FRANCES' POV
Kadarating lang nila Coco at Brei dito sa condo namin-- nakaalis na si Kielle kanina pang madaling araw. We bid our goodbyes but like she said--- it's just a space for me to think.
"So what happened?" Coco said. Tumingin mun ako sa kanilang dalawa ni Brei atsaka ko kinuwento lahat lahat--- simula nung gabi na nagbar ako, yung pagkikita namin ni Jaydee.
"WHAT?!" Pasigaw na sabi naman ni Brei pagkatapos na pagkatapos kong magkuwento.
"Naghotel kayong dalawa? Kala ko ba nasiraan si Jaydee non?" Dagdag na tanong naman ni Coco sakin.
"I don't know what she said to you guys but that's the real story. She saved me. She also called me girlfriend para lumayo yung lalaking sinuntok niya and then I woke up at Hotel-- pero natatandaan ko na she spend the night with me." Mahabang paliwanag ko naman.
"Alam ba 'to ni Madie? I mean may nangyari ba sa inyo? Did you---" Tuloy tuloy na tanong ni Brei sakin.
"Ofcourse not! I mean kay Madie hindi ko alam kung sinabi ba sakanya ni Jaydee yung totoo and sa tanong mo about samin ni Jaydee--- i don't really remember what happened that night." Sagot ko naman sakanilang dalawa. Napakamot pa sa ulo si Coco.
"Besh you know that I'm your bestfriend--- but I will not tolerate you sa mga ganitong bagay. Unang una alam naman nating lahat na si Kielle ang jowa mo at si Jaydee meron namang Madie. You should stop this--- lalo na ngayong nagkaproblema yung dalawa." Coco said.
"What? I mean--- ano problema nila? I texted Jaydee but she didn't reply."
"Umalis si Madie sa condo nila ni Jaydee nung isang araw pa-- pero ngayon pinuntahan na nila sa Tagaytay. Nagkaproblema sila the last time Jaydee and Kielle saved you." Baling naman sakin ni Brei habang si Coco nagpunta na sa fridge ko at kumuha ng tubig.
"Girl-- isang araw hindi umuwi si Madie dahil sabi ni Jaydee nakita daw niyang kasama ni Madie yung boss nito at nasa VIP room pa then nag-inom ang ate mong Jaydee ayun pag-uwi ni Madong kung ano ano nasabi niyang masasakit na salita kaya naman yung isa lumayas--- pano hindi manlang kasi pinakinggan ni Jaydee yung paliwanag ni Madong agad agad nagalit." Pagpapatuloy ni Coco.
"Kung makikita mo lang si Jaydee kanina--- she's so broke, para siyang bangkay na iyak ng iyak, ang daming kalat sa unit nila may mga basag pa ngang bote tsaka nakakulong lang siya sa kwarto nila ni Madie habang hawak yung picture nilang dalawa-- walang kain, walang tulog at mukhang wala ring ligo si Jaydee kanina nung nadatnan namin siya." Dagdag naman ni Brei.
"Kamusta na si Jaydee? Is she okay?" tanong ko naman sakanilang dalawa.
"Kanina nung nagpunta kami sa pinagtatrabahuhan ni Madie na bar nalaman namin kung nasan siya tapos pumunta si Jaydee don kasama sila Laney-- i think she's okay naman na. Hindi pa sila nagchachat kung ano na nangyare pero sana okay na sila." Coco answered.
"At ikaw naman Frances--- ayus ayusin mo desisyon mo sa buhay ha? Tandaan mo si Jaydee meron ng Madie, don't ruin them." Pagpapayo naman sakin ni Brei. Hindi naman ako sumagot dahil hindi ko pa naman nakakausap si Jaydee ulit.
"Linawin mong mabuti yung desisyon mo--- Besh kapag pumili ka dapat sure na sure kana. Si Kielle na handa kang tanggapin ulit o si Jaydee na kapag pinili mo hindi ka sigurado kung pipiliin ka din niya, honestly besh? I think Jaydee is so damn inlove with Madie--- I guess you are too late..." Sabi ni Coco atsaka siya ulit tumabi sakin.
Am I really too late?
JAYDEE'S POV
Nauna kaming makarating dito sa unit namin. Hinatid naman ako ni Amanda hanggang dito sa loob. Hindi kami nag-usap sa kotse. Tahimik lang siyang nagdadrive kanina.
"Thank you Amanda." I whispered at derederecho naman siyang umupo sa couch ko.
"I'm not here dahil kinakampihan kita Jaydee dahil maling mali ka--- nandito ako bilang kaibigan mo parin na handa kang damayan pero hindi ko itotolerate yang kagaguhan na ginawa mo kay Madie at sa aming mga kaibigan mo." Dahan dahan niyang sabi habang nakatitig sa cellphone niya.
"I know-- I'm sorry I didn't think what I'm doing.." I shyly said.
"Dong--- kung mahal mo si Frances, wag mo ng paasahin si Madie--- realtalk lang. "Kung sakali man" na mahal mo pa talaga si Frances isa kang gago, tanga. Totoo-- walang hard feelings pero baka isumpa kita kapag nalaman ko na ginawa mo lang rebound si Madong. Buti nga hindi pa nakikipaghiwalay sayo yung tao--- kung sakin mo yun ginawa baka hindi lang sampal abutin mo sakin.." Seryoso niyang sabi sakin.
"Hindi ko na mahal si Frances maniwala ka sakin--- I just did that para lang tigilan kami nung lalaki kasi kung hindi ako nagpakilalang girlfriend ko si Frances baka ako naman ang mabugbog." Pagdadahilan ko but it is a half meant true.
"Hindi rin naman kita masisisi--- just don't forget Madie. Huwag mong kalimutang may girlfriend ka Dong. Kasi sa totoo lang kapag nanjan na si Frances sa harap mo parang nakakalimutan mong may Madie ka." Dagdag pa niya.
