ko. Para akong nakapag kape ng ilang tasang kapeng barako dahil sa matinding hindi ko makontrol na panginginig ng aking katawan. Lumayo ako sa kanya, pumunta ako sa sulok sa pinakamalayong parte ng silid mula sa kanya. Para syang isang bombang maaaring sumabog oras na mamali ako ng gagalawin. Natatakot ako sa pwede kong gawin. Hindi ko maramdaman ang galit. Naguguluhan ako. Natatakot ako sa kaya kong gawin sa babaeng ito. Pinagsisiksikan ko ang aking katawan na kung pwede lang ay tumagos na ako sa pader. Sa matagal na panahong paghahanda naming muli syang makita para gantihan ay narito sya ngayon sa kama, nakahiga at lasing na walang kalaban laban, tanging kami lang dalawa sa silid na ito. Kahit anong gawin ko sa kanya ay walang makaka alam. Hindi ko masariwa ang nag aapoy na poot sa aking puso, mas nangingibabaw ang halo halong kaba at pag aalinlangan. Kung ano mang gawin ko sa kanya ay maaaring syang maging wakas sa matagal na naming pagbibigay ng sakit sa mga babaeng tulad nyang nadamay lamang sa aming galit sa kanya. Napalingon ako sa malaking salamin sa pader. Naka patong ang aking nakahalukipkip na mga kamay sa aking naka tiklop na tuhod. Hindi ko namamalayan ang tila naging bukal na aking mga matang nagsimulang bumulwak ng mga luha. Nakita ko ang repleksyon kong sinasalamin ang aking itsura nang gabing mawala si Clifford. ... Isang binatang litong lito sa mundo. Hindi maipaliwanag bakit nangyayari ang ganung bagay. Namamanhid ang dalawang kamay nitong syang humawak at nagbaba sa lubid kung saan naka bitin ang kanyang bunsong kapatid. Wala syang magawa kundi umasa sa milagro. Paos ang boses nitong maski panalangin ay hindi nito kayang usalin. Humihiling na huminga ulit ang wala nang malay na pinakamamahal nilang bunso. "Bunso, jusko bun----ssssoo--oooo". Bulong nito. Halos wala nang lumalabas na mga luha sa tindi ng bigat ng kanyang damdamin. Nag iinit ang kanyang mga anit, ramdam nya ang bawat tunog ng dugong nadaloy mula sa kanyang dumadagundong na dibdib tungo sa kanyang ulong halos sumabog na sa tindi ng kalituhan. "Clifford , bunsooooooo!!!!!!!" Sigaw nya. Sinusuntok nya ang dibdib ng nakahigang hindi na gumagalaw na si Clifford sa kanyang harapan. Yapos yapos nito ang ulo nito sa kanyang hita. "Bunsoooooo!!!!!!" "Gumising ka bunso p u t a n g i n a aaaaahhhhhh!!!!!" "Ahhhhhhhh". Naghahahalo ang kanyang umaalingawngaw na palahaw sa wangwang ng ambulansyang magdadala sa kanyang kapatid sa ospital-------o sa morgue. Ayaw nyang pakawalan ang kapatid nito. Gusto nyang damhin ang natitirang init sa kanyang katawan na hindi nya alam na iyon na ang huling pagkakataong maramdaman nya iyon. Wala pa rin si Prime. Nasaan sila nang oras na ikinakabit pa lamang ni Clifford ang lubid na tatapos sa kanyang buhay. Ang lubid na syang naging koneksyon nito sa kamatayan. Nangingilid ang mga luha sa mata ng kanilang bunsong kapatid. Siguro ay may pagsisisi pa itong naramdaman nang mga huling sandali bago sya malagutan ng hininga. Hindi maisip ni Kulot kung gaano nagpupumiglas si Clifford at wala syang ibang maasahang dadating para iligtas sya, nung mga oras na kailangan sila ng kanilang bunso ay wala sila. "Cliffordddddd!!!, sandali!!!! sandaliii!!! nasan ang kuya!!!!! kuyaaaaaa!!!!" Halos igapos na rin sya ng mga tao doon. Naroon din si Aling Bing, umiiyak at tulad din nyang wala ring magawa. "Aling Biii---iii--nngggg!! san nila dadalhin si bunso ayoko pong mawala si bunso Aling Bing tulungan nyo po kami, paki usap tulungan nyo po ka---mmmm---iiihhhh". Inaabot nito ang kamay ng matandang pumaroon na rin sa kanya sa sulok para yakapin sya. Habag lang ang umuugong sa kanilang paligid, saksi ang buong baryo kung gaano