CHAPTER 10: LUMBAY SA GABING MAPANGLAW

1083 Words
KULOT POV "Hilston! huyyy Kulot". Isang mahinang yugyog sa aking balikat ang gumising sa akin. Boses ni Kuya Prime. Saka ko lang naramdaman ang lamig sa labas ng mahimasmasan na ako. Nasa labas pa rin pala ako matapos kong akayin si Cindy palabas ng shop at iwanan sa may poste. "Kuya!", napayakap na naman ako sa aking nakatatandang kapatid. "Si bunso kuya, wala na syyy---aaahhhh". "Shhhh nagpakita na naman ba sya sa panaginip mo Kulot?", napa upo na rin sya sa aking tabi at hinubad ang suot nitong jacket at ibinalabal sa aking likuran. Mahamog ang paligid, hindi ko alam kung gano ako katagal narito sa labas, pero kahit sandali lang iyon ay mabuti na rin at saglit kong nawaksi ang sakit na makitang sa wakas ay kinuha na ng liwanag si bunso. "Hindi Kuya, wala na talaga sya, hindi ko na din sya makikita---aaa---ahhhh." Umiiling ako habang tumatangis sa balikat ng kuya Prime ko. "Kasalanan ko to kuya, kasalanan ko". "Huwag kang magsalita ng ganyan Kulot, makinig ka sa akin. Makinig ka sa kuya mo". "Patawarin mo ako kuya kasalanan ko to oo---ohhh..." "Kung ganun sisisihin ko rin ang sarili ko dahil wala ako nung oras na magpakamatay si bunso, kung ganun ay sisisihin ko rin ang sarili ko dahil ikaw lang ang nandoon at ikaw lang ang nagbaba sa kanya sa lubid. Kung ganun ay kasalanan ko din ang lahat ng ito". "Hindi kuya", mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya. "Hindi mo naiintindihan kuya, patawarin mo ako". Kasalanan ko ito. Alam kong oras na gawin ko ang tama ay hindi ko na makikita kahit sa panaginip na lang si Clifford ngunit ginawa ko pa rin iyon. Hindi ko ginalaw si Cindy, hindi ko sya sinaktan na maski mahinang kurot, sinigurado kong walang nalagas na maski isang hibla ng kanyang buhok. Kasalanan ko ito at parang wala pa akong lakas ng loob na ipaalam ito kay Kuya. "Wala na si bunso kuya". "Pumasok muna tayo sa loob nang makapag pahinga ka kulot". Umupo ito sa harapan ko at kinuha nya ang aking dalawang kamay. Ito ang madalas nyang gawin sa amin ni Clifford, binubuhat nya kami sa kanyang likod na parang isang amang nagbubuhat ng pagod na anak sa mahabang lakaran. Patuloy lang ako sa pag iyak. "Alas kwatro na ng madaling araw oh, anong oras ka pa andito? mabuti nakita ka ng taga kabilang pwesto kaya tinawagan ako". Napatingala ako sa kalangitan. Walang paki alam sa amin ang naka ngiting kalahating buwan, andun lang sya at kalmadong hinihintay na muling malamangan ng sikat ng dakilang haring araw ang kanyang konting liwanag. Naging palamuti lang sya sa disyertong kadiliman ng gabi, naroon syang nakatanaw sa mundong ilalim at ni hindi alintana ang mga taong nilalakbay ang tinatahak nilang madilim na landas. Hindi mabilang na gaya ng mga kasamahan nitong mga bituin sa kalawakan ang mga luhang pumapatak nang dahil lang sa kagagawan ng isang babaeng si Cindy. Mabango ang halimuyak ng ilang ilang. Pansamantala ay natatabunan nito ang amoy ng kandilang syang naaalala ko sa tuwing maamoy ko ang bulaklak na iyon na gaya ng sampaguita na madalas naming isabit sa rebulto ng Sto. Niño sa altar sa tabi ng litrato ni Clifford. Ngunit parehong malungkot na