MITCH'S POV Sobrang saya ko talaga ngayon, kami na ng babaing matagal ko ng pinapangarap. Ang cute pa niya, napaka innocent niya kasi. Nahuli niya talaga ako sa killersmile at captivating eyes niya. Para akong matutunaw kapag nagtatama ang mga mata namin. Mahal na mahal ko siya at gagawin ko talaga ang lahat para sa kanya. Ang cute niya pa kanina habang nasa pizza parlor kami. Di niya alam na nakapag usap na kami ni Tito Manolo at Tita Steph tungkol sa aming dalawa. Flashback... "I like your daughter Tito Manolo. Not just like a friend or a sister but more than that." Kabadong sabi ko habang nakaupo kami sa sa sofa at kaharap ko sina Tito Manolo at Tita Steph. Matagal na tinitigan lang nila ako. Di alam ang sasabihin. Seryosong nakatitig lang si Tito Manolo sa akin. Kabadong kabado n

