Chapter 1
A/N: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without written permission from the author. Plagiarism is a crime. This story is unedited, so expect typo graphical errors, grammatical errors, wrong spellings and whatsoever errors. If you're looking for a perfect story, don't continue reading this. Thanks!
—————•
FRANCES' POV
"When will I see you again?
You left with no goodbye, not a single word was said
No final kiss to seal any seams
I had no idea of the state we were in
I know I have a fickle heart and a bitterness
And a wandering eye and a heaviness in my head
But don't you remember?
Don't you remember?
The reason you loved me before
Baby, please remember me once more"
"Huy Frances! natulala ka na naman jan." Sabay patay ng radio dito sa loob ng kotse ko. Dumilat nalang ako at tumingin sa kanya. Oo kay Coco na panira lagi ng drama ko.
"Bakit ba? Masama ba mag emote? Ang ganda kaya ng kanta tapos maulan pa oh." Nakakainis naman kasi tong si Coco damang dama kona e! Sobrang sakit nung kanta lagi ko siyang naalala hahahahahaha pain. Naloloka na naman ako it was 2 years ago but still here I am. Hurting.
"Besh two years na. Move on move on din. Masaya na yung tao. Maging masaya ka nalang din para sa kanila." Sambit naman ni Coco habang kinakain ang chocolates ko. But honestly, can I be happy? I think I'm happy but I will be happier if she was with me.
"Alam mo ewan ko sayo. Kung hindi lang talaga kita kaibigan baka naitapon na kita jan sa labas." Ang sabi ko habang nakatingin sa daan. Iniisip ko lang, paano kaya kung kami? Paano kung ako yung kasama niya at hindi siya? Paano kung hays. Minsan ang hirap din palang makipag-usap sa sarili.
Wala naman na akong magagawa. Kung masaya na siya sa iba, siguro titignan ko nalang siya sa malayo. Ginusto ko rin naman to. Kaya paninindigan ko nalang matagal tagal narin naman simula nung...
//FLASHBACK//
JAYDEE'S POV
"Uy Ate Gabb!!! Pahelp bilis huhu di ko alam pano ko ibibigay to kay Frances" Hindi ko alam pero kabang kaba talaga ko. Nakakainis kasi bakit ba ako ganto (Wow sinisi ang sarili) Kasi naman special day kaya to para sakin no! Because it's Saya Day! Yup. Meron kaming special day ni Frances bakit angal ka? Gawa yon ng fans namin waahahahahaha shinip kami well coz' y not naman diba? Asan naba si Ate Gabb! Maiiihi nako dito sa sobrang kaba.
"Ang ingay mo Jaydee wa! OA ka ade syempre iabot mo!" Ang galing mag isip ni Ate Gabb, sobrang pinag isipan talaga nakakainis! Kinakabahan na nga ako tapos ganyan pa mga sagutan. Alam niyo yung feeling na para kang tumaya sa lotto tapos yung limang number mo lumabas na tapos isang number nalang magiging milyonaryo kana? Okaya yung parang may nakadikit sayong bomba na anytime pwedeng sumabog? Para akong natatae na hindi maintindihan.
"Jaydee tara." Habang paikot-ikot ako dito sa baba ay hinila ako ni Brei. Aba aba derederecho hila sakin nitong babae nayo kala mo naman ay katangkad!
"Teka teka! Dahan dahan naman baka masira tong sunflower na ibibigay ko sa prinsesa ko" Habang hila hila ako ni Brei todo ayos ko naman sa sunflower na ibibigay ko kay Frances. Aba mahirap na no baka masira pa ang plano ko. Not until Brei push me to their room.
OO TAMA KAYO! TINULAK LANG NAMAN AKO NI BREI SA KWARTO NI ATE ELLA AT FRANCES! WTH!!! SHOOKT NA SHOOKT ANG ATE MONG ELLA AT ANG PRINSESA KO. GAHHHHHD!!
"Uhm.. Ate.. At—e.." Jusko lupa kainin mona ako. Nakatingin parin silang dalawa habang si Brei sa tabi ko ay parang bored na bored at parang gustong...
