DALE'S POV Andito kami ngayon ni Mitch sa isang pizza parlor at katatapos lang maglunch. Late na kami parehas nagising kaya late na rin kami nakapagsimba. Dito na rin kami dumiretso dahil past 11 na kami lumabas ng simbahan. Sobrang saya ko ngayon, di lang dahil kami na ni Mitch kung hindi dahil nararamdaman ko kung gaano siya kasincere at gaano niya ako kamahal talaga. Nakikita at nararamdaman ko kasi kung gaano siya kasweet sakin dahil sa mga kilos niya, she always wanted to protect me at di siya nagsasawang pangitiin at pakiligin ako lagi. Ewan ko ba, simula ata nung nakilala ko siya naging weakness ko na ata ang pagiging sweet niya kaya nafall din ako sa kanya. Mahal na mahal ko si Mitch, ayoko lang masyadong ipakita. Natatakot pa rin kasi ako kasi she's my first love and first of ev

