Galit na galit si Mitch pero wala na siyang nagawa. Nakahiga na rin daw ito sa kotse niya dahil dun daw binaba ni Brent. Kaya wala na siyang choice kundi ihatid ito. Gigisingin na lang niya ito para di siya mahirapan. Nagdadabog na pumunta na ito sa kotse niya. Naabutan pa nito si ate Cherry, siya yung isa sa mga trusted waitress nina Mico. Pinapaypayan pa nito ang babaeng paupong nakahiga sa backseat ng kotse niya na tila lantang gulay sa sobrang kalasingan. MITCH'S POV Bwisit talaga tong Brent na 'to! Pshhhh! Nasa kanya nga pala ang duplicate ng susi ng kotse ko kaya nadala niya dito itong lasinggerang ito! Hiniram niya kasi ito nung nasa States ako. ''Ate Cherry, salamat po. You may go. Ihahatid ko na yan.'' ''Ahhh, ma'm ingatan nyo daw po si ma'm ano.. Si ma'm....'' Nagkakamot