"Frances may ibibigay daw si Jaydee sayo, ayan ata oh yung hawak niyang sunflower" At ayon na nga.. Sinabi na.. Yung puso ko nawala na ata sa sistema ko. Nawala na. Dahil hindi kona maramdaman ang t***k nito. Wala na yung puso ko dahil nasa kanya na. Sa babaeng nakatitig sa akin ngayon at inaantay ang susunod kong gagawin. Oo na cheesy na kung cheesy ganto nga siguro ang pakiramdam ng nagmamahal.
"Go na Jaydee!" Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na halos lahat ng teammates namin nandito na at pinagtutulakan na nila ko kay Frances. Eto na malapit na. Nandito nako—- sa harap ng anghel. Nauutal ako, alam kong pag nagsalita ako baka tumulo pa ang laway ko sa sobrang ganda ng nasa harap ko. Hindi ko alam kung paano ako magsasalita. Nakatitig lang siya sa akin habang nakikipagtawanan sa mapambuyo kong mga teammates.
"Para sa akin ba yan?" Tanong niya habang nakaturo sa sunflower na hawak ko.
"Uhm oo kasi ano diba— frandesal day ano kasi nakita ko sa t****k binabati tayo ng mga mnloves kaya ano ayan. Naisip ko na— bigyan ka ng sunflower— hehehe" Sa sobrang utal ko ayan nalang ang nasabi ko habang kumakamot sa ulo ko na para bang hiyang hiya ako.
HIYANG HIYA TALAGA AKO DAHIL PARANG SASABOG NA ANG PUSO KO!!! Kalma Jaydee, kalma. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya, alam kong panget ang pagkakangiti ko dahil hindi ko maintindihan kung tama ba na ngumiti ako sa kanya.
Kilig na kilig naman tong mga teammates namin diko na narinig sinasabi ni Frances. Kaya ang ginawa ko...
"PWEDE BA UMALIS MUNA KAYOOOO ACCCKKK!!! SPACE NAMAN WHIOOOO!!! CHUPI MUNA MGA ATE!!!" Tulak ko sakanila with pandidilat ng mata wahahahahaha! Kasi naman time natin to no! Enebekesheeee! Pinagtawanan lang nila ko hanggang sa eto. Kami nalang nandito. Dinig na dinig ko ang t***k ng puso ko. Naririnig niya kaya? Sobrang tahimik niya kasi e. Hawak hawak lang niya yung sunflower na bigay ko. Hindi niya kaya nagustuhan?
"Uhm.. sorry kung umeksena pako. Hindi moba nagustuhan?" Kabang kaba ko kasi hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa sunflower. Kaya naman nagsalita ako ulit.
"Pasensya kana ah. Hindi na mauulit. Kasi ano e— gusto ko lang talaga bigyan ka ng bulaklak. Ayaw moba sa sunflower? Dapat pala——"
Hindi kona natapos yung sasabihin ko dahil naramdaman ko na yung bisig niya sa katawan ko. Hindi ako makagalaw sa sobrang gulat ko. Eto na naman yung puso kong ayaw kumalma. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil kung gaano ako nagulat— dobleng gulat ata ito sa puso ko. Wala akong ibang marinig kundi ang t***k ng puso ko na parang rinig na rinig sa silid na to.
"Salamat Jaydee. Thank you nag effort kapang bumili ng sunflower para sakin. Hindi ko ito inaasahan. Pasensya kana kung wala akong maibibigay sayo kaya eto nalang—-"
Yan ang bulong niya sakin habang nakayakap parin siya. Gusto ko sanang magsalita pero imbis na tumugon ako sa sinabi niya sinuklian ko nalang siya ng yakap habang hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Eto na ata ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko. Yakap yakap ko ang taong isa sa pinakaimportante sa buhay ko.
*KNOCK! KNOCK!*
"Hoy mga bhie! Kakain na mga bhie, baka masobrahan na kayo jan mga bhie mamaya naman bhie emote ha" Sino pa nga ba? ade si Amanda na walang kupas kakabhie.
Natawa nalang kami parehas at sabay kumalas sa aming pagkakayakap. Tumingin muna ako sa mga mata niya bago ko siya bigyan ng isang matamis na halik——- sa noo.