Naputol naman ang pag-uusap namin ng dumating na yung dalawa. Si Laney na masamang masama ang tingin sakin at si Madie na nakapoker face padin.
"Osige na maiwan na namin kayong dalawa, tara na Jagiya." Pagpapaalam naman ni Amanda habang hinila palabas si Laney na halatang galit na galit parin sakin.
Hindi ko naman sila masisisi. Kasalanan ko naman to lahat--- sana hindi nalang talaga ako nagsinungaling. Sana sinabi ko nalang agad yung totoo.
Naiwan kami ni Madie dito sa unit namin. Nakita ko namang sinara niya yung pinto. Walang umiimik--- nakatingin lang ako sa bawat galaw niya.
Dumiretso siya sa kwarto namin at kumuha ng ilang damit atsaka siya naligo. Naghanda naman muna ako ng makakain namin dahil maghahapunan na rin. Habang nagluluto ako natapos naman na siya sa pagligo. Pumasok siya sa kwarto atsaka niya ito sinarado.
Nakatapos na akong magluto at sakto naman ang paglabas niya--- may dala siyang mga damit. Unan at kumot.
"Simula ngayon hindi kana matutulog sa kwarto. Kung gusto mong umalis o maghotel o pumunta sa kung saan ka man makakatulog ng maayos bahala ka. Basta wag kang pupunta sa kwarto--- and don't you ever come near to me. Naalibadbaran ako sayo." She coldly said bago ulit pumunta sa kwarto niya. Hindi naman na ako nakasagot. Kailangan kong tanggapin ang parusa ko--- kasalanan ko to.
Kumain nako dahil alam ko naman na hindi siya kakain ng kasabay ako. Pumunta ako sa pintuan ng kwarto namin at kumatok.
"Kumain kana love--- don't worry I'm done na, hindi kita guguluhin." Sabi ko atsaka ako ulit umupo sa couch para ayusinn ang hihigan ko.
Maya maya lang ay lumabas na siya dala yung phone niya. Kinain naman niya yung hinanda kong pagkain sa kanya. Ako na sana maghuhugas ng pinagkainan niya pero hinugasan niya na ito agad bago pa man ako makatayo. Bigla namang nagring phone niya kaya naman nagpunas muna siya ng kamay bago niya ito sagutin.
"Hello sir napatawag po kayo?" Sagot niya sa kabilang linya.
"Sorry Zach-- alam mo namang hindi ako sanay na tawagin ka sa name mo. But yea? Why did you call?" So si Zach na naman pala. Umiwas nako ng tingin atsaka ako nagphone kunwari.
"Yeah I'm fine. Thank you so much sa tulong mo ha? Hindi na ako nakadaan jan kanina bago akoo umuwi dito." Pagpapaliwanag naman niya. Bakit naman kailangan pa niyang dumaan dun?
"I think tomorrow papasok na ko." Sagot niya ulit--- papasok na agad siya ng hindi manlang kami mag-uusap? Tsaka hindi ba niya ako naintindihan na ayoko ngang nakakasama niya yun.
"No--- it's fine. Para naman malibang ako kahit papano.-- yup, thank you." Rinig kong sabi niya bago niya ulit ipagpatuloy yung paghuhugas niya.
Nakita ko naman na may nagchat sa gc namin na 3 days nalang daw ay reunion na namin--- really? Ang tulin naman. Sana naman okay na kami ni Madong bago kami magreunion. Hays.
Pupunta na sana ulit siya sa kwarto pero nagsalita muna ako kaya naman napatigil siya.
"Donggg- I'm really sorry. Mag-usap muna tayo please." I whispered. Nakatalikod pa rin siya sakin atsaka siya sumagot.
"Saan tayo magsisimula Nandy? Sa kailan mo pa ako niloloko? Sa kailan mopa ako ginagago? O baka naman sa----simula palang ng relasyon natin ginagago mo nako?" Humarap siya sakin at parang inaantay ang sagot ko.
"Hindi kita niloloko Madie."
"Hindi moko niloloko? Eh ano? Ginagago lang?" She coldly said and grin at me.
"I didn't----" Lalapit na sana ako pero pinigilan niya ko.
"Huwag na huwag mo akong lalapitan. Hindi ko alam kung anong ginawa niyo ni Frances sa hotel na yun--- hindi ko maiwasang mandiri sayo." Sagot niya sakin.
"Wala akong ginawa--- wala kaming ginawa Madie.."
"May ginawa man kayo o wala--- nagsinungaling ka pa rin sakin. Ano sabay din ba kayong maligo? Mas mabango ba siya kesa sakin ha Nandy?" Ramdam ko ang galit sa bawat salita na sinasabi niya sakin--- nararamdaman kong naiiyak na siya pero pilit niya tong pinipigilan.
"No-- no love." Napayuko nalang ako. Hindi ko alam kung paano pa siya maniniwala sakin.
"E ano! Bakit! Ha! Bakit mo yun nagawa sakin!" Pinaghahampas niya ako---
"Bakit ka nagsinungaling Nandy?" I hear her sobs. Niyakap ko siya para pigilan siya sa paghampas sakin.
"I'm sorry--- i'm really really sorry." Bigla naman niya akong tinulak at sinampal. Tumalikod siya sakin at bago pa siya tuluyang makapasok sa room namin ay----
"Don't say sorry---- I don't wanna hear your sorry. Hanggang kailan kita patatawarin Jaydee? Hanggang kailan ako aasa na hindi mo nako ulit sasaktan? Hanggang kailan ba si Frances jan sa puso mo? Mahal kita--- minamahal lang naman kita pero bakit ang sakit sakit mong mahalin?"