FRANCES' POV AWKWARD. After lunch ay dumating na ulit ang ilan sa mga trainees namin kaya naman nagsimula na ulit kami magturo habang si Madie ay nasa sulok at nagcecellphone. Kanina pa ako hindi makakilos ng maayos dahil sa biglang pagdating niya. Tuloy hindi kami makapag-usap ni Jaydee, umiiwas siya sakin pag nandito si Madie but I understand naman. Sino ba naman ako--- Wala naman masyadong ganap dahil busy kaming lahat. Natapos din agad ang tutor namin before 5pm at nandito pa rin kami sa studio nagpapahinga. "Any plans?" Tanong ni Coco habang pinupunasan siya ni Brei ng bimpo sa likod. "Uhm-- kami uuwi na agad, maglilinis muna kami sa condo namin. Kayo ba?" Sagot ni Laney at tumingin samin. "Magdidinner date kami ni Dong---" Sagot naman ni Madie, nakita ko namang napatingin si Ja