sila halos hindi mapag hiwalay na magkakapatid hanggang sa dumating sa buhay nila si Cindy, isang balat kayong anghel. Tila gumamelang may tinik na syang nagdulot ng lahat ng ito, gumamelang may lasong dagtang unti unting pinadaan nya sa kanyang laway sa bawat halikang ginagawa nila. "Shhhh dahan dahan lang Kulot", mahigpit ang naging yakap sa kanya ni Aling Bing. "Dahan dahan lang anak". "Ang kapatid ko oo---ohhh Aling Bing!, ang kapatid koooooo!!!!". "Jusko kulot tatagan mo ang loob mo..." "Kulot wala tayong magagawa anak pero andito lang kami dadamayan namin kayo ng kuya Primo mo....." "P u t a n g i n a n g babae kase yan......" "Kulot tol, andito lang kami tol....." "Kulot, iiyak mo lang kulot, kami ng bahala dito...." Puno ng pagdamay ang mga tao sa kanyang paligid, mga kaibigan, kapit bahay, ngayon narito silang lahat. Ngunit ni isa sa kanila ay wala nang oras bago sipain ni Clifford ang upuang literal na syang may hawak ng kanyang buhay. .... Naroon pa rin si Cindy sa kama. Lango sa alak. Ngayon pwede ko nang isagawa ang aking paghihiganti dahil sa kanyang panloloko kay Clifford na dahilan ng pagpapatiwakal nito. Kahit hindi ko na sya tattoo han , kahit hindi na kami maghintay na umepekto ang sakit na ibibigay namin sa kanya. Siguro ay iyon ang dahilan bakit nagkataong wala nang naiwang mga likido sa chiller. Siguro ay ipinapaubaya na sya sa akin ng tadhana, marahil ay pabor sa akin ang tadhana na pwede kong ilagay sa sarili kong mga kamay ang karma ng kanyang buhay dahil sa ginawa nitong pagtataksil kay bunso. Pinunasan ko ang aking mga luha at tatayo na sana para balikan si Cindy at hahayaan ang aking mga kamay na diktahan ng aking wisyo at ng galit sa puso ko kung ano man ang magawa ko sa kanya. Ngunit sa unang hakbang ko pa lamang ay muli akong nanlumo at napa upo. "Kulot", mahinang tinig ni Clifford. Nakatayo ito sa aking likuran sa aking repleksyon sa salamin. "Anong gagawin mo kuya?" "Bun----ssssoo--oooohhhh!". Kaytagal na panahon na wala nang tumawag sa akin ng kuya. Napakatagal. At hindi ko alam kung gaano pa ito tatagal. Dahil wala na si Clifford. Wala na si bunso. Wala na syang natatanging tumatawag sa akin ng kuya sa umaga sa tuwing namumulikat ang mga binti nito kapag nag uunat sya ng katawan. Wala na syang tumatawag sa akin ng kuya sa tuwing kailangan nyang magpatulong para ubusin ang okrang nakahalo sa ulam para hindi sya mapingot ni Kuya Prime. Wala na syang tumatawag ng kuya sa akin sa tuwing may kinatatakutan itong ipis sa banyo. Wala na sya. Wala na si Clifford. Wala na si bunso. Napakalapit nya sa aking paningin pero nasa ibang dimensyon. "Yakapin mo naman ang kuya bunso ohhh paki usap naman bunso, inaramid mo naman sa akin ohhhhh, miss na miss ka na namin ni Kuya Prime.Napaka aga mo kaming iniwan. Bunso payakap naman ang kuya". Natatakot akong lumingon sa aking likuran at kahit bumabaha ng luha ang aking mga mata ay natatakot akong ikurap ang mga ito. Natatakot akong sa isang iglap ay muli syang maglaho. Mas malapit sya ngayon kumpara sa aming distansya sa aking panaginip. Nakuntento akong makita ko syang nakatayo sa likod sa harapan ng salamin. Sinubukan kong haplusin ang kanyang gwapong muka sa salamin ngunit kahit iyon ay hindi ko magawa. "Clifford kahit ngayon lang, ano bang pwedeng maging kapalit para mayakap lang kita ngayon? bunso pagbigyan mo naman ang kuya Kulot mo ohhh paki usap naman bun----ssssoo--oooohhhh". Kinokontrol ko ang aking paghikbi para malinaw nyang marinig ang aking hiling, gusto ko syang maka usap. Gusto kong marinig ng mga anghel ang aking munting pagsamong mahagkan muli ang aming pinakamamahal na bunsong kapatid. Nangungusap ang kanyang