ala ala ang dulot nito sa aking pusong naghihinagpis, kasing bigat ng grabedad na dulot ng bilog na buwan, kasing dilim ng maulap na gabing kalangitan. Kung saan man dinala ng liwanag ang aming bunso, nawa'y doon ay makaramdam na ito ng payapang kabanayadan, malayo sa poot at galit na kasalo ng aming pangungulila sa kanya. Walang bulalakaw. Humihiling ako na sana ay totoo ang mga kwentong ada. Sana ay isa lamang kaming akda ng manunulat na mga karakter sa isang nobela sa libro, at kung magka gayun man ay isulat nyang isa lamang itong masamang panaginip ni Kulot sa mga susunod na pahina. Handa akong maghintay kahit gaano man katagal basta ilaan nya lang ang maski isang kapitulong pamamagatan nyang "Milagrong Muling pagkabuhay ni Clifford". Nababaliw na ako. Hindi kami karakter mula sa itim na tintang nasulat ng isang manunulat kundi kami ay dalawang lalaking hinubog ng pulang naglalaglab na dugong animoy santelmo, naliligaw sa kadiliman, hinihintay ang panahong makpag higanti. Napadaan kami sa isang mamihang nauuna pang maririnig ang ginigisang mga bawang at sibuyas sa kawali sa harap ng kanilang carenderia kesa sa tilaok ng mga manok sa madaling araw dahil sa aga nilang magbukas. Kanina pang alas tres ay bukas na ang mga ito. "Ohhh Kulot, Prime". Bati ni Mang Noel. "Good morning sakto, swerte pag mga binata ang buena mano". Wika nito sa amin. "Ano kulot ? kain muna tayo para mahimasmasan ka sa sabaw?". Bumaba na ako mula sa likod ni kuya at pinunasan ang aking muka gamit ang pawisan kong damit sa kabila ng malamig at mahamog na oras ng madaling araw. "Pahilamos ako Mang Noel", Paalam ko sa kanya. "Oh sige sige, kung gusto mo maligo ka pa jan ,para naman kayong others eh". "Dalawang mami Mang Noel, special". Umorder na si Kuya at sinamahan pa ako para maghilamos sa gripo. "Wag ka muna magbukas ng shop mo ah", Inangat ni Kuya ang aking damit at pinunasan ng tissue ang pawisan kong likod. "Basang basa ka oh, wag ka muna mag aircon ah, pag ikaw nilagnat yari ka sa akin talaga". Nanlalambot ang pagiging lalaki ko sa pagmamahal na binibigay sa akin ni Kuya Prime kaya muli na naman akong napa iyak ay yumakap sa kanya. "Salamat kuya, maraming salamat". Binuksan ni Mang Noel ang radyo at doon tumugtog ang ballad na kanta ng SB19 na NYEBE na tumatagos at umaayon sa nararamdaman ko nang mga oras na yun. (NYEBE BY SB19) Tayo ma'y magkalayo Panalangin ko'y kayo Takot ay maglalaho Ito'ng aking pangako Ako'y nandito Alam ko na hindi ito posible Pero bakit bumubuhos ang nyebe Nanlalamig ang bisig hinahanap ang 'yong tinig Mahagkan ka sana'y 'di imposible Oh nyebe nyebe nyebe (malamig ma'y 'di na bale) Nyebe nyebe nyebe (basta't nand'yan ka parati) Nanlalamig ang bisig may kaba pa sa 'king dibdib Marinig lang ang 'yong tinig matutunaw din lahat ng nyebe Oh oh oh Oh oh Oh oh eh eh Oh oh eh Ginugol oras sa lahat ng bagay na hinahangad 'Di namalayang oras ay lumilipad whoa At kung ako'y nakalilipad ay babaliin siyang pakpak nang sa gano'n oras ay huminto Ngayo'y nandito Alam ko na hindi ito posible Pero bakit bumubuhos Bakit bumubuhos ang nyebe nyebe nyebe Nyebe nyebe nyebe oh.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD