Maagang natapos ang last subject ni Dale. Nakapagpractice na rin sila ng Pepsquad kanina. Parang hangin lang na dumaan ang buong maghapon niya. Di pa rin kasi mawala sa isip niya ang mga napag usapan nila ng daddy at mommy niya. Maraming nakapansin ng mood niya kanina pati pinsan niyang si Brent pero di na lang niya sinagot ang mga tanong nila. DALE'S POV It's already 4pm pero parang ang bagal ng oras. Inip na inip na ako. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang gusto kong uminom. Gusto kong sumigaw. At gusto kong makalimot kahit saglit. Gusto kong magalit sa lahat! Tumayo ako at hinanap ko ang phone ko saka ko idinial ang number ng pinsan ko. ''Brent? Where are you? Can you pick me up. I want to drink.'' Si Brent lang kasi ang kasama ko kapag may problema ako. Siya ang tak