paningin. "Bun----ssssoo--oooohhhh, haplusin mo naman ang kuya. Gusto kitang halikan sa noo kapatid ko, pagbigyan mo ang kuya kulot mo bunsoooo". Handa akong mabaliw kung yun lang ang paraan para araw araw kong makita muli si bunso. Kahit sa ganitong paraan lang ay muli kong masilayan ang muka nyang kung alam ko lang na hindi ko na muling masisilayan sa kanyang paglaki ay sana mas sinulit ko ang pagtitig doon noong nabubuhay pa sya. Sana nanatili akong gising habang tulog ito sa pagitan namin ni Kuya Prime. Kung alam ko lang ay sana wala akong pinalagpas na segundo sa gabi gabing pagtatabi namin sa kasama. Sana ay niyakap ko pa sya mula gabi hanggang umaga. Sana hindi na ako nakiki agaw sa kumot nya. Sana ako na lang ang nawala. Sana ako na lang. "Kung ititigil na namin ni Kuya Prime ito bunso? titigil ka na rin bang magpakita sa akin?" Nasisinok ako sa aking patuloy na pagpipigil ng aking hikbi. "Ayokong mangyari yun bunso, paki usap, ayokong mawala ka ulit. Isama mo na lang kaya ako? bunso? O kaya dito ka lang Clifford, dito ka lang sa tabi namin" Napaluhod na ako sa harapan ng salamin. Sumasamo. Dumadaing. Pilit sinusubukan na alamin ang reyalidad sa ilusyon at imahinasyon. Basta ang alam ko ay narito si bunso, narito sya. "Bunsoooooo--ohhhhh!!" Nakatitig lamang sya sa akin. Blankong ekspresyon. Nakikitaan ko ng lumbay ang dating masayahin naming kapatid. "Anong gagawin mo ngayon Kuya Hilston?". Tanong nito. Kusang naririnig ng aking isipan ang sinasabi nya. "Gabayan mo ako bunso, gabayan mo ang kuya Kulot mo. Gabayan mo kami ni Kuya Prime mo". Sa wakas ay lumapit sya sa akin, dahan dahan syang lumapit sa akin, maingat nya akong tinapik sa balikat. "Gawin mo ang nararapat Kuya Hilston", wika nito. "Gawin mo ang alam mong tama Kuya Kulot". Napa pikit ako nang maramdaman ko ang malamig na tila ihip ng hangin sa aking leeg at iyon na ang pinaka malapit sa reyalidad na paraan para maramdaman ko ang haplos ng aming bunso na unti unti ring humalo sa ordinaryong hangin sa loob ng silid. Saglit pa akong muling pumalahaw sa harapan ng salamin. Wala na ulit sya. Tinungo ko si Cindy. "Ano ba ang tama bunso?", bulong ko. "Dahil ang alam naming tamang gawin ay patayin si Cindy para maipaghiganti ka namin". Mabigat ang bawat hakbang kong papalapit kay Cindy. Hinihiling kong magising ito sa tunog ng aking mga yabag ngunit mahimbing na ang tulog nito. "Hayup ka Cindy, dahil sayo!!!!..... dahil sayo napuno kami ng galit sa mundo..... dahil sayo nawala ang lahat ng kasiyahan namin.... nawalan kami ng kapatid.... dahil sayo nawalan ng saysay ang buhay namin ni Kuya Prime. Dahil sayong malandi kang babae ka". "Ahhhhhhhh!!!!!! demonyo ka hayup kaaaaa!!!!" ...... Akay akay ko syang walang malay. Si Cindy. Lupaypay ang kanyang katawang hindi na gumagalaw. Iniwan ko sya sa may poste na sapat na ang layo mula sa aking tattoo shop. Iniwan ko sya doon. Hindi ko na sya nilingon nang pabalik na ako sa shop. Tumingala ako sa langit, kaytagal na panahon na mula ng huli kong ginawan yun. Lasing ako sa kalungkutan. Sinong mag aakalang ang mga bituin doon ay mga parehong bituin na pinagmamasdan namin nila Kuya Prime at ni bunso tuwing malalasing kaming uuwi galing sa tindahan ni Aling Bing. Walang nagbago, pero kung sila ang dudungaw sa amin dito sa baba ay malalaman nilang ang tatlong binatang masayang naglalakad sa kanilang mga tanglaw ay naging dalawa na lang at ngayon ay nag iisa. Sumipa ako ng bato na nagtuloy tuloy na gumulong. Tumigil ito sa paanan ng naka ngiting si bunso sa ilalim ng ulap na nagliliwanag. "Salamat kulot sa tamang desisyon mo. Salamat kuya ko, mahal na mahal ko kayo........."